Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Ajake. Ngayon, tuluyan na niya akong iiwan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na aalis na siya, na mag-isa na lang ako. Sa mga oras na magkasama kami, hindi niya ako iniwang mag-isa kahit sa simpleng yakap, hawak ng kamay, o ngiti. Ramdam ko lagi ang init ng presensya niya—ang siguradong kasama ko sa bawat pangarap, sa bawat araw. Pero ngayong dumating na ang takdang oras ng kanyang paglisan, bumalik ang sakit, mas matindi pa sa unang araw na sinabi niyang kailangan niyang umalis.
Sobrang sakit. Sobrang bigat. Parang hindi na ako makahinga.
Habang inaayos niya ang mga gamit niya, sinubukan kong maging kalmado. Sinubukan kong maging matatag para sa kanya, para hindi niya makita kung gaano ako nasasaktan. Ngunit sa bawat pagpaloob niya ng damit sa maleta, pakiramdam ko, tinatanggal niya ang bahagi ng buhay ko na dati’y puno ng saya. Pilit kong tinutulugan ang bawat kilos niya, pinapakalma ang sarili ko, pero sa totoo lang, gusto ko na siyang yakapin at pigilan. Gusto kong sabihin na huwag na siyang umalis, na hindi ko kaya nang wala siya.
“Maghihiwalay na ba tayo?” tanong ko nang hindi ko na matiis. Masyado akong mahina para manatiling tahimik. Boses ko’y basag, pero sana hindi niya iyon napansin.
Agad siyang tumingin sa akin, kunot ang noo. “Huh? Ano yun?”
Ngumiti ako, pilit pinipigil ang luha. “Wala… wala ‘yon.” Pero ang totoo, halos sumabog na ako sa loob. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko—paano na ang mga pangarap namin? Paano na ako kapag wala na siya dito?
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Babalikan kita,” sabi niya, boses niyang puno ng pangako. Pero bakit tila nawawala ang bigat ng mga salita? Parang alam ko na ang totoo—na sa oras na umalis siya, hindi na magiging pareho ang lahat. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na babalik siya, pero paano kung hindi? Paano kung habang malayo siya, unti-unting maglaho ang lahat ng mayroon kami?
Nang matapos na niyang ayusin ang kanyang mga gamit, lumabas na kami ng bahay. Nasa kamay pa rin niya ang kamay ko, pero pakiramdam ko, unti-unti na niya akong binibitawan. Sa bawat hakbang na ginagawa namin patungo sa taxi, para bang hinuhugot ang bawat piraso ng puso ko, unti-unti itong napupunit. Ang dating saya at katiyakan ay napalitan ng takot at lungkot na parang hindi ko na kayang lampasan.
Pagdating namin sa sakayan, tumigil siya at hinarap ako. Tinitigan niya ako ng matagal, parang sinisigurado niyang matandaan ko ang bawat detalye ng mukha niya. Tumitig ako pabalik, hinahanap ang mga salitang gusto kong sabihin—gusto kong sabihin na huwag siyang umalis, na hindi ko kayang mag-isa, na baka hindi ko kayanin ang maghintay. Pero walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Pinipigil ko ang bawat hikbi, pinipilit kong maging matapang, pero sa loob ko, wasak na ako.
“Dan…” bulong niya, hinawakan niya ang pisngi ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, ramdam ko rin ang bigat ng pag-alis niya. “Mabilis lang ito. Babalik ako para sa’yo, pangako.”
Pero sa totoo lang, wala nang sapat na salita para takpan ang sakit na nararamdaman ko. Para saan ang mga pangako kung wala siya dito? Para saan ang “babalik ako” kung sa mga oras na kailangan ko siya, hindi niya ako mahahawakan?
“Paano kung magbago ang lahat?” tanong ko, hindi ko na napigilang itanong. Boses ko’y puno ng takot. “Paano kung pagbalik mo, hindi na tayo tulad ng dati? Paano kung mawala na ang lahat ng meron tayo?”
Tumingin siya sa akin, mga mata niya puno ng kalungkutan. “Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa’yo,” sagot niya. Pero kahit anong sabihin niya, alam kong may mga bagay na hindi na magiging pareho. Ramdam ko sa bawat yakap, sa bawat halik na hinalikan niya ako ng gabing iyon, na may isang bahagi ng akin ang mawawala kasama niya.
BINABASA MO ANG
Delulu Diaries
Fanfiction"Delulu." ang cute na shortcut para sa "delusional." Parang biro lang, 'di ba? Pero ayon kay Merriam-Webster, ang delusyon ay isang paniniwalang mali o ilusyon na pinaniniwalaan at pinapalaganap. Ang ganda ng pagkakasabi, pero sa totoo lang, ito ang...