Chapter Twelve
ImpatientThat's something I've been trying to fight for years. Sobra-sobrang galit. Ang galit na nararamdaman ko ngayon ay siguradong nabuo sa nakalipas na taon at ngayon lang pilit na kumakawala. Hindi ko na mapigilan at ayaw ko na ring pigilan pa. Tila ang damdamin ay isang dram na napuno na lang at umalpas ng hindi ko na kaya pang labanan.
At si Nichelle ang sumalo ng lahat ng iyon.
"Laya ka na, Miss Yuson." Ngingisi-ngising binuksan ng pulis ang rehas na pinto. "Swerte talaga ng mga taong tulad mo 'no? Pero ingat ka pa rin sa susunod baka tuluyan ka ng hindi makalaya dito kapag bumalik ka na naman."
Sumingit naman ang kasunod niyang pulis. "Imposible 'yang mangyari. Mukhang malapit 'to kay Mister Valdigierro. Galingan mo, hija baka kumawala pa at ikaw ang maging kawawa."
"Galingan mo sa paggiling at pagkanta. Pagmumukha pa lang niyon, siguradong madaling magsawa."
Hindi ko alam kung paano nila naiisip iyon at nasasabi sa harapan ko. Kung anu-ano pa ang sinabi nila hanggang sa makalabas kami ng presinto at lumapit sa nakaparadang itim na kotse. Kumatok sa bintana sa harap ang isang pulis, agad naman iyong bumaba pero dahil madilim sa loob ay hindi ko nakita ang tao doon.
"Boss, just like what we promised. Don't worry, we made sure Miss Yuson is safe. Walang labis, walang kulang. Safe na safe, buong-buo." Ngiting aso nitong sabi.
Mula sa loob ay may nag-abot ng isang cheke.
"Thank you, Mister Valdigierro."
Matapos iyong makuha na pinag-agawan pa ng dalawang pulis ay sabay pa silang yumukod kahit hindi naman sila sigurado kung nasa loob nga ang tinutukoy nilang lalaki. Bumukas ang pinto sa likuran, tinulak pa ako ng mga pulis para pumasok ng hindi ako gumalaw.
Nang makaupo ay doon naman binuksan ang ilaw. Dim lang 'yon, medyo masakit sa mata. Kahit ramdam ko ang dilim sa titig ni Mister Valdigierro ay hindi ko siya nilingon. Nang maisara ko ang pinto sa tabi ko ay doon lang sinimulang paandarin ng driver niya ang sasakyan. Dalawang lalaki ang nasa harapan, hindi ko mamukhaan.
Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng kotse pero mas nangingibabaw ang gamit na pabango ng lalaking nasa tabi.
Mayamaya ay nakarinig ako ng sigawan at mga taong nagkakagulo. Ang tunog ay sobrang pamilyar sa'kin. In his laptop that was placed on his lap, he's watching what happened at the canteen earlier. I don't know how he got a copy of that, or maybe someone already uploaded it on all social media platforms.
"Whose this guy?"
His question made me puzzled for a moment, and when I finally gazed at him, his grim appearance reminded me of a dark art with so many mysteries and wonder to behold. His features are strong and masculine, almost perfect and his deportment screams majestic yet scary.
Kung hindi lang siya ubod ng kasamaan, talagang kagusto-gusto naman siya.
And as I stared at him, naalala ko ang mga pinagsasabi ng dalawang pulis kanina. Akala ba ng mga ito ay may relasyon kami ni Mister Valdigierro? Just thinking about it makes my stomach writhe in agony.
"This guy who stopped you."
He's more concerned that someone stopped me rather than me, almost killing someone.
And am I obligated to answer him? Or even talk to him?
I stayed silent as I chose to watched the serenity of the night. Ang katahimikan ng Metro sa gabi ay nakamamanghang pagmasdan. Kahit pa may nakikita akong natutulog sa bangketa. Hindi na rin ako nagulat ng matanaw ang ilang mga kababaihan sa gilid ng kalsada na wala ng maitatago sa uri ng kasuotan nila. Sa ganoong oras talaga buhay na buhay ang mga nightclubs.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomanceHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...