Ajake
"Pare, kailangan pa ba talaga nating gawin ito? Paano kapag nasaktan ko iyong tao?" Tanong ko kay Ryx at KJ. Naka-upo kami sa football field ng school habang nagpapahinga. Ang mga binti ko ay nanginginig, at sa likod ng aking isipan, naglalaro ang mga tanong na hindi ko masagot.
Napa-tingin ako sa bintana at nakita kong naka-tingin sa akin si Dan, kaya agad ko siyang kinindatan at kinawayan. Nakita ko kung paano siya kinilig, at agad din siyang naglakad papunta sa harapan ng klase niya. Parang may kung anong nakakakilig na init ang sumabog sa dibdib ko, pero ito rin ay sinabayan ng pangamba.
Track and field namin ngayon at kami itong tatlo, nagpapahinga. Ang oras na ito ay tila nagiging mabigat.
"Pare, sayang ang ipinusta ni Mervin at Hendrix kung hindi mo gagawin itong dare nila," saad ni Ryx, inangkla ang braso niya sa balikat ko.
"Ikaw naman kasing tatanga-tanga ka. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng gawing dare, eh iyong lokohin pa si Dan? Napaka-innocente nung tao. Oo, halatang may gusto siya sa iyo, pero bakit ka naman pumayag!" Naiinis na tanong ni KJ.
"Hindi ko rin alam," sagot ko. Ang dami kong iniisip. Si Dan, ang studyanteng nagkakagusto sa akin, ay tila nagiging mahalaga sa akin. Iyong saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya ay ibang-iba, ngunit ngayo’y nagiging dahilan ito ng aking takot.
"Uh-oh, oh, iabot mo raw ito mamaya jan kay Dan," sabi ni Iyan, na bigla na lang sumulpot kasama sina Billy at Ron.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Tol, invitation card yan. Sabi ni Mykjim, ibigay mo raw ito kay Dan at magpanggap ka na niyayaya mo siyang manuod ng gig niyo. Tapos, doon mo raw gawin ang dare na napag-usapan niyo," sabi ni Billy.
Kinuha ko na rin ang sobre, nanginginig ang mga kamay ko sa takot at kaba. Tumunog na ang bell kaya pumasok na rin kami upang magbihis. Pagkatapos naming nagbihis, tumakbo ako kaagad papunta sa classroom nila Dan. Kinakabahan ako; ang dami kong iniisip at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"Dan, free ka ba tonight?" tanong ko, nanginginig habang ipinapakita sa kaniya iyong hawak kong ticket.
"Huh? Para saan?"
"May gig kasi kami, baka gusto mong manuod. Ito pala, ticket. VIP tickets yan para sa inyo ng kaibigan mo."
Ewan ko, pero ramdam ko ang kaba nung nagdampi ang aming mga kamay habang inabot ko ang ticket sa palad niya.
"Nandiyan na rin ang address at phone number ko para in case na makapunta kayo ay matawagan niyo ako. Hindi naman sa inaasahan ko kayong pumunta dahil alam kong busy ka. Pero sana, sana makadaan ka." Sabi niya, at nauuna na akong naglakad palayo, ang puso ko ay tila nagwawalang bata sa loob ng aking dibdib.
Pasensya na, Dan. Sorry kung madadamay ka sa katarantaduhan ko.
Dumeretso na rin ako sa bahay upang mag-ayos ng gamit na susuotin ko sa gig mamaya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga mata ni Dan habang nakatitig sa akin. He was clueless. He was pure. Pero sisirain ko ang lahat ng iyon.
Habang nag-aayos ako, nagpasya akong umupo sa kama at basahin ang lyrics ng kantang kakantahin ko. "Dilaw" na kinanta ni Maki ang kakantahin ko. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng kantang puwedeng kantahin, ito pa ang inabot sa akin ni Mykjin. Pahamak ang putangina.
Sa dami ng aming magkakaibigan, bakit ako pa ang napili nilang gawing pain para sa dare games nila?
Naka-tingin lang ako sa lyrics nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Tol, handa ka na ba?" tanong ni Billy.
"Wala naman akong choice. Mga gago kasi kayo," sagot ko.
"Pasensya na. Kasalanan ni Mykjin. Hayaan mo, sisingilin natin siya pagkatapos nito," sagot ni Billy. "Sige na, nandito na kami sa bar. Antayin ka na lang namin." Dagdag pa niya at tuluyan ng pinatay ang tawag.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ibinaba ang cellphone.
