Chapter 44

9 1 0
                                    

Chapter Forty-Four
Hair

Tila ba umpisa pa lang ay nahirapan din siyang tanggapin iyon. Pinigilan at siguradong nilabanan niya rin.

Ako nga hindi rin matanggap, siya pa kaya?

Paano kaya niya tinanggap?

Malalim kong iniisip ang mga pagkakataon na lagi kaming nag-uusap noon. Pero wala talaga. Kung hindi kami laging nagsasagutan ay lagi naman kaming galit sa isa't-isa. Ako sa mga pangingialam niya sa desisyon ko sa buhay. At siya naman sa mga bagay na hindi ko sinusunod.

Kailan kaya nagsimula? Kailan kaya una niya iyong naramdaman? Hindi kaya iyong mga panlalandi niya sa'kin?

I don't remember that he changed the way he treated me or he gave me any signals that he liked me.

And especially, I don't remember myself being nice to him or anything for him to like me.

Gusto ko tuloy pasukin ang utak niya para malaman ko kung ano ang mga iniisip niya, pati din damdamin niya. Dahil paano niya magugustuhan ang babaeng gusto niyang pahirapan at patayin noong una pa lang?

"Eat more."

Napabalik sa kasalukuyan ang malalim kong pag-iisip nang marinig ang boses ni Oz. Nakaupo ako sa kama, balot ng kumot samantalang siya ay nakaupo naman sa sofa at pinapagitnaan namin ang maliit na mesang hinila niya para malagay sa gilid ng kama at doon niya ipinatong ang mga dala niyang pagkain.

Naabutan ko nang gano'n iyon pag-uwi at pagpasok ng silid. Buti na lang at kaunti ang kinain ko kaninang dinner kundi ay talagang busog na busog ako ngayon. Ayaw ko naman siyang tanggihan kasi parang ito ang unang beses na ginawa niya iyon.

"Here." Hinati niya ang burger saka ang kalahati ay inilapit sa bibig ko, para talagang susubuan ako. "Hey! Open your mouth."

Nangapal ang mukha ko kasabay ng mabilis na tahip ng puso. This is just awkward. Really really awkward.

And cringe too.

Gusto kong matawa na maiyak at matakot.

Ang malalim niyang mga mata ay tumitig sa akin nang hindi ako kumibo. "Elaisha, open your mouth."

"Ako na, Oz, kaya kong kumain mag-isa." Aktong kukunin ko ang hawak niyang kalahating burger pero inilayo niya sa'kin ang kamay.

"I know. I just want to feed you to make sure that you'll eat a lot."

"Marami naman akong nakain kanina."

"Elaisha!" Tila nawawalan na rin siya ng pasensya. "This burger or my lips in yours?"

Natilihan ako.

"Choose because it'll be my pleasure if you choose the latter."

"Ito na nga. Ah." Ititadong kong ibinuka naman ang bibig.

Pero gano'n na lang ang gulat ko ng lumapit siya, umuklo saka dinampian ng mabilis na halik ang labi ko bago isinubo sa bibig ko ang burger.

"Oz!" Namumula ang mukha na saway ko sa kanya.

Isang matagumpay na ngisi ang sumilay sa guwapo niyang mukha at mayabang na nagkibit-balikat. Ang kalahati ng burger ay kinain naman niya samantalang ang hindi ko pa nauubos na kalahati niyon ay isinubo na naman niya sa'kin at tinanggap ko na lang iyon.

Bakit ba naging sunud-sunuran na lang ako sa kanya ngayon? O baka naman may parte din ng utak ko na gustong-gusto ang ginagawa niya?

"You need to eat more. You looked thin."

Tinaasan ko siya ng kilay habang ngumunguya, nilunok muna ang kinakain bago nagsalita. "Kung ang binabalak mo ay ang patabain ako. Puwes, mabibigo ka lang dahil mabilis ang metabolismo ko."

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon