Alas sais na ng gabi nang makarating kami ni Marge sa bar. Isang maingay at masiglang lugar ang sumalubong sa amin. Ang mga ilaw ay kumikislap sa iba’t ibang kulay, at ang boses ng mga tao’y nagsasalu-salo sa musika na umaabot sa aming pandinig. Sinuong namin ang entrance, at biglang sumulpot si Ajake sa harapan ko.
"Nakarating kayo," saad niya na may ngiting umangat sa kanyang mga labi. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang ngumiti. Ang kanyang silver braces ay nagbigay ng ibang kulay sa kanyang ngiti, at naramdaman ko ang mabilis na pag-kislot ng puso ko. Huminga ako ng malalim. Kalma, self.
Inabot ko ang invitation card sa guard, at inalalayan kami ni Ajake papasok at patungo sa aming uupuan. "Dito lang kayo ha. Pwede kayong mag-order ng foods and drinks. Since naka-VIP kayo, free lahat ng kukunin niyo," sabi niya, tila nagmamakaawa na wag kaming umalis.
"Ang galante," sabi ni Marge, nang hindi maitatago ang kanyang pagka-amazed.
"Para kay Dan," sagot ni Ajake at kumindat, sabay takbo papunta sa backstage. Naka-angat ang kilay ni Marge habang nakatingin ako sa kanya, na parang may nabuo na naman siyang hindi magandang balak.
"Mare, narinig mo ba? Ginagawa niya ito para sa akin. Feel ko tumalab na ang ginagawa ko."
"Ginagawang?" nagtatakang tanong niya.
"Kasi, bago ako matulog, hinahalikan ko ang picture ni Ajake. Tapos lalagyan ko ng laway ang likod ng tainga ko habang binabanggit ng tatlong beses ang buong pangalan niya. Tumalab na iyong magic." Nakangiti akong nagkuwento.
Mabilis niyang hinawi ang kamay ko. "Mare, hindi ka lang delulu; dugyot ka pa. Apaka-baboy mo. Tangina, matatanggap ko pa iyong hinahalikan mo ang litrato, pero iyong lalawayan mo ang likod ng tainga mo? Nakakabawas ng pagka-babae."
"At least tumalab," sagot ko, habang tumatawag ng waiter.
Mabilis na nagdala ang waiter ng aming order. Dalawang minuto lang at nandiyan na ang isang bote ng Jack Daniel’s at coke.
"Mare, Alfonso lang iniinom natin. Kaya ba natin ang JD?" tanong niya, medyo nag-aalala.
"Hindi natin malalaman kung hanggang saan tayo tatagal kung hindi tayo titikim ng bagong alak," sagot ko, nagtataglay ng tapang.
Naka-upo na kami nang may emcee na tumayo sa harap at nagsalita. "I hope everyone is having a good time. In a few, our singers will sing for us." Bumulusok ang music, at may mga nag-sasayawan na sa harapan ng stage. Dumating na rin ang alak na iinumin naming dalawa ni Marge.
Binuksan ko ang bote at sinalinan ang mga baso. "Cheers to our friendship," sabi ko at itinaas ang baso ko.
Sabay naming ininom ang JD na may halong coke. "Shit, humahagod pero ang tamis," sabi ni Marge pagkababa ng baso.
"I told yaahhh," sagot ko, nag-uumapaw ang tuwa.
Naka-tatlong baso na kami nang lumapit si Ajake. "Pwede maki-inom? Kinakabahan kasi ako," sabi niya na may pigil sa boses.
"Dadalawa lang baso namin. Wait, kuhanan kita," sabi ko at akmang tatayo, pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Kaunti lang naman iinumin ko. Pwede ba jan na lang sa baso mo?" tanong niya, tila may kahilingan sa kanyang mga mata.
Agad akong inabot ang baso ko. Mabilis niyang sinalinan ng JD ang baso at ininom ito. "See you later. Kami na ang susunod pagkatapos ng music na iyan," sabi niya, bago tumakbo pabalik sa backstage.
Naka-titig lang ako sa kanya, at may pasilong tanong sa isip ko: Ano ang nangyayari?
Mabilis na tinakpan ni Marge ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. "Mareee, uminom siya sa baso ko. Indirect kiss ito!" sabi niya at tiningnan ako ng masama. "Alam ko na ito ang sasabihin mo kaya inunahan na kita."
Nakatingin lamang ako sa kanya, at habang unti-unting nalalasing, wala akong ibang naisip kundi si Ajake.
Dumating ang waiter at inabutan kami ng isang platong pulutan. "Pinabibigay po," sabi niya. Paalis na sana siya nang tinawag ko siyang muli.
"Kuya, may bayad po ba kapag inuwi ko itong baso?" tanong ko.
"Usually may bayad po. Pero since VIP po kayo, pwede niyo po iyang iuwi. Kung ayos lang din po, pwede ko po ba matanong kung bakit niyo po gustong iuwi iyang baso?" tanong ng waiter.
"Souvenir po. Ito kasi ang unang beses kong uminom sa isang bar. Gusto ko maging memorable," sagot ko.
Tinanguan niya ako at binigyan ng okay sign. Ibinalot ko sa tissue at plastic ang baso para hindi mabasag sa bag ko. Naka-sling bag lang ako kaya dapat maayos ko itong mailagay.
"Unang beses. Che. Ininuman lang 'yan ni Ajake kaya gusto mong iuwi. Ihahalo mo na naman sa mga nabubulok mong collections," bulong ni Marge.
"Naririnig kita," sagot ko.
"Edi very good. Sinasadya ko talagang marinig mo. So ilang taon bago mo huhugasan iyang baso?" taas-kilay niyang tanong.
"Bakit ko huhugasan, edi nawala iyong lip mark niya."
"Tangina, baboy ka talaga. Napaka-payat mo pero ang baboy mo," nagmamasid siyang nagbiro.
"Manahimik ka na lang," sagot ko at bumalik na rin si kuya waiter na iniabot sa akin ang bagong baso.
Naubos na namin ni Marge ang isang bote ng JD nang kumuha pa kami ng dalawa pang bote. Hinila ko naman si Marge papunta sa dance floor at sumayaw kami. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa makikinang na ilaw, kaya ako nahihilo.
"Mare, umupo na tayo, napapagod na ako. Nahihilo na rin ako," sagot ni Marge, tila pagod na.
"Ihi muna tayo," sagot ko at hinila si Marge papuntang banyo.
Pumasok ako sa isang cubicle nang narinig ko ang boses ni Ajake. "Oo, pre. Handa na akong ipakilala siya sa lahat. Eksakto may mga bisita rin ako. Basta mamaya, pagkatapos kong kumanta, itapat mo sa kanya ang spotlight para alam ng lahat na siya na ang gusto kong makasama."
"Ipapakilala na ako ni Ajake?" bulong ko sa sarili ko, puno ng pag-asa.
"Okay, papunta na ako sa backstage," sagot ni Ajake at pinatay ang tawag.
Nang lumabas na ako sa cubicle, agad kong pinuntahan si Marge. "Mare, may good news ako."
"Mare, uwi na tayo. Ayoko ng maabutan ang pagkanta ni Ajake," sagot niya, pero hindi ko siya pinakinggan.
"Mare, ipapakilala na ako ni Ajake sa harapan ng maraming tao," sabik kong sinabi.
"Mare, hindi. Hindi ka niya ipapakilala. Halika na, umuwi na tayo," hinila niya ako.
Patayo na sana kami nang nag-umpisang kumanta si Ajake. Napakaganda ng boses niya—para siyang anghel sa harap ko. Nakasuot siya ng puting t-shirt at tattered pants, at ang gwapo niyang tignan. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya, at ang lahat ay nawala sa paligid ko.
"Mare, umuwi na tayo. Masasaktan ka lang," sabi ni Marge, pero hindi ko siya pinakikinggan dahil ang isip ko’y nakatutok kay Ajake. Ang lalaking handa kong luhuran, dasalan, mahalin, at higit sa lahat, ang lalaking handa akong gawin ang lahat mapasaya lang siya.
Habang kumakanta si Ajake, natatandaan ko ang mga salita niyang nagpasiklab sa aking damdamin. Tila ba naglalakbay kami sa isang mundong hindi natatapos. Pero ang mga salitang, ang pangakong "Give me your forever," ay tila nagiging isang pabigat sa aking dibdib.
Dahil sa mga salitang iyon, naisip ko ang mga posibilidad—mga posibilidad na nagdadala ng takot, saya, pagkukulang, at higit sa lahat ay galit.
BINABASA MO ANG
Delulu Diaries
Fanfiction"Delulu." ang cute na shortcut para sa "delusional." Parang biro lang, 'di ba? Pero ayon kay Merriam-Webster, ang delusyon ay isang paniniwalang mali o ilusyon na pinaniniwalaan at pinapalaganap. Ang ganda ng pagkakasabi, pero sa totoo lang, ito ang...