Chapter Ten
FearSaan ba ako pwedeng magtago sa mundong ito na hindi ako makikita ni Mister Valdigierro?
Ulilang lubos man ako pero paano na sila Xcix at Sevi? Hindi kaya ng konsensya ko na talikuran ang kapatid at kaibigan. Siguradong silang dalawa ang babalikan niya. Sila ang sasalo sa galit ng lalaking iyon.
Matapos niya akong pagbantaan ay iniwan niya ako sa harap ng police station, nag-iisa at nabasa pa ng ulan. Wala akong kapera-pera. Nagboluntaryo iyong guwardiya sibil na ihatid ako dahil iyon daw ang utos ni Mister Valdigierro pero tinanggihan ko ito. Baka mamaya ay may masama pa silang balak sa'kin.
Nag-taxi na lang ako at ng makarating sa inuupahan ay doon ko na lang binayaran ang taxi driver. Buti na lang at may natitira pa sa mundong ito na mabait na tulad nito. Nagkulong ako buong maghapon sa silid ko, walang kain dahil hindi naman ako ginutom. Nabulabog lang ang pananahimik ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto na kulang na lang ay ipagiba iyon.
"Elaisha, buhay ka pa?" Masakit sa tainga na sabi ni Sevi at sinugod ako ng yakap. "Akala ko pina-salvage ka na. Bruha ka talaga. Sinuyod ko na ang lahat ng police station sa metro pero hindi kita nakita. Saan ka ba nila pinunta? Anong ginawa nila? Virgin ka pa ba, friend?"
Naiinis na kinaltukan ko ang noo niya, napalakas kaya umaray siya. Kinuha ko na lang ang dala niyang pancit na nakalagay sa bilao. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang dala niya.
"Maligo ka nga muna. Ang baho mo." Maarte pa niyang tinakpan ang kanyang ilong.
"Mamaya na, gutom na gutom na ako." Nilantakan ko na ang pancit malabon ng maalis ang takip niyon.
Hindi na rin ako kumuha ng plato at doon na kumain. Maliit lang naman ang inuupahan ko kaya hindi ako nahihirapang kumilos doon. Pagharap mo, kama na tapos sa harap niyon ay lababo na. Sa paahan naman ng kama ang cr. Noong sinabi kong silid iyon, talagang silid lang iyon.
Kumuha din si Sevi ng tinidor at nakisalo na sa akin.
"Pero okay na rin 'yan, at least hindi ka amoy bleach."
"Kumakain ako, Eusebio."
Pinaningkitan niya ako saka mala-demonyong ngumisi. "Ui, alam niya ang tinutukoy ko. Alam niya ang amoy ng tamod."
Muntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya, kinuha ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso saka iyon diretsong ininom.
"Eusebio, nasa harap tayo ng pagkain kaya umayos ka."
"Alam mo ba na ang pagkain ginagamit na din sa sex para pampagana at pangpainit sa kama?" Sabi niya na para bang isang guro lang habang pinapangaralan ang kanyang estudyante.
"Irespeto mo naman ang pagkain, Eusebio. Nasusuka na ako d'yan sa mga pinagsasabi mo kaya manahimik ka na at nawawalan na ako ng ganang kumain."
He only laughed just to annoy me more.
"So what happened nga? Saan ka dinala niyong mga pulis? Anong ginawa nila? Mga sinabi?" Saka siya biglang tumili at itinirik pa ang mga mata. "Ang gagwapo nila, Aisha. Parang gusto ko na lang maging kriminal kung sila ang huhuli sa'kin. Siguradong magiging suki ako nito sa kulungan kapag nagkataon. At kung sila lang din ang huhuli sa'kin, I will surrender myself willingly. Take me po. Take all of me."
I puckered my lips disgustingly, dinuro-duro ko siya ng hawak na tinidor. "Idadahilan pa na ako ang hinahanap niya. Siguradong nilibot mo lang ang metro para makita ang mga pulis patola na 'yon. Malandi kang bakla ka, may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman sa ospital. Sigurado namang gustong-gusto mo na pinipigilan ka nila."
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomanceHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...