Chapter 27

9 1 0
                                    

Chapter Twenty-Seven
Resort

Solaiman Enterprises may be the world's largest pharmaceutical company in Asia that produces and supplies drugs and manufactures hospital furniture, laboratory apparatus, technology equipment, surgical instruments and medical devices.

The company is involved in conducting research, developing, and distributing pharmaceutical products for use as drugs that work by being given to patients with the goal of curing and preventing disease. It studies diseases and it also invests lots of money to research and produce drugs or medicines for patients.

Alam kong malaking kompanya ang Solaiman Enterprises pero hindi ko inaasahan na ganito pala ito kalaki. Akala ko katulad lang ito ng ibang kompanya, simple pero hindi ko inaasahan na mas komplikado pala ito. Pero bakit pa ba ako magtataka? It's under the Zalman group and their CEO is none other than the leader of the infamous Masked Organization, Mister Oz Valdigierro.

Nagtatakang pumasok ako sa opisina ni Mister Valdigierro, naabutan ko siyang abala sa pagbasa at pagpirma ng mga dokumentong nakapatong sa mesa niya. He looks so solemn with his reading glass, I never thought that I would witness him like this. Puro kasi siya karahasan.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya, saglit lang siyang nag-angat ng tingin sa'kin. Matapos niyang pasadahan ng tingin ang kabuuan ko na may panghuhusga at bahagyang umangat pa ang kilay niya, agad din naman niyang ibinalik ang atensyon sa mga dokumentong nasa harapan niya.

Dahil talaga daw kasumpasumpa ang suot ko ng pumunta ako sa Von Havilliard, ilang damit din ang inilibre sa'kin ni Sevi. Ang mga gamit ko sa dating inuupahan ay pinadala na lang noong isang araw sa bahay niya, ang iba doon ay pinamigay ko na lalo na iyong mga luma. And I don't find anything wrong with my dress today so what's his problem again?

"You're my secretary and not some hooker," I remembered his negative comment about what I was wearing the other day while we were having our breakfast.

Pagpasok ko pa lang sa kusina ay nasa akin agad ang buong atensyon niya. Suot ko noon ay isang melokoton na blusa at black velvet mini skirt na pinaresan ko ng itim ding ankle boots.

"Napaka-prim and proper ko naman na hooker." Manghang sabi ko, malinaw na iniinis siya.

Umiling sa'kin si Sir Hildegard na para bang binabalaan akong huwag na lang pansinin ang Boss niya. Umikot na lang ang mata ko at hindi na sila inimik. Sa araw na iyon ay nakasuot ako ng itim na pencil skirt na hanggang kalahati ng hita ko at may maliit iyong hiwa sa kanang bahagi saka corset crop top na pinatungan ko ng cardigan blazer.

"What do you need?"

Napalunok ako ng sariling laway ng marinig ang buo at malalim niyang boses na nakakakilabot pero hindi naman sa punto na nakakatakot dahil sanay na rin naman. This is my first day as his official secretary and God please give me more patience to be with this man.

I cleared my throat, bakit ba ako kinakabahan ngayon? "Where will be my table?"

Ang dating mesa sa labas ng kanyang opisina ay wala na ngayon kaya hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Pakiramdam ko bulag ako at nangangapa sa dilim samantalang itinuro naman na sa'kin ni Sir Hildegard ang lahat ng dapat kong malaman.

Without looking at me, he raised his hand and pointed something, sinundan ko na lang ang dulo ng tinuturo ng kanyang daliri.

Napakurap-kurap ako, mas lalong naguluhan. "Bakit dito sa loob ng opisina mo? Hindi ba dapat sa labas dahil doon naman talaga ang mesa ng sekretarya mo?"

Ilang segundong tumiim ang labi niya bago nagsalita. "Which of the two of us is the CEO?"

Humalukipkip ako, habang kuryosong nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat kibot ng labi niyang mapula. "Ikaw. Obviously. Magulat ka na lang kapag sinabi kong ako, baka mas lalo ka pang magalit sa'kin."

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon