Dan
Dumeretso agad ako sa kama pagkarating namin ni Marge sa bahay.
" Mare anong gusto mong kainin? " Tanong ni Marge.
" Si Ajake mare. " Pabiro kong sagot.
" Tarantada paano mo makakain eh nagpakain na sa iba. Basurero ka ba at pumupulot ng tira tira? " Sagot niya.
" Kung siya lang din naman ang basura handa akong pulutin siya para mapakinabangan ko. "
" Gurl nakakababa ng class. It's not giving. So ano nga kakainin natin? "
" Adobo." Sagot ko.
Basura? Handa ako maging basurero para mapakinabangan si Ajake? Napatawa ako ng bahgya nung napagtanto ko na tama nga si Marge. Nakakababa ng moral kung ganon ang gagawin ko. I'm a high class person at hindi ako dapat papatol sa manloloko at mababang klaseng tao.
Alas syete na ng gabi nung nag umpisa kaming kumain ni Marge nung may narinig kaming sumisigaw sa labas.
" May nag aaway na naman! " Singhal ni Marge.
" Ano pa nga bang bago? Gusto mo lumipat na tayo ng tirahan? " Tanong ko.
Sa totoo lang nagtitiis na lang kami ni Marge dito sa apartment na tinitirahan namin. Hindi kasi nakukumpleto ang isang linggo na walang nag aaway na kapitbahay. Nung nakaraan nag batuhan ng mga plato sina Aizee at Ana dahil sa pusa ni Aizee na tumatae sa loob ng kwarto nila. Bakit hindi nalang nila gawing siopao iyong pusa para matapos na.
" Dannnnnnn! " Napatigil kami sa pag subo nung narinig kong may tumatawag sa akin.
" Mare narinig mo ba iyon? " Tanong ko kay Marge.
" Oo. " Saad niya. Agad naman kaming tumayo at sumilip sa bintana.
Nakita naman naming naka tayo si Ajake sa may gate. May hawak din siyang bote at gumegewang na kinakalampag ang gate.
" Si Ajake. " Saad ko.
" Dan lumabas ka jan. Mag usap tayo!" Sigaw niya.
" Mare labasin mo na. Huwag niyang antaying ako ang lumabas at ihampas ko ang boteng hawak niya sa ulo niya. Anong oras na at nag iingay siya rito! "
Agad naman akong nag suot ng jacket at lumabas.
Binuksan ko na ang gate at amoy ng alak agad ang sumalubong sa akin.
" Ajake lasing ka ba? " Tanong ko.
Agad naman siyang ngumiti. Baka ngiti siya pero bakas sa mata niya ang kalungkutan. Namamaga ang mga mata niya.
" Hello. " Saad niya at kumaway.
Pinipilit niya ring tumayo ng tuwid pero na a-out balance siya. Agad ko naman siyang hinawakan nung muntikan siyang dumulas.
" Bakit ka pumunta rito ng lasing ay este bakit alam mo ang bahay ko? " Tanong ko.
" Hinanap ko talaga ang bahay mo. " Saad niya.
Hinanap niya ang bahay ko? Para saan para manggugulo?
Biglang lumakas ang hangin. " Halika muna sa loob. " Saad ko at inalalayan siyang pumasok.
Pagkapasok namin ay inagaw ko naman ang hawak niyang bote ng alak at inabutan ng malamig na tubig.
Umupo rin ako sa tabi niya.
" Anong ginagawa mo rito? " Tanong ko.
Tumingin naman siya deretso sa mga mata ko. " Sorry. " Pag hingi niya ng tawad.
BINABASA MO ANG
Delulu Diaries
Fanfiction"Delulu." ang cute na shortcut para sa "delusional." Parang biro lang, 'di ba? Pero ayon kay Merriam-Webster, ang delusyon ay isang paniniwalang mali o ilusyon na pinaniniwalaan at pinapalaganap. Ang ganda ng pagkakasabi, pero sa totoo lang, ito ang...