Chapter 23

6 1 0
                                    

Chapter Twenty-Three
Mad

And I did.

Ilang oras akong nakatayo lang doon. Nagtatakang pinagtinginan na nga ako nila Stein at Lazslo, si Chen ay nakuha pa nga akong asarin. Sir Hildegard looks worried but I didn't say a word to anyone of them. Siguro iniisip nila kung anong trip ko ngayon sa buhay na bigla ko lang napagpasyahang maging isang magandang palamuti na lang doon.

Sisihin nila ang bosabos nilang Boss.

Ilang beses akong nilagpasan at dinaan-daan lang ni Mister Valdigierro, kung umasta siya ay parang wala lang ako doon kaya gano'n din ang ginawa ko. I didn’t show any emotions especially to him.

Mahinang pinagpapalo ko ang binti ng makaupo sa gilid ng kama ko. Ramdam ko ang pangangawit ng paa at pagkirot ng talampakan.

"Go to your room before I change my mind," I recalled Mister Valdigierro mumbled while holding a beer can in his right hand.

Madilim na niyon ng paakyatin niya ako, hindi ko siya tinapunan ng kahit isang sulyap at basta ko lang siyang tinalikuran. Alam kong nakasunod ang tingin niya sa'kin kaya sinubukan kong maglakad ng maayos pero talagang nangawit ang paa ko kaya paika-ika akong umakyat ng hagdan.

Sinubukan ko ulit alisin ang bracelet na suot, hinila-hila ko iyon pero hindi ko na ata iyon maaalis pa. I know that jerk put something inside this chain ID bracelet for him to spy on me.

It makes me furious that he's always one step ahead of me.

Elaisha Yuson, isip. Mag-isip ka babaita ka, kailangan mong makaganti. Nakakailan na ang lalaking iyon sa pagpapahirap sa'yo samantalang ikaw bokya pa rin. Nganga! Saan na ang tapang mo? Hanggang salita ka na lang ba?

Dahil walang magawa, kinabukasan ay napagpasyahan ko na lang na mag-bake ng cupcakes. Naparami kaya I offered it to his men and they obviously like it.

"Happy birthday, Aisha." They even greeted me like it was really my birthday, but I didn't correct them.

Magana at masaya akong kumakain sa kusina ng pumasok si Mister Valdigierro, I ignored him and just enjoy eating. Lumapit siya sa malaking fridge at kumuha doon ng tubig. Ramdam ko ang mariin niyang titig habang umiinom siya ng tubig at gano'n na lang ang hiling ko na sana masamid at tuluyan na siyang malunod.

"Gusto mo? Kung makatingin, parang gutom na gutom eh." Hindi na nakatiis ay inalok ko siya ng cupcake habang nakaismid.

He didn't say anything but he sat down at the stool, still staring at me and he looks like he's waiting for something. At hindi na ako komportable sa paraan ng pagtitig niya. Para siyang isang scientist samantalang ako naman ay isang lab rat na pinag-e-eksperementuhan niya.

"Do you have a boyfriend?" Then he chuckled tauntingly. "My bad. Of course, you don't."

And that's more than an insult.

"Ikaw? Do you have a girlfriend?" Napatakip ako sa bibig, parang gulat na gulat pagkatapos ay nang-iinis na ngumisi. "Oh! Siguradong wala kasi kahit sino namang babae ay hinding-hindi masisikmura ang kasamaan ng ugali mo at mga pinanggagawa mo."

The muscles on his jaw tensed and his fists balled at the table. I think I just flipped his switch and it makes me feel even more victorious, the fact that I'm able to get a reaction from him makes me feel fantastic on the inside.

"No man can really withstand you and your attitude."

"And the feeling is mutual."

Umikot ang mga mata ko, kumuha ng cupcake saka iyon inilagay sa platito at ipinatong sa harapan niya. Gusto lang makakain ng cupcake kailangan pa akong hamak-hamakin.

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon