Chapter Thirty-Eight
SkullKulang ang sabihin na muntikan ng tumigil sa pagtibok ang puso ko ng bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng baril at humandusay sa sahig ang lalaking sumigaw kanina.
I saw how Oz Valdigierro shot that guy straight in his head. The blood gushing, the life leaving the guy's eyes and the smoke coming from the gun after that. Everyone screamed as chaos unleashed in front of me.
Hindi ko na namalayan na lumapit na sa akin sila Sir Hildegard, pinaligiran ako habang may kanya-kanya silang hawak ng baril maliban kay Sir Hildegard. Sa pag-aakalang dadakpin nila ako ay sinubukan kong lumayo pero mabilis na nahawakan ni Lazslo ang braso ko. Bumaling ako kay Oz, nakapamulsa siyang nakatayo sa gitna. Suot pa rin ang maskara niya.
Sa gitna ng kaguluhang nangyayari, siya lang kalmado. As if he was pleased with what was happening around him. Like the God in midst of war. The darkness. The angel of death. The grim reaper who is ready to take everyone's soul.
And anyone who tried to come near the stage, bigla na lang ang mga itong bubulagta, maliban sa apat na lalaking nakapaligid sa'kin ay siguradong kalat ang mga tauhan niya sa paligid kahit hindi ko man makita ang mga ito. At kung gugustuhin niya at kayang-kaya niya, walang kahirap-hirap na p'wede niya akong patayin sa mismong kinatatayuan ko.
Sinenyasan niya sila Chen. Marahan namang hinila ni Lazslo ang braso ko, nakatutok pa rin sa kanya ang mga mata ko kahit humahakbang na ako palayo doon. Nakakapanibago ang pananahimik ni Chen, ilang beses ko na rin itong nahuling nakatitig sa'kin pero mabilis din namang iiwas. The way he stare at me was like he's in awe and puzzled.
Hindi naman sa nakakatakot ang uri ng titig niya pero kinikilabutan pa din ako, gano'n di si Stein. Nagtaka na ako at hindi nakaligtas sa akin ang palitan nila ng mga tingin. Para bang may sikreto ang mga ito sa isa't isa. Pakiramdam ko ay may inililihim ang mga ito na lalong mas nagpakaba sa'kin.
"What all you gonna do now?" Sa wakas ay nakuha ko ng magsalita ng nasa elevator na kami.
Sila Chen at Lazslo ay nasa likuran ko samantalang sila Stein at Sir Hildegard naman ang nasa harapan ko. Sa wakas ay itinago na rin nila ang mga baril nila dahil mas lalo pa niyon ako pinapakaba.
I cleared my throat and was ready to face the consequences of my actions. "Papatayin n'yo na rin ba ako?"
"Who told you that?" Tanong din ni Lazslo.
"Kung gano'n ay kukunin n'yo muna ba 'tong maskara bago n'yo ako patayin?"
"Nah! We still respect the one wearing that skull even though the fact still remains that you just stole that."
"That's the second most important thing in the Masked Organization, Miss Yuson. The symbol of someone's power and rank." Imporma naman ni Sir Hildegard. "And out of respect, we're not going to take that away or take it off from your head."
Kaya pala ayaw itong hubarin sa'kin ni Oz noong nasa Casino Blood Win kami dahil gano'n din ang pagrespeto niya dito. And it's second.
"Ano ang una?"
"The Masked Organization."
Nagsalubong na ang kilay ko. "Kung gano'n ang pamilya ang pangatlo o baka naman mas mababa pa doon?"
"Yes, it's in third."
Gusto kong matawa. Una pa lang talaga, kahit ayaw ko, kinamumuhian ko na rin ang ipinaglalaban at mahal na mahal nilang organisasyon.
"Ano ng balak n'yo sa'kin? Ano na ang gagawin n'yo?" Humalukipkip ako, nagsimula ng pawisan at mangalay sa bigat ng bungo. Medyo nahihirapan na rin akong huminga at gustong-gusto ko ng hubarin ito pero parang kapag ginawa ko iyon ay mas mapapahamak ako lalo na sa mga narinig mula sa kanila.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomanceHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...