Dan, alam ko na pagkatapos nito'y kakamuhian mo ako. Sana mapatawad mo ako.
Alas singko na nung nakarating ako sa bar. May mga tao na, pero hindi pa ganon ka-crowded. Pumunta naman ako sa backstage para ayusin ang mga instrumentong gagamitin namin.
"Ready ka na ba?" tanong ni Mykjin, nakasandal sa pader.
"Tol, pwede bang ibang dare na lang? Naaawa ako dun sa tao," sagot ko.
"Tol, kung hindi ka nalasing at kung hindi mo pinirmahan itong papel, edi sana hindi ito mangyayari. Kabalahuraan mo kasi kapag naka-inom," sagot niya na tila nag-aalala.
"Pero sana huwag mo nang ilabas ang past ko. Alam mo naman na kahinaan ko iyon," sagot ko, natatakot sa mga alaala.
"Dare is dare. Ako nga pinatakbo niyo sa palengke ng naka-hubad, wala kayong narinig sa akin. I did what you asked me to do," sabi niya.
Kapag nag-iinuman kami, madalas kaming nagkakaroon ng Dare games. Nung nakaraan, natalo si Billy at ang dare na napunta sa kaniya ay halikan si Jason, iyong basketball player na kaklase namin. Ngayon, ako naman. Pero kung ikukumpara itong dare na ito sa mga ginawa nila, ramdam ko na mas mabigat ang parusang napunta sa akin.
"Anjan na si Dan, sunduin mo na," sabi ni Ryx.
Naglakad ako at pumunta sa entrance. Nagulat ako sa suot ni Dan; mukhang fashion star siya sa suot niya. Well, actually hindi na bago sa mga mata namin ang ganitong style ng pananamit niya kasi kahit sa school, napaka-porma niya. Kahit uniform lang ang suot niya, nagagawan niya ng paraan upang mas maging magandang tingnan sa mga mata ng tao.
Pagkapasok nila, sinamahan ko naman agad silang umupo sa pwesto nila na malapit sa stage.
"Tol, pustahan tayo kapag uminom ka sa baso ni Dan, iuuwi niya iyong baso," sabi ni Hendrix.
"Totoo ba?" tanong naman ni Mervin.
Agad akong itinulak ni Ryx palabas ng backstage. Lumapit naman ako sa kinauupuan nila Dan at naki-inom sa alak nila gamit ang baso niya. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa backstage at naka-silip sa kanila. Tama nga si Ryx, dahil pagkatapos kausapin ni Dan ang waiter, inilagay niya sa bag niya ang baso na ininuman ko.
"See. I told you," tumatawang saad ni Ryx.
Lumakas na ang music at nakita ko namang sumasayaw sina Marge at Dan. Ilang minuto rin silang sumasayaw nung nakita ko na pumunta sila sa banyo.
"Yan na ang chance mo. Pumunta ka na sa banyo at magpanggap na may kausap. Paringgan mo si Dan," sabi ni Mykjim.
Naglakad ako papuntang banyo at nakasalubong si Marge. Nginitian ko siya at nagpatuloy.
Nung nasigurado ko na kami lang ni Dan ang nasa loob, inilabas ko na rin ang cellphone ko at nagpanggap na may kausap.
Naka-tingin ako sa pinto habang nag-sasalita.
Tumigil na ang music at lumabas na ako.
Ilang minuto ang dumaan nung nakita ko na masayang tumatakbo si Dan pabalik sa upuan nila. Nag-uusap sila ni Marge at tila ba'y mukhang nag-aaway pa sila.
"Tol, natunugan tayo. Narinig ni Marge ang masamang plano natin," sabi ni Ryx.
Kaya pala hinihila ni Marge paalis si Dan. Naka-tayo na rin sila nung nag-umpisa na ang music at lumabas ako sa stage.
Huminga ako ng malalim bago inumpisahan ang kanta.
"Pasensya ka na, Dan. Pasensya ka na," bulong ko sa aking sarili, ang kaba ay tila umabot sa lalamunan ko.
Habang kumakanta, nakikita ko ang mga mata ni Dan. Nakatitig siya sa akin, puno ng pag-asa at saya, ngunit
maya maya ay masisira na.
BINABASA MO ANG
Delulu Diaries
Fanfiction"Delulu." ang cute na shortcut para sa "delusional." Parang biro lang, 'di ba? Pero ayon kay Merriam-Webster, ang delusyon ay isang paniniwalang mali o ilusyon na pinaniniwalaan at pinapalaganap. Ang ganda ng pagkakasabi, pero sa totoo lang, ito ang...