Chapter Thirty
Drunk"Yummy! Looks really fuckable, Aisha."
Kalaunan ay may itinuro ang kaibigan habang nakangisi. Mabilis ko naman iyong sinundan.
Napangiwi ako ng makitang si Stein ang itinuturo niya. May hawak na baso ng alak ang lalaki habang nakaupo sa bar counter at tila ba nagmamanman sa paligid.
Mabilis kong hinampas ang kamay ng kaibigan bago pa kami mapansin ni Stein pero may itinuro na naman siya.
"That guy, fuckable din, Aisha. Oh my god! Ang guwapo, 'yan ang mga type ko." Saka parang sinisilaban ang puwit na niyugyog niya ang braso ko. "Iyong tipong kaya akong ibalibag sa kama."
Katulad ni Stein, para ding nagmamanman si Lazslo. Nasa pangalawang palapag ito, seryosong nakapatong ang siko sa barandilya at sa halip na baso ay bote naman ng alak ang hawak nito.
Tinampal ko ang bibig ng kaibigan. "Huwag mo ngang madikit-dikit yang puck na 'yan sa maykapal."
Pero katulad ng naunang pagsaway ko sa kanya ay hindi niya rin ako pinansin. Kung makaturo siya sa mga lalaki ay para lang ang mga ito na putaheng inilalako sa karinderya.
"It's raining men, Aisha. Nasabi ko na ba sa'yo na kahinaan ko ang mga chinito at may kulay ang buhok?"
"Lahat naman ng lalaki ay kahinaan mo, Eusebio." Ingos ko.
Nakatitig na siya ngayon kay Chen habang kagat-kagat ang ibaba niyang labi.
"Napaka-fuckable niya rin. Ten over ten sila." Natutop niya ang bibig. "Teka, buhay pa ba ako? Bakit pakiramdam ko nasa langit na ako?"
"Walang alak sa langit at hayok na hayok lang, Eusebio?"
Pinandilatan naman niya ako. "Naku! Naku, Aisha, hindi ka talaga makakapag-asawa kapag hindi ka pa lumandi ngayon. Sinasabi ko sa'yo. Paramihan na ng body count ngayon. Kapag nagpahuli ka, maiiwan ka ng panahon. Kawawa ka lang."
"Nandyan ka naman kaya siguradong hindi ako totally na magiging kawawa." Pinaningkitan ko siya, seryoso pero gustong-gusto ko na ring humagalpak ng tawa. "Ayaw mo ba no'n, virgin pa ako, Eusebio sa gabi ng kasal natin."
Masuka-suka siyang lumayo sa'kin, halatang kinilabutan at nagsitayuan pa ata ang mga balahibo niya. "Yuck! Mandiri ka nga, gaga. Magpapatiwakal na lang ako kaysa tikman 'yang... yang nakakadiri mong perlas ng silanganan."
Pinapungay ko ang mga mata. "Ang totoo kasi, Eusebio. Iniingatan ko talaga ang sarili ko para sa'yo. Gusto kong maging malinis hanggang sa iharap mo ako sa altar."
"Elaisha Yuson!" Tumayo na siya at tuluyang lumayo sa'kin na para bang may nakakahawa akong sakit.
Napapalakpak naman ako sa sobrang pagtawa. Ang sarap niya lang talagang asarin.
Mula sa kanya ay nag-angat ako ng tingin sa lalaking palapit sa amin. Gwapong-gwapo si Rob sa suot niyang leather jacket at maong pants samantalang maayos naman ang pagkakasuklay sa kanyang buhok. Nagmukha nga siyang action star sa suot niya. Maginoong action star.
"Hi, Aisha!" He greeted shyly.
"Hello, Rob." My nose crinkled then I pointed Sevi na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. "Kaibigan ko nga pala si Sevi. Sevi si Rob, katrabaho ko sa Solaiman Enterprises."
Biglang tumamis ang ngiti ni Eusebio, kumikinang ang mga matang inilahad ang kamay sa lalaki na agad namang tinanggap ni Rob.
"Hi to you too. Hindi ko alam na may guwapo palang katrabaho 'tong bruha kong kaibigan."
Ang galing talaga ng kaibigan na mambola. Expert na expert sa mga lalaki. Bumalik si Jhayden na may dalang alak para sa akin. Ipinakilala ko rin sila sa isa't-isa ni Rob.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomanceHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...