Siya at ako

3 0 0
                                    

Simula nang naging official na mag-jowa kami ni Ajake, parang araw-araw ay isang masayang pelikula na kami ang bida. Napagdesisyunan naming tumira sa iisang bubong—isang tahanang puno ng pangarap at pag-ibig. Isang tahanan na sabay naming bubuuin, mula sa mga simpleng gamit hanggang sa mga alaala na patuloy naming itatahi sa bawat sulok ng bahay. Hindi ko akalain na sa wakas, nasa realidad na ako ng mga eksenang minsan ko lang napapanaginipan noon. Ngayon, ang bawat araw ay tila isang bagong simula, isang bagong kabanata ng buhay namin na magkasama.

Hindi naman nagalit si Marge nang sinabi ko sa kanya ang plano namin ni Ajake. Siya pa nga ang unang nagsabi na, "Go for it!" Napangiti ako, dahil alam kong may suporta ako sa desisyon ko. Naging magaan ang lahat, lalo na nang sinimulan na namin ni Ajake ang aming bagong buhay sa iisang tahanan. Hindi ito malaking bahay, pero sapat na para sa amin. Maliit man, pero ramdam ko ang init at pagmamahalan sa bawat pader. Sabi nga nila, hindi sukatan ng isang bahay ang laki o gara, kundi ang pagmamahal na bumabalot dito.

Sa bawat araw na dumadaan, lalo akong nagiging masaya. Para bang hindi nauubos ang kaligayahan ko. Gising pa lang ako, naririnig ko na ang boses ni Ajake na nagmumula sa kusina, inaasikaso ang agahan namin. Kahit simpleng umaga, nagiging espesyal dahil sa kanya. Hindi ko na kailangan ng alarm clock, dahil sa halakhak at ingay niya sa kusina pa lang, alam ko nang may naghihintay na masayang araw.

“Good morning, love!” bati niya sa akin nang bumaba ako ng hagdan. Nasa mesa na ang kape at tinapay, simpleng almusal pero sapat na para mapangiti ako.

“Good morning, mahal,” sagot ko habang niyayakap siya mula sa likod. Napansin ko ang ngiti niya, at doon ko naisip na, kahit anong simpleng bagay, nagiging espesyal kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Habang kumakain kami, nag-uusap kami tungkol sa mga plano—mga pangarap na sabay naming aabutin. Pinag-uusapan namin kung paano namin aayusin ang bahay, kung anong kulay ng pintura ang ilalagay sa sala, at kung paano naming ipoposisyon ang mga halaman na nakuha namin sa nursery.

“Masyado na yatang maraming halaman dito, love,” sabi ko nang mapansin ko ang mga bagong tanim ni Ajake sa labas ng bintana. Palagi siyang may bagong nadadagdag na halaman, at minsan, hindi ko na alam kung saan niya ilalagay ang mga ito.

“Hindi naman, sakto lang,” natatawa niyang sagot. “Pag tiningnan mo ‘yan, magiging jungle ang dating ng bakuran natin. Cool ‘di ba?”

Napailing ako, pero natatawa na rin. “Sige, kung ‘yan ang gusto mo, go lang. Basta maganda tignan.”

Ang mga maliliit na bagay na tulad nito—mga simpleng usapan, mga walang kabuluhang debate tungkol sa halaman o kulay ng kurtina—nagpaparamdam sa akin na nasa tamang tao ako. Hindi lahat ng bagay kailangan ng grand gesture, minsan ang mga simpleng pag-aalaga at mga maliliit na usapan ay sapat na para maramdaman mo ang pagmamahal.

Sa bawat araw, parang lalo pang lumalalim ang nararamdaman ko para kay Ajake. Hindi lang siya ang kasintahan ko, kundi ang kakampi ko sa buhay. Siya ang unang taong tatawagan ko kapag may problema, ang unang taong gusto kong yakapin kapag masaya ako, at ang huli kong nakikita bago ako matulog. Pakiramdam ko, kami ang “end game” ng kwentong ito—na kahit anong mangyari, sa huli, kami ang magsasama.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, tumingin ako sa kisame at napangiti. Dati, iniisip ko lang na mangyayari ito. Dati, isa lang itong peke at magandang eksena sa isipan ko. Pero ngayon, katotohanan na ito. Katotohanan na ako at si Ajake ang magkasama, na kami ang magiging katuwang sa mga darating pang taon.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya, nakangiti siya habang tinititigan ako. “What’s on your mind?” tanong niya.

“Nothing,” sagot ko, pero alam ko na ramdam niya kung gaano ako kasaya. Hinawakan ko ang kamay niya, at sa simpleng pagkakahawak na iyon, parang sinabi ko na ang lahat. Mahal na mahal ko siya, at alam kong mahal na mahal din niya ako.

Dumating ang Sabado, at naisipan naming magbyahe. Hindi malayo, simpleng road trip lang papunta sa isang beach na ilang oras lang ang layo mula sa bahay. Habang nasa daan, naka-off ang music sa radyo at kami lang ang nag-uusap. Simpleng kwentuhan, tawa, at minsan, mga kwento tungkol sa mga pangarap namin sa hinaharap.

“Kapag nakapag-ipon na tayo, bibili tayo ng mas malaking bahay, love,” sabi ni Ajake habang nakatingin siya sa kalsada.

Napangiti ako. “Pero okay naman na ‘tong bahay natin ah.”

“Oo, pero gusto ko yung mas marami pa tayong pwedeng gawin. Gusto kong lagyan ng maliit na library para sa’yo, at gym para sa akin,” dagdag niya.

Natawa ako, pero hindi ko mapigilan ang kilig. “Sige, mag-ipon tayo. Gagawin natin ‘yan.”

Sa beach, tila walang katapusan ang saya. Tumakbo kami sa buhangin, lumangoy sa malamig na tubig, at nagbahagi ng mga pangarap sa ilalim ng araw. Parang bata lang kaming naglalaro, walang iniintindi sa mundo. Sa bawat tawa, sa bawat ngiti, ramdam ko ang pagmamahal niya, at ramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya. Napakasimple ng buhay, pero ito na yata ang pinakamaligayang naramdaman ko.

Pagbalik namin ng bahay, pagod kami pero masaya. Nagluto kami ng hapunan, kumain, at pagkatapos ay naupo sa sala para manood ng movie. Habang naka-sandal ako sa balikat ni Ajake, napaisip ako kung gaano ako kaswerte. Hindi ko alam kung paano pa magiging mas masaya ang mga darating na araw, pero alam ko na sa bawat umaga, excited akong harapin ang bawat araw na kasama siya.

Sa mga susunod na taon, alam kong maraming pagsubok ang darating. Alam kong hindi palaging ganito kasaya, at may mga araw na kailangan naming mag-adjust at magkasundo. Pero sa bawat hamon, sa bawat pagsubok, alam kong siya ang kasama ko. Siya ang tahanan ko.

At sa puntong ito ng buhay, wala na akong hihilingin pa.

Delulu DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon