You & I

3 0 0
                                    

Habang kumakain at nagkwekwentuhan ay nagulat kani ng biglang lumapit sa amin ang mga pekeng barkada ni Ajake, at kahit pa noon ay may mga masasakit na alaala silang iniwan, nagulat ako sa reaksyon ko. Hindi galit, hindi takot—kundi isang tahimik na pagtanggap. Ramdam kong may mabigat silang dalahin, at iyon ang mas nauna kong napansin. Nang makita kong papalapit sina Mykjim at Ann, agad akong tumayo at hinawakan ang kamay ni Ajake, bilang suporta.

“A-anong ginagawa niyo rito?” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses ko. Hindi dahil sa takot, kundi sa hindi inaasahang muling pagkikita.

Si Mykjim, na dating puno ng yabang, ngayon ay tila ba’y nawalan ng lakas. Nakayuko siya at nakatitig sa lupa. “Nandito kami para humingi ng tawad. Alam kong huli na ang lahat, pero sana mapatawad mo kami, Ajake,” sabi niya, halos hindi ko marinig ang huling mga salita dahil sa hiya at bigat ng kanyang emosyon.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ajake, kaya't nagulat ako nang makita ko ang isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. “Matagal na iyon,” simpleng sabi niya, na para bang lahat ng sakit at galit ay matagal nang napawi.

Nagkatinginan kaming lahat. Ramdam ko ang bigat ng mga nakaraang taon—lahat ng masasakit na salita, mga maling nagawa, at mga nasirang tiwala. Ngunit sa sagot na iyon ni Ajake, tila nawala lahat ng iyon. Para bang may malaking agos ng hangin na bumalot sa amin at dahan-dahang kinalma ang bawat galit at hinanakit.

"Namiss ka namin," bulong ni Mykjim, kasabay ng pagtulo ng isang luha. Tumayo siya at niyakap si Ajake, kasunod ng mga dati nilang kasama. Nagyakapan sila na para bang muling nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Nakatayo lang ako sa tabi, tahimik na pinagmamasdan ang eksenang iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakagulat kung paano ang salitang "patawad" ay kayang baguhin ang lahat—isang simpleng salita, ngunit puno ng kapangyarihan.

Habang nagtatapos ang yakapan nila, lumapit sa akin si Ann, na noon ay minsang nakasagutan ko at nagkaroon ng alitan. Ramdam ko ang kaba niya, ngunit sa mga mata niya, nakita ko ang taos-pusong pagsisisi. Hinawakan niya ang kamay ko, tulad ng pagkakahawak ko kay Ajake kanina. “Atekong pretty, sorry dahil nasampal kita nung nakaraan. Pasensya na sa lahat ng ginawa namin noon,” sabi niya, halos hindi niya matignan ang mga mata ko.

Tinitigan ko siya ng ilang sandali, hinintay ang tamang salita na lumabas sa bibig ko. “Okay na iyon, marekong fresh,” sabi ko, sinamahan ng isang malapad na ngiti. At bago pa man siya makapag-react, niyakap ko siya. Mahigpit. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang init ng yakap na iyon, pero alam ko—lahat ng bigat na dala namin noon, unti-unti nang natutunaw.

Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ko. Iba pala talaga ang pakiramdam ng pagpapatawad. Hindi lang ito para sa kanila—para rin ito sa akin. Parang hinubad ko na ang bigat ng mga nakaraan at mas pinili ko ang liwanag kaysa sa galit.

“Totoo,” sabi ko sa sarili ko habang hinahaplos ang likod ni Ann. “Mas maginhawa at masarap sa puso kapag nagpatawad ka.” Kahit pa minsan ay masakit, kahit pa minsan ay mahirap, ang pagpapatawad ang pinakamalaking regalo na maibibigay mo, hindi lang sa iba, kundi lalo na sa sarili mo.

Lumayo si Ann, nangingiti. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na napawi ang kanyang kaba at guilt. Niyakap niya ulit si Ajake, at nakita ko kung gaano kasaya ang puso ni Ajake sa sandaling iyon.

“Tara, kainan tayo. I-celebrate natin ito,” sabi ni Mykjim, sabay tapik sa balikat ni Ajake. Nagkatinginan kaming lahat at walang alinlangan na sumang-ayon. Hindi na kailangan ng maraming salita—lahat kami ay alam na sa puntong iyon, nakapagdesisyon na kaming talikuran ang lahat ng galit at sakit. Ngayon ay oras na para mag-celebrate ng isang bagong simula.

Pagdating namin sa isang maliit na kainan, ang mga tawanan at kwentuhan ay hindi na mapigilan. Hindi na mahalaga ang mga dating alitan, mga nasaktan at mga pagkakamali. Lahat iyon ay napalitan ng bagong alaala—mga masayang alaala na puno ng tawanan, pagmamahalan, at kapatawaran.

Habang masaya kaming nagsasalu-salo, naramdaman ko ang kamay ni Ajake na marahang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nang lingunin ko siya, nakita ko ang mapagpatawad at mapagmahal na ngiti niya. “Mahal, salamat ha,” bulong niya sa akin.

“Para saan?” tanong ko, tila nagtataka.

“Sa lahat. Sa pag-intindi mo, sa pagiging bukas sa kanila. Alam kong hindi madali, pero ang tapang mo. Mahal na mahal kita,” sagot niya, at sa saglit na iyon, parang mas lalo pang gumaan ang puso ko.

Ngumiti ako sa kanya, at sabay kaming tumawa. Wala na akong ibang gustong hilingin pa. Ang saya ng gabing iyon ay hindi mapapantayan. Puno ng pagmamahal at kapatawaran, at sa puso ko, alam kong ang mundong ito ay mas magaan at mas masaya dahil pinili naming lahat ang kaligayahan at ang pagpapatawad kaysa sa galit at sama ng loob.

Sa huli, napagtanto ko na sa mundong ito, ang pinakamagandang ibigay sa isang tao ay ang salitang “patawad.” Dahil sa bawat pagpapatawad, may bagong simula—isang simula na puno ng saya, pagmamahalan, at pagkakaibigan. Ang bawat pagbitaw sa galit ay nagbubukas ng pinto para sa mas magaan at mas maliwanag na bukas. Ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa taong humihingi nito, kundi para rin sa atin na nagpapatawad, sapagkat sa tuwing pinipili natin ito, pinapalaya natin ang ating mga sarili mula sa bigat ng mga hinanakit at sama ng loob.

Sa gabing iyon, habang nakatingin ako sa paligid, sa mga taong minsang nagbigay sa amin ng sakit ngunit ngayo'y kasama naming tumatawa, naramdaman ko ang lubos na kaligayahan. Hindi ko man akalain na darating kami sa puntong ito, pero heto kami—masaya, magaan ang pakiramdam, at puno ng pagmamahal. Naramdaman ko ang yakap ni Ajake sa akin at alam kong tama ang naging desisyon namin. Sa paglipas ng mga araw, walang pagsidlan ang saya ko. Alam kong simula pa lamang ito ng mas masaya at mas makulay na bukas para sa aming lahat.

Patawad—isang simpleng salita, pero ito ang susi sa isang mas magaan at mas masayang buhay.

Delulu DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon