Chapter 42

3 1 0
                                    

Chapter Forty-Two
Ruin

Mas lalo lang atang sumakit ang ulo ko ng makitang si Chen at Stein ang naghihintay sa'kin sa sa labas ng Solaiman Enterprises. Hindi na ako nagtaka kung bakit madaming tao ngayon sa lobby, pati na rin sa labas at pinag-uusapan silang dalawa na mukhang wala naman silang pakialam doon.

Binuksan agad ni Stein ang pinto ng makita ako at hindi na ako nagulat ng tingnan ako ng mga katrabaho, punong-puno iyon ng pagkasuklam at panlalait. I even heard some calling me a 'slut'.

Nakasunod pa rin sa sasakyan ang mata ng mga nasa labas ng building ng Solaiman Enterprises kahit nakalayo na ay talagang kami pa rin ang pinag-uusapan nila.

Napahawak ako sa sentido ng makaupo sa likod. "Hindi n'yo naman ako kailangan pang sunduin. OA lang si Sir Crusoe, maayos naman talaga ang pakiramdam ko. I just need to take a nap, I think."

"Of course, we need to," Stein answered in an undertone then gave me candies. "Here, Miss."

I looked at him weirdly but just accepted it. "Thanks?"

"You really looked sick, little kitten. But more like a lovesick!" Chen gazed at me in the rearview mirror with a playful smirk plastered on his irritating face. "Don't worry, he will be here tomorrow."

Then he winked at me and just focused on driving.

I know he saw how my lips parted, and my face brightened in excitement because of what he said. I tried controlling it, I tried not showing it to them but I can't stop my lips from smiling and my heart from beating wildly.

Tinakpan ko na lang ang labi saka yumuko. Nagkunwaring natutulog dahil nahihiya na ako sa naging reaksyon ko. But then I realized what I'm doing, I immediately scolded myself.

Malamig at seryoso na ako ng makarating kami sa bahay. Diretso agad ako sa silid. Nagbabad ng ilang minuto sa bathtub habang may malamyos na tutugin para pakalmahin ang sarili ko at isipan.

Saka ako natulog at paggising ay maayos na ang pakiramdam ko. Not because he will be here tomorrow but because my mind is finally okay. Sir Crusoe was right, I just need a rest.

And Chen thought that I'm already okay because of Oz, hindi ko na itinama at aasarin lang naman niya ako. Pumasok ako kinabukasan na maayos na ang pakiramdam. Kahit pinagbubulungan pa ng mga katrabo ay hindi iyon naging dahilan para masira ang araw ko.

"Sino iyong mga sumundo sa'yo kahapon, Elaisha?" Talagang hindi na sila nakapagpigil at nilapitan ako sa harap ng locker ko.

"Grabe ka ah, hindi naman porke't close kayo ng CEO at ni Mister Crusoe ay basta-basta ka na lang umaalis sa trabaho mo para umuwi. Ang unfair naman niyon para sa amin na nagtatrabaho talaga."

"Pero hindi ko na nakikita dito ang CEO. Nasaan ba siya? Ano ba talaga ang real score sa inyo ng CEO, Aisha?"

Ang daming mga tanong pero wala akong sinagot kahit isa doon. Isipin na nilang masungit ako pero hindi ko obligasyon na pawiin ang kuryusidad nila. I don't care too if they spend most of their time defaming me and my reputation, mas maganda pa rin naman ako sa kanila.

Habang lumilipas ang oras ay mas nadadagdagan ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na namalayan na alas-otso na pala ng gabi. Sumulyap ako kay Sir Crusoe, mukhang abala pa rin siya at marami pang tatapusin.

I fixed my things then get my bag as I walked towards his direction then tap his table to get his attention. "Uwi na tayo, Sir Crusoe. Gabi na oh! Bukas na 'yan. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan."

Napakurap-kurap siya, gulat na nag-angat ng tingin sa'kin saka sumulyap sa labas. Mabilis naman din niyang inayos ang gamit.

"I'm sorry! I didn't notice the time."

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon