Chapter Fifteen
ProposalIs he trying to win my brother's trust? Is that his plan? If it is, then he is definitely winning.
But for what reason?
Overthink tuloy ako ng malala nito dahil lang sa lalaking iyon. I don't know what they saw on him that everyone likes him. Bukod sa itsura niya, wala namang kagusto-gusto talaga sa kanya. Kung makikilala lang talaga nila ang totoong siya baka kamuhian lang siya ng mga ito.
Agad ang pagbabago ng emosyon ng mukha ko ng makita si Heidi. Siyempre kailangan pa rin nating ipakita sa ibang tao na okay tayo kahit hindi naman lalo na kung ang kahaharapin natin ay ang taong inis na inis sa atin. Dahil mas lalo ko pa silang iinisin.
"Good morning, Ma'am Heidi." Puno ng siglang bati ko sa kanya na para bang magkaibigan kami.
Pagkatapos kong i-swipe and ID ko sa access control system machine ay sinabayan ko siya sa pagkalakad papasok ng lobby.
She crinkles her nose, lips pressed together. "Anong ginawa mo kay Sir Valdigierro? Anong pangkukulam at gayuma ang ginamit mo sa kanya?"
"Simple lang naman." I flipped my hair. "Natural kong ganda at ang malinis kong pu..."
Then I intentionally paused as I pout my lips then gigled and bit my nail. Unti-unti ang paglaki ng kanyang mga mata, marahas na rin ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Himala at medyo sarado ang kanyang hinaharap ngayon.
"Puso kasi iyon." Then I tsked as I narrowed my eyes on her. "Mukha ka ng maaatake sa puso, wala pa nga akong ginagawa, Ma'am Heidi. Kabado malala ka na agad."
"Magsasawa din siya sa'yo. Makikita niya din ang totoo mong ugali, Aisha. Alam naman ng lahat dito na pineperahan mo lang si Sir Valdigierro. Ginagamit mo lang siya para maipagamot 'yang kapatid mo. Ang mga tulad mo talaga, mga mukhang pera."
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero hindi mo pa rin maiaalis ang katotohanan na hinding-hindi ka papansinin ni Mister Valdigierro kaya inis na inis ka sa'kin." Ngumisi ako. "Inggit na inggit ka siguro 'no?"
"Malandi ka---"
"Oh, pigilan mo ang sarili mo at baka magbunot ka na naman ng damo ng wala sa oras." Turo ko sa kamay niya ng umangat iyon at tila nagbabalak siya na sampalin ako.
She can't use the ugly card on me anymore kaya kung hindi ang pagiging malandi ko kuno ang gagamitin niya ay ang kapatid ko naman para siraan lang ako. What a low class bitch!
"Heidi, ano na naman ang ginagawa mo?" Saway dito ni Rob at agad hinawakan ang kamay ng babae, hinihila pababa.
"Hi, Rob." Ngiti ko dito, tila ngiti ng isang inosenteng kolehiyala sa kanyang natatanging crush.
Namula naman ang mukha ni Rob pero nakuha pa rin niyang ngumiti at nakita iyon ni Heidi. Tinulak siya ni Heidi sa dibdib at nagsimula silang magtalo kaya iniwan ko na sila doon.
Ang laki ng ngiti ko pero ng nasa harapan na ng elevator ay naglaho din iyon dahil sa lalaking nakatitig sa'kin na nasa loob ng elevator. Mag-isa lang niya doon, seryosong nakapamulsa sa suot na pantalon. He's even fresher than the sun breeze.
Samantalang ang mga empleyado niya ay nagkakagulo na sa kanyang harapan pero wala namang naglakas ng loob na pumasok sa elevator. Mukhang nahihiya din silang makisabay sa CEO, pero mas mukha silang takot. Sino ba ang hindi matatakot sa pagkakakunot ng noo niya at lamig ng titig. Ang aga-aga para na siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Apat ang elevator doon, dahil umaga kaya talagang punuan iyon. May elevator naman na nakalaan para sa kanya pero ginagamit pa rin niya ang elevator ng mga empleyado. Too much used of power and authority.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomantikHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...