Post

8 0 0
                                    

"Maaarreeeee!" Sigaw ko, habang tumatakbo papalapit kay Marge na nakaupo sa ilalim ng puno, busy sa pagbabasa ng libro. Hindi siya tumitingin sa paligid, kaya sinamantala ko ang pagkakataon para takutin siya.

"ANO? Hinayupak ka! Gusto mo ba ihampas ko itong libro sa iyo?!" pasigaw niyang sagot nang marinig niya akong papalapit. Binalingan niya ako ng masamang tingin, pero halata ko naman na hindi siya galit—sanay na siya sa mga bigla kong pag-atake.

Umupo ako sa tabi niya, hinuhugot mula sa bulsa ko ang isang piraso ng biscuit. "Nakikita mo ba ito?" sabi ko habang winawagayway sa harap ng mukha niya ang biscuit.

"Oo, ano ako, bulag?" sumimangot siya. "Anong gagawin ko d’yan, kakainin ko ba? At saan mo na naman napulot 'yan, ha?" tanong niya, sabay akmang aagawin sa kamay ko ang biscuit.

Agad ko namang hinampas ang kamay niya, parang bata lang. "Hoy, hoy, hoy! ‘Wag kang greedy! Bigay 'to ni Ajake sa akin." Buong pagmamalaki kong inilabas ang maliit na box mula sa bag ko.

"Tehhh, seryoso ka ba? Expired na ata mga laman niyan. Hindi mo man lang iniisip ang kalusugan mo," tawang-tawa si Marge habang itinuturo ang lumang kahon.

"Wala kang pakialam," sabay sambit ko, tinatago ang munting box. Inside that small, worn-out box were little treasures—candies na lusaw na, lollipops na parang chewable na, and even snack wrappers. Lahat ng ito ay mga pagkain na bigay ni Ajake sa akin. Alam ko, sounds ridiculous, pero these little things make me feel na espesyal ako sa kanya.

"Talaga lang ha? Pakiramdam ko kailangan mo na ng check-up," suhestiyon ni Marge, sabay tawa.

"Para saan?" tanong ko, nakatingin sa kanya nang malalim.

"Para sa utak mo, mare! Ibang sakit na 'yan. Hindi na 'yan kayang gamutin ng kahit anong klaseng gamot. Pa-psychiatrist ka na!" birong sabi ni Marge, pinipigilan ang tawa.

"Manahimik ka, hindi mo lang alam ang pakiramdam ng mahalin!" sagot ko, mas seryoso kunwari.

"Mahal? Mare, 'di yan love! One-sided delusion ‘yan, te. O, este, hindi pala delulu moments."

"Delulu moments? Paano mo nasabi? May proweba ka ba?" Nagcross ako ng braso at tinignan siya nang seryoso.

Agad siyang sumandal sa puno, binaba ang libro at itinaas ang isang kamay, tila bang binibilang ang mga dahilan kung bakit ako raw ay delulu.

"Una, nung nag-react si Ajake ng 'like' emoji sa post mo sa Facebook. Ano ba ang sabi mo sa akin noon?" tanong niya habang naka-focus sa akin.

"Teeeehhh! Nag-like si Ajake sa post ko! Ano kayang magandang wedding gown para sa kasal namin?" Ginaya niya ang tono ko habang natatawa.

Napahalakhak ako bigla. Oo nga, totoo 'yun. Nung nag-like si Ajake sa post ko about love quotes, feeling ko talaga may something na! I mean, come on! Sino ba ang magla-like sa post ng walang dahilan, diba?

"Pangalawa," dagdag ni Marge, “binuksan niya ‘yung pinto nung palabas ka."

Agad kong pinutol ang kwento niya. "Hindi niya gustong ipahawak sa akin ‘yung maduming door knob," depensa ko, pero alam kong hindi niya ako titigilan.

