Lunes na at pasukan na naman. Nakasakay na kami ni Marge sa jeep patungong paaralan.
Buti na lang at hindi malaki ang sugat na natamo ko sa pag basag ko ng baso. Natakpan din ito ng band aid.
Pagkababa namin ng jeep ay agad naming nakita ang mga barkada ni Ajake na naka upo sa may entrance ng school at tila ba'y may inaabangang pumasok. Nag kwe-kwentuhan sila pero agad silang umayos ng upo nung nakita nilang naglalakad ako sa harapan nila. Lahat ng mga mata nila'y nakatuon lang sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa kanila.
" Maraming salamat pala sa free party niyo nung sabado. We enjoyed it. " Saad ko.
Nagkatitigan naman silang lahat. Ngumiti na ako at handa ng maglakad paalis nung hinawakan ni Ajake ang palad ko. Agad ko namang hinila pabalik ang kamay ko.
" San galing iyang sugat na yan? " Tanon niya.
" Ah ito ba? " Tanong ko at itinaas ang palad ko na naka band aid. " Nagkamali ako ng hawak ng kutsilyo nung nag luluto ako kanina. Dumulas. Buti nga hindi malalim eh. Kung malalim ito baka nakapatay na ako" Saad ko at tumawa ng bahagya. " Mauuna na kami. " Dagdag ko pa at tuluyan na kaming naglakad paalis.
" Mare ang strong mo. Hindi halatang apektado ka. " Bulong ni Marge.
" Mas okay na iyon para mapagtanto nila na hindi ako mababang klase ng tao. Na hindi ako mabilis ma-apektuhan lalo na't ginago nila ako. " Saad ko.
Pumasok na rin kami sa classroom namin. Limang minuto lang ang dumaan nung dumating na si Ms. Morinne.
" Good Morning class. Alam ko na nasa weekends pa ang mga utak niyo. Bago tayo mag umpisa ay may mga makiki sit in sa klase natin ngayon. " Saad niya at pinapasok ang mga studyanteng makiki sit in sa klase.
Nagulat ako nung pumasok si Ajake. " Wala si Ms.Bless at naka important meeting ang ibang mga teacher ng section B today kaya makiki sit in muna sila for the whole day." Saad ni Ms. Mo.
" Pwede kayong maupo sa mga available chairs. " Saad ni Ms. Morinne.
Agad namang naglakad si Ajake patungo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. May seating arrangements kami sa room kaya hindi kami magkatabi ni Marge.
" Pwedeng dito na ako umupo? " Tanong ni Ajake.
Agad ko naman siyang nginitian.
" Sure. " Sagot ko at tinanggal ang bag ko na naka patong sa upuan." Class, naumpisahan niyo na ba ang proyekto na pinapagawa ko? " Tanong ni Ms. Morinne.
" Hindi pa po. " Saad ng buong klase.
" Ms. Mo si Dan tapos na po niya. " Sigaw naman ni Yuki.
" Talaga ba? " Tanong ni Ms. Mo habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.
" Ah. Ms. Mo hindi pa po. " Saad ko habang tinutupi iyong papel kung saan naka sulat ang draft ng proyekto na isusumite ko.
" Patingin nga? "
" Ma'am hindi pa po maayos. Draft pa lang po ito. " Sagot ko.
" Dan halos isang taon na tayong magkasama sa loob ng silid aralang ito. Scrap man yan, draft man iyan. Alam ko na maganda ang mga gawa mo. Halika sa harap at basahin mo iyan sa aming lahat. " Saad niya at hinawakan ang kamay ko.
Last week sinabihan kami ni Ms. Mo na hindi siya magpapa exam sa buong klase bagkus mas pinili niyang magpagawa ng liham tungkol sa pagtanggap sa sarili at pagmamahal sa sarili.
Wala talaga akong ideya kung ano ang isusulat ko. Pero pagkatapos nung insidente na nangyari nung sabado ay nagkaroon ako ng malawak na ideya kung ano ang magandang isulat.
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo sa harapan ng mga kaklase ko at basahin ang isinulat ko.
" Section B. Gusto ko makilala niyo si Dan. Siya ay isa lamang sa 32 headcounts ng mga estudyante ko na magaling sumulat ng sariling akda. " Pagpapakilala sa akin ni Ms. Mo. Agad namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko kasama ang section B.
Huminga ako ng malalim bago binasa ang titulo ng isinulat ko.
