Chapter Thirty-Nine
GoneTatlong araw. Tatlong araw na akong walang balita sa kanya.
Siguro sila mayro'n pero have wala naman silang sinasabi sa'kin. Kung iisipin, bakit pa nga ba nila sasabihin sa akin. Ako ang dahilan kung bakit nagtatago ngayon si Oz. Ang kapal naman ng mukha ko para magtanong at alamin kung ano na ang kalagayan niya ngayon.
Ano? Para magbunyi? Magmayabang?
Bumalik naman na din sa dati ang lahat na para bang hindi iyon nangyari. Pumasok na rin ako sa trabaho ko. Habang si Sir Crusoe naman ngayon ang saglit na namamahala sa Solaiman Enterprises kasama si Sir Hildegard. Ang tatlo ay kasakasama ko pa rin kahit saan ako magpunta pero kapag sa kompanya ay sila Sir Hildegard at Sir Crusoe ang kasama ko lang.
Nakakapasok na rin ako sa Von Havilliard at nabibisita ang kapatid. Kahit pa paano ay may maganda namang naidulot ang ginawa ko. Iyon na lang ang iniisip ko para hindi ako tuluyang makonsensya. I'm convincing myself that this is his fault too. If only he didn't banned me from his hospital maybe none of this would happened.
"Hey! Little Kitten--- What the hell are you doing?" Hindi na naituloy ni Chen ang paglapit sa'kin at napatanga na lang, the way he looked at me was like I did something unjustifiable. Something inhumane. "Hey! You're disrespecting the skull."
Matamis ko naman siyang nginitian habang inaayos sa ibabaw ng countertop ang maskara. "I'm only trying to take care of this thing 'no just like what you all wanted."
"By putting it in a fucking food storage container?" He barked.
"In Filipino culture, a container is like a fortune to us. It's a treasure."
Dumiretso siya sa fridge at kumuha doon ng bottled of water saka sumandal sa sink. May disgustong pinagmasdan ako habang umiinom ng tubig.
"Hindi ka maka-relate kasi ang alam n'yo lang ay mag-angkin ng mga bagay na hindi naman sa inyo."
I wanted to giggle when I saw how he rolled his eyes heavenwards, he walked towards me and then pointed to the food container.
"Made in China. Really? Huh?" Puno naman ng pang-aasar na angil niya bago humakbang palabas ng kusina.
Naisahan na naman ako ng intsik na 'yon. Binuhat ko ang food container at nagtungo na sa kuwarto ko, inilagay ko lang iyon sa closet. Sa may bandang ibaba at hindi masyadong pansinin. Pagkatapos ay bumaba ulit ako, ngumiti ako ng makasalubong si Sir Hildegard buhat-buhat ang mga pinamili namin kanina.
Ngumiti din siya sa'kin. "Where should I put this, Miss Yuson?"
"Nakakalimutan mo na atang nasa Pilipinas ka, Sir Hildegard." Pinulot ko ang may kalakihang bituin na kulay pula habang inililibot ang tingin sa paligid hanggang huminto ang tingin ko sa tabi ng hagdan. "Siguradong magandang ilagay diyan ang Christmas tree."
The Snow Christmas tree is in fifteen feet. Inayon ko lang din sa kanila ang kulay ng binili kong mga dekorasyon. Itim nga sana pero mas pinili ko na lang ang pula, puti at ginto para naman magkaroon ng buhay ang bahay niya.
We're busy fixing the tree when they came down. It's almost midnight but I'm still not sleepy, mukhang gano'n din naman si Sir Hildegard. Nagkalat sa sahig ang mga dekorasyon, nakaluhod ako doon at iniisip kung saan ba maganda isabit ang mga ornaments.
"Anong ginagawa n'yo? Wala pang December ah." Nagtatakang sita ni Lazslo ng makita ang malaking Christmas tree.
Namamanghang napatingala ako sa kanya. "Maalam ka din sa tagalog?"
He gave me a menacing smirk. "Surprised, motherfucker!"
Sumimangot ako at inirapan siya. There's no accent in his tagalog, it sounds even natural.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomantikHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...