Naaalala ko pa ‘yung araw na iyon. Pauwi na ako, dala ang mga libro ko, nang biglang tumayo si Ajake sa likuran ko at binuksan ang pinto para sa akin. Ramdam na ramdam ko ‘yung malakas na tibok ng puso ko noon. ‘Yun ang dahilan kung bakit bumalik ako sa loob ng classroom para ikwento agad kay Marge. Akala ko talaga may gusto na siya sa akin.

"Marreeeee!" sigaw ko noon. "Pinagbuksan niya ako ng pinto! Malakas ang kutob ko, mare, he's falling for me!" Kilig na kilig ako habang binabalikan ang mga eksenang iyon.

"Talaga lang ha?" sagot ni Marge, sabay tinulak ako palabas ng pinto kasama si Jessalie. "Boyfriend thingy daw? Naku, mare, niloloko mo lang sarili mo!"

"Pangatlo," patuloy ni Marge. “Inaway mo si Krystal kasi akala mo may gusto siya kay Ajake. Nagparinig ka pa ng parinig, tapos nung nalaman mong may jowa na si Krystal, para kang naging tuta sa harap niya!" sabay hagikhik niya.

Aminado ako, medyo awkward nga iyon. Nakakahiya talaga. Nag-alala ako nang todo na baka magka-developan sila ni Krystal, kaya naparinig ako nang naparinig. Pero nung nalaman kong may boyfriend pala si Krystal, grabe, bumait ako bigla. Para akong bula na nawala sa eksena.

"Krystal, tanga ka ba?" Naalala ko pa ang mga salitang iyon. Sa isang project noon, paulit-ulit kong ineexplain ‘yung steps sa math equation pero parang hindi talaga siya makuha. Nabigla ako nung sumagot si Krystal na seryoso.

"Dan, nagseselos ka ba kay Ajake? Kasi kung nagseselos ka, wala kang dapat ikabahala. May boyfriend na ako, at kapatid lang ang turing ko kay Ajake." Hindi ko alam kung matatawa ako o manliliit sa sarili ko nung araw na ‘yon.

Simula noon, naging magkaibigan na kami ni Krystal. Medyo awkward sa umpisa, pero eventually we became close. Siya na rin mismo ang nagsasabi sa akin kung ano ang mga galaw ni Ajake, kahit alam kong medyo delikado na ang mga nararamdaman ko.

Biglang tumunog ang bell. Lunch break over. Bumalik kami ni Marge sa classroom. Filipino na ang susunod na subject namin, at habang naglalakad kami papasok, bumalik ako sa pwesto ko malapit sa bintana. Perfect spot para masilip ko si Ajake na nasa field. PE nila ngayon, track and field, at kitang-kita ko siya habang tumatakbo. Hay, kung alam lang niya, sa puso ko na lang siya tumakbo, winner na agad siya kahit maglakad lang siya.

"Dan, tawag ka ni Ma'am." Kinalabit ako ni Jessalie.

Agad akong tumingin sa harapan. Si Ma'am Morrine, nakangiti sa akin. "Dan, is everything good?" tanong niya.

"Yes, Ma'am," sagot ko, medyo kinakabahan.

"Congratulations, Dan. Nanalo ka sa writing contest. You're going to represent our class next month," sabi ni Ma'am.

Seryoso? Nanalo ako? Hindi ko inexpect ‘yun! Paborito ko magsulat pero ‘yung manalo? Iba 'yun! Pero bago ko pa ma-celebrate ang sarili kong achievement, napansin kong kailangan ko itong basahin sa harap ng klase. Ayaw ko!

Tumayo ako at huminga nang malalim. Bago ako naglakad papunta sa harapan, sumilip muna ako sa bintana, tiningnan ko si Ajake. Eksaktong nakatingin siya sa akin at kumaway siya. Kumpleto na araw ko. Ngumiti ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa harapan.

Inabot sa akin ni Ma'am ang papel kung saan ko isinulat ang kwento ko. Huminga ako nang malalim at binasa ang titulo. "Give me your forever."

At habang binabasa ko, nararamdaman ko ang kilig na dulot ng bawat salita.

Delulu DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon