Hilom

2 0 0
                                    

Dan

Lumabas kami ng bahay at dumeretso sa sakayan ng jeep. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Ajake. Paano kung dalhin niya ako sa mga kaibigan niya at bugbugin ako? Paano na ang freshness ko kapag na-gangbang ako?

"Huwag ka mag-alala, hindi kita ipapahamak," saad ni Ajake, habang kinurot ang siko ko nang bahagya.

"H—huh?"

"Kahit hindi mo sabihin, Dan, halata sa mukha mo na kinakabahan ka."

"Syempre natatakot ako. Paano kung bigla mo akong ipa-salvage jan sa daan tapos ibenta mo ang laman loob ko?"

"Okay lang naman, dalawa naman kidneys mo. Mabubuhay ka naman kahit isa na lang, di ba?" Seryoso niyang sagot habang nakatitig sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Biro lang. Kung ganon ang magiging sitwasyon, Dan, ibibigay ko ang kidney ko para sa iyo." Maikli niyang sagot at dumeretso na siya sa paglalakad.

Kumislot na naman ang puso ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sumunod sa kanya.

Umupo kami sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyang jeep. Naka-upo lang kami nang biglang sumulpot ang mga barkada ni Ajake. Agad namang napa-tayo si Ajake at mukhang balisa; halata sa expression niya na natatakot siya.

"Oh Ajake, anong ginagawa mo rito at kasama mo pa iyang si Dan?" tanong ni Mykjim.

"Ah… ano…" pautal-utal niyang sagot.

"Look, that Dan looks pathetic; he sucks!" saad nung girl na yumakap kay Ajake.

"Anong I look sucks? Mukha ba akong mejas?!" sagot ko.

Agad silang nagtitigan. Mag-sasalita pa sana si Ann nang binara ko siya.

"Nagets kita, ate. Huwag kang ngingiti-ngiti diyan na parang pinapamukha mong tatanga-tanga ako. That's sarcasm. Kung I look sucks to you, well you look like trash to me."

"Tr-trash? Mas mukha kang basura."

"Oo, tanggap ko na mukha akong basura, pero at least naka-balot ako sa gold na plastic bag. Eh ikaw? Mukha ka na ngang basura, amoy basura pa. Ugali mo—let me correct myself, UGALI NIYONG LAHAT!" sigaw ko. "Ajake, bakit ganyan mga kaibigan mo? Mga isip-bata!" Hihilain ko na sana si Ajake nang biglang lumapit sa akin si Ann at idinampi ang palad niya sa pisngi ko.

"You don't have the right to insult me, you piece of trash," ika niya at akmang sasampalin ulit ako, pero sa pagkakataong ito ay nahawakan ko ang kamay niya.

"Isang beses mo lang pwedeng idampi sa pisngi ko ang palad mo," saad ko, at sinampal siya pabalik.

"Wala kayong karapatang gawing biro ako, si Ajake, at kung sino pang taong nakapalibot sa inyo. Tandaan niyo, maliit lang ang mundo at karma ang hahabol sa inyo." Saad ko, hinawakan ko rin ang kamay ni Ajake at akmang hihilain siya nang magsalita si Mykjim.

"Sige, Ajake, mamili ka. Sa kaniya ka sasama o isisiwalat ko ang kwento ng buhay mo." Pananakot niya.

Agad nag-pintig ang dalawa kong tainga at hinarap si Mykjim.

"Ikaw, puro ka pananakot. Wala bang nagmamahal sa iyo? Ang tanda mo na para gawing panakot ang nakaraan ng isang tao. Humanap ka naman ng latest chika mo; hindi iyong past ang gagamitin mo. Baduy!" saad ko at tuluyan nang hinila palayo si Ajake.

"Mag-taxi na tayo," saad ko at agarang sumakay sa naka-paradang taxi.

"Thank you," saad ni Ajake nang naka-upo na kami sa loob ng taxi.

"Dami mong alam. Pasalamat ka at malalas ka sa akin," sagot ko.

"Ang tapang mo. Sana ganyan din ako katapang," ika niyang muli.

"Sa mundong ito, Ajake, kapag hinayaan mong tinatapakan ka ng mga tao, walang mangyayari sa iyo. Kapag hinayaan mong tratuhin kang parang laruan at gawing katulong nila, walang magandang mangyayari sa iyo. Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi ka naman siguro tatanga-tanga para hayaan silang gawing biro ka."

"Natatakot kasi ako."

"Natatakot. Nasa isipan mo lang iyan. Una mong labanan ang isipan mo at alisin ang salitang takot."

"Paano ba?"

"Tutulungan kita. If you can't find someone to help you remove those negative energies that surround you, let me help you overcome it. Mahirap sa una, pero magiging maginhawa rin sa dulo," ika ko at hinimas ang palad niya.

"Kuya, dito na po," saad ni Ajake sa driver ng taxi.

Bumaba na rin kami at umpisang naglakad. Nandito pala kami ngayon sa park. Maginhawa at maganda ang kapaligiran.

"Bibili muna ako ng makakain natin. Jan ka muna at mag-umpisang hanapin ang magandang bagay upang mabuo mo at matapos mo na ang isinusulat mo," saad niya. Naglakad na rin siya palayo sa akin.

Marahil sobrang hirap ng kinakaharap ni Ajake ngayon. Hindi man niya sabihin, halata sa galawan at pananalita niya. Well, ganon naman talaga ang magiging kahihinatnan ng isang tao kapag nakaramdam siya ng takot simula bata pa lang. Kahit anong iwas ang gawin mo, kung hinahabol ka ng bangungot ng nakaraan, wala kang magagawa. Ramdam ko ang takot niya—takot sa mga tao, takot sa sarili. Natatakot siya na pati sarili niya'y hindi na niya kayang protektahan at ipaglaban.

Kinuha ko na ang aklat na nasa loob ng bag ko at nag-umpisa ring humanap ng inspirasyon dito sa paligid. Tumingala ako ng bahagya; ang ganda at aliwalas ng kalangitan.

Nakatitig lang ako sa kalangitan nang tinawag ako ni Ajake. Agad ko siyang nilingon.

Nakaramdam ako ng kaba sa puso ko. Tila ba parang umiikot ang sikmura ko habang naglalakad siya patungo sa harapan ko. Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako kay Ajake. Matagal na akong may gusto sa kanya, pero iba itong nararamdaman ko. It’s not infatuation; this is love—a love that I don't know if I should pursue or if I should stop.

Marahil hindi ko nga kailangan ng isang lugar upang mahanap ang inspirasyon ko. Hindi isang magandang tanawin, hindi isang tahimik na sulok, hindi isang paboritong kape sa pamilyar na cafe. Marahil, ang hinahanap ko ay hindi isang bagay o isang espasyo. Marahil, si Ajake ang kailangan ko.

Si Ajake, na tila nagtataglay ng lahat ng hindi ko kayang bigkasin. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa bawat araw kong puno ng pagod, siya ang nag-aalis ng bigat sa aking balikat sa simpleng pagngiti niya. Sa bawat oras na kasama ko siya, nararamdaman kong may dahilan ang bawat paghinga, bawat tawa, bawat sandaling hindi ko man lang napapansin dati. Ang lahat ay nagkakaroon ng kulay sa piling niya.

Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko’y kaya kong abutin ang mga pangarap na minsan ko nang binitiwan. Siya ang aking lakas, ang aking panalangin, ang inspirasyong bumubuhay sa akin. Siguro nga, sa kanya ko matatagpuan ang mga kasagutan sa mga tanong na matagal ko nang kinikimkim.

Hindi na mahalaga kung saan ako magtutungo, o kung ano pa ang makikita ko sa daan. Ang alam ko lang, ang bawat landas na tatahakin ko ay may saysay basta’t kasama ko siya. Marahil si Ajake nga ang kailangan ko—ang puso kong nagtataglay ng inspirasyong hinahanap ko.

Delulu DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon