"Did you hear what I'm saying to you Grace? Or do you want me to repeat it again for you?" The 35 years old Sojiro Yamazaki asked her secretary. Mukhang hindi kasi ito nakikinig sa kanya, samantalang kanina pa siya salita ng salita pero nakatitig lang ito sa kanya at wala ang atensyon sa sinasabi niya.
'Yan, 'yan ang aking boss na si Sojiro Yamazaki na may kasungitan ang ugali, hindi mo lang masagot agad ang tanong nag-susungit na agad. O wait hindi ko lang pala siya basta boss kung hindi asawa ko din siya. Pero iilan lang ang nakakaalam ng tungkol do'n dahil sa papel lang 'yon at sa paningin ng ibang tao ay secretary niya pa din ako. "Hai Sensei! But my answer is NO, ayoko nga pumayag sa gusto mo no, ano ko bale?" Narinig ko naman ang sinabi niya pero hindi naman porket kasal kami ay ibig sabihin no'n na papayag na ako. Buti sana kung simple lang ang gusto niya kaso hindi dahil pagkatao ko na ang damay dito!
Napasimangot si Sojiro sa sagot sa kanya ni Grace, kababalik niya lang dito sa Pilipinas galing sa Japan at dito muna siya sa opisina niya sa Taguig nagpunta para nga makausap sana ito ng maayos. But looking at her now seems like he can't talk to her the way he want. "But why? Were talking tons of money, as in huge amount of money so you should help me right?"
Naupo ako sa upuan na nasa harapan niya at tinukod ko ang isa kong kamay sa lamesa na nasa pagitan namin. Ang pogi din talaga ng lalaking ito eh, at mas nanaig ang dugo niyang hapon! Matangkad na puro tattoo ang buong katawan tapos singkit pa ang mata. Pero nakuha niya ang ilong ng okaasan niya kaya ang swerte din dahil matangos ang ilong ng Sensei ko na 'to. No'ng una nga na nag-apply ako dito sa opisina niya ay talagang natakot ako pagkakita sa kanya. Paano ba naman mukha siyang miyembro ng yakuza tapos kulang na lang sa kanya ay 'yong espada. Hindi kasi ako komportable lalo na kapag nakakakita ng taong maraming tattoo pero tingnan mo naman at tatlong taon na din ako bilang sekretarya niya at sanay na sanay na ako sa hitsura niya. Mukha lang siyang nakakatakot lalo na kapag seryoso pero okay naman siya kausap. Pero aaminin ko mas pogi siya kapag nakasuot ng Japanese kimono o 'yong isa pa na tinatawag namang yukata, basta iba ang dating niya tapos magsasalita pa ng Japanese! Ay wala talaga, laglag ang panty mo Day!
Pinitik naman ni Sojiro ang daliri sa harapan ni Grace dahil mukhang nagde-day dream na naman 'to. "Tititigan mo na lang ba ako? I told you about my problem and of course you're the one who can help me." Sabi niya dito, kahit isang buwan siyang nawala ay hindi pa din talaga nagbabago ang itsura nito. She still look the same when he first saw her 3 years ago. Pero parang mas naging blooming lang ito at mas lalong gumanda ngayon, kung sabagay hindi naman mahirap ang trabaho nito sa kanya na usually ay puro computer works and paper works lang naman.
Pumeywang na ako sa harapan niya, akala yata ng lalaking 'to madadaan niya ako sa mga ganito niya. Oo guwapo na kung guwapo ang Sojiro na 'to pero hindi ibig sabihin no'n ay o-oo ako agad sa lahat ng sinasabi niya. "Ganito na lang ang gawin natin Sensei, pumunta tayo ng Japan ngayon tutal may private plane ka naman at hindi pa naman paso ang passport ko. Mag-file na tayo ng divorce tapos maghanap ka na din do'n ng babaeng puwede mong anakan."
"Grace!" Napahampas pa si Sojiro sa lamesa at napatayo sa sinabi sa kanya nito. Ayaw niya kasi kapag nagsasalita ito ng ganito lalo pa at isang taon pa lang naman buhat ng magpakasal silang dalawa. And their marriage is valid and legal. "What the hell you're talking about? Walang divorce okay."
"Pumayag na ako sa kalokohan mo Sensei na magpakasal tayo alang-alang sa 'yong otosan but this time hindi na ako papayag sa gusto mong mangyari. Aba hindi ako baliw para magpaanak sa 'yo." Paano kinausap pala siya ng Daddy niya at sinabi nga na bigyan na daw namin siya ng apo tutal isang taon na din naman na daw kaming kasal. Pero paano naman namin gagawin 'yon? E kaya lang naman kami nagpakasal kasi buong akala namin matetegi na ang otosan niya. Pero kita mo naman 75 years old na pero malakas pa din.
Muli lang napasimangot si Sojiro sa sinabi sa kanya ni Grace, but he need her answer and that answer is yes. Malaking pera ang involve kapag napapayag niya ito, beside hindi din naman niya ito papabayaan kung sakali. Bibigyan niya ito siyempre ng pera dahil hindi naman din talaga biro ang gusto niyang mangyari. "No divorce Grace, hindi ako papayag naiintindihan mo?" Sabi niya dito, hindi naman porket posible talaga ang pagpapa-divorce nila ay gagawin niya din ang gusto nito. 'All I need is your help, tell me what ever you want at ibibigay ko basta pumayag ka lang." Pangungumbinsi niya pa dito.
"Tse, tigilan mo nga ako. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit gusto mo pang gawin 'yang sinasabi ng papa mo samantalang puwede mo naman sabihin na hindi pa talaga siguro right time kaya hindi tayo nagkakaanak." Paano 'yon ang kondisyon ng otosan niya, we need to have a child so that he will give Sojiro 500 million pesos. Kaya itong lalaki naman na 'to ay kulit ng kulit sa akin at gusto niyang pumayag nga daw ako na gawin na namin ang ginagawa ng totoong mag-asawa. "Isa pa ang dami mo ng pera, kung tutuusin hindi mo na kailangan ang ibibigay ng otosan mo kasi kaya mong kitain 'yon." Malakas ang negosyo niya at natural alam ko kung magkano ang pumapasok sa kanyang pera. At hindi lang daang libo ang pinag-uusapan dito kung hindi milyones kaya bakit niya pa gugustuhin na makuha 'yong sinasabi ng Daddy niya kung puwede naman niya 'yon kitain.
"Pero sayang 'yon, sabi niya pag hindi ko daw siya nabigyan ng apo ay ipapamigay niya sa mga myembro ng tinayo niyang grupo ang pera. And of course I don't want that to happen, hindi puwede dahil pinag-hirapan niya 'yon." Paliwanag ni Sojiro, hindi siya papayag na hindi sa kanya mapunta 'yon. Yes he can earn that money but that money means something to him and Grace can't understand it.
I looked at him, alam kong hindi niya ako titigilan sa kakakulit. Pero kung sakaling pumayag ako sa gusto niya ano naman kaya ang makukuha ko? "Fine but what's the deal? Seryosong usapan na ang tungkol diyan Sensei, may magiging involve na bata at natural hindi biro 'yon. Baka mamaya pag nagkaroon tayo ng anak at makuha mo 'yong pera ipatapon mo na lang ako sa kung saan tapos kunin mo 'yong bata aba mumultuhin talaga kita."
Doon naman parang nanalo sa lotto si Sojiro, kaunting-kaunti na lang siguradong mapapapayag niya na itong si Grace sa gusto niya. "I'm not like that okay, beside alam mong mabait ako sa 'yo. And here's the catch I'll give you 100 million and I will shoulder all the expenses once I get you pregnant."
Tumaas ang kilay ko. "100 million lang? Oy katawan ko ang magiging puhunan dito no. Kung ganyan din lang maghanap ka na lang ng ibang aanakan mo." Aba siyempre 500 million 'yong ibibigay sa kanya so dapat medyo malaki din ang akin dahil ako naman ang magbubuntis kung sakali.
Sojiro took a deep breathe, siya na din ngayon ang nakapameywang sa harapan ng kanyang asawa/secretary. "150 million basta pumayag ka lang na magkaroon tayo ng anak, I will also take the responsibilities once I get you pregnant and of course no divorce will happen to us. Hindi kita papabayaan kayo ng magiging anak natin."
Ayieee nakakakilig! Pero feeling ko inis na siya at kaunti na lang tututukan niya na ako ng baril niya na nakasuksok sa tagiliran niya. "Hindi pa ako pumapayag Sensei, ililista ko muna kung ano ang mga kondisyon ko bago tayo mag-usap ulit." Aba dapat pag-isipan lang talaga ang ganitong bagay no lalo pa at seryosong usapan 'to.
"Que cojones Grace? I thought pumapayag ka na?" Parang may inis sa boses na sabi ni Sojiro, every time he's talking to her he can't helped it but to speak on different language. And he just said what the hell in Spanish.
"Hoy Sensei naiintindihan ko ang sinabi mo no, kaya wag mo akong ganyan-ganyanin. Anong akala mo sa akin hindi nakakaintindi ng Spanish? Nanonood ako ng Dora kaya alam ko 'yan!" Paano ganito siya pag nakikipag-usap sa akin, kung hindi Japanese magsasalita naman siya ng Spanish o kaya English tapos Filipino na baluktot. Oo na, nakakabilib naman talaga dahil bilingual siya pero naiintindihan ko pa din siya kahit papaano.
"And who's that fucking Dora?" Nakakunot noo ng tanong ni Sojiro.
"Ahhh basta tropa ko siya." Tumayo na ako dahil hahaba na naman ang pakikipag-usap niya sa akin. Time is gold no at madami pa akong kailangang gawin! "Bukas mo malalaman ang sagot ko kung pumapayag ba ako diyan sa gusto mo."
"Oh come on, Grace? Grace!" At saka ito sinundan ni Sojiro palabas ng kanyang opisina.
#Maribelatentastories