" Pahinga ko ang pahina mo. "
May dalawang klase ng manunulat. Isang totoo at isang mapagpanggap. Malalaman natin na mapagpanggap ang isang manunulat kung hindi mo nararamdaman ang presensiya ng kaniyang akda. Walang emosyon kang nararamdaman habang binabasa ang kaniyang sinulat samantalang malalaman naman nating totoo ang isang akda kapag titulo pa lang ay ramdam mo na ang excitement sa loob ng puso mo. Marahil maraming magtatanong kung bakit pahinga ko ang pahina mo ang titulo ng akda ko? Pati ako napatanong kung bakit nga ba ito ang naging titulo ng akda ko.
Nakakpagod. Nakakapanghina ang mga kaganapang aking naranasan. Kaganapang hindi ko inakalang mangyayari sa akin kamakailan lamang. ' Buhay pa ako pero inaagnas na ang katawan ko.' Iyan ang katagang naramdaman ko pagkatapos ng unos na naranasan ko. Isang umaga ay nagising ako ng puno ng saya ang aking puso. Saya na tila ba'y hindi at wala ng katapusan ngunit parang isang basong nakapatong sa dulo ng lamesa na biglang nahulog at nabasag ang kasiyahan na nararamdaman ko noong araw na iyon. Dumating ang hapon at kadiliman nung nalaman kong ako'y ginamit lamang. Naging isa akong laruan sa harapan ng maraming tao. Laruan na pinagpasapasahan, laruan na pinaglumaan at itinapon na lamang sa daan. Napagtanto ko na hindi lamang pala ginamit, pinaikot din pala ako ng paulit-ulit. Nakakasuka, nakakahilo pero wala akong nagawa kundi ang tumayo ng tuwid, humarap at ngumiti ng parang walang nararamdaman. Noong araw na iyon ay natanong ko ang sarili ko. ' bakit ko hinayaang tratuhin ako ng ganon? ' Gusto kong humanap ng taong makakausap upang sa kaniya ko itanong ang katanungang bumabagabag sa akin pero napagtanto ko na ang taong iyon ay ako rin pala. Ako rin pala ang makakasagot sa katanungan ko. Siya ang naging pahinga ko. Ang mga araw na dumadaan na nakikita ko siya at nasusubaybayan ay nakakagawa ako ng magandang bagay upang mapasaya ang sarili ko. Ang mga araw na dumadaan ang nagiging libro naming dalawa at ang bawat pag sulpot niya sa harapan ko ang nagiging pahina ng maganda naming pagkakaibigan, iyan ang inakala ko. Inakala ko na kaibigan ko siya dahil akala ko ay kaibigan din pala ang turing niya sa akin. Pero mali pala ang akalang iyon. Isang malaking pagkakamali na inakala kong kaibigan ko siya. Bakit ganon, bakit kung kailan gusto ko na siyang makasama tyaka niya ako pinaikot? Paano ko magiging pahinga ang pahina niya kung hindi na naman ito umuusad sa susunod na kabanata. Paano ko pa makikita ang kinabukasan kung wala ng susunod na kabanata sa pahina niya. Saan... "
Pagkatapos kong basahin ay agad akong tumingin sa lahat ng mga tao sa loob ng silid.
" Anong kasunod? " Tanong ni Ms. Mo.
Agad ko namang kinamot ang batok ko. " Hanggang jan na lang Ma'am. Hindi ko na alam ang kasunod. " Saad ko at bahagyang tumawa.
" Ang ganda. Sobrang ganda. Tapusin mo iyan. Gusto kong malaman kung ano ang magiging ending. " Sigaw ni Fatima.
" Oo tatapusin ko. " Saad ko at nag lakad pabalik sa upuan ko.
" Maraming salamat Dan. "
Natapos na ang araw at nag umpisa na rin kaming mag lakad ni Marge upang umuwi.
" Dan pwede ba kita makausap? " Tanong ni Ajake.
" About saan? " Tanong ko.
" About sa isinulat mo"
" Bakit? "
" Ako ba iyon? "
" Hindi. Bakit mo naman naisip? Assumera ka ba? " Pabiro kong tanong.
" Ah. Hindi naman. Akala ko ka--"
Agad ko siyang pinatahimik sa pagsasalita. " Maraming namamatay sa maling akala. " Saad ko at tuluyan na siyang iniwang nakatayo sa hallway ng school.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. " Magiging ayos din ang lahat. " Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Delulu Diaries
Fiksi Penggemar"Delulu." ang cute na shortcut para sa "delusional." Parang biro lang, 'di ba? Pero ayon kay Merriam-Webster, ang delusyon ay isang paniniwalang mali o ilusyon na pinaniniwalaan at pinapalaganap. Ang ganda ng pagkakasabi, pero sa totoo lang, ito ang...