CHAPTER 33

10.8K 218 5
                                    





Sa labas ako ng bintana tumingin, ako lang 'to, 'yong kakarating ng bahay tapos niyaya na kumain sa labas pero hindi ko naman alam na labas pala ng Pilipinas ang pupuntahan namin at doon kakain! Nakasakay lang naman kami ngayon ni Sojiro sa eroplano kasama ang sampu niyang tauhan, at papunta pala ng Japan 'to. Kung ano ang suot ko kaninang umaga ng umalis ako ng Tagaytay papunta sa trabaho ko ay siya pa din suot ko hanggang ngayon. Dahil buong akala ko talaga ng sabihin sa akin kanina ni Sojiro na kakain kami sa labas ay sa Tagaytay lang 'yon. Marami kasing kainan doon, maski sa paglabas ng subdivision kung saan ang bahay niya ay marami din puwedeng kainan. Pero hindi dito, hindi 'yong magugulat na lang ako na sasakay pala kami ng eroplano niya at lalabas ng Pilipinas!







"Hey are you still mad at me?" Sojiro asked her when he go to her seat. Nakipag-usap siya sandali sa piloto ng eroplano niya matapos nilang mag-take off. Alam niyang galit sa kanya si Grace dahil hindi na siya nito kinibo simula ng nasa biyahe sila papunta sa airport at sabihin niya nga na pupunta sila ng Japan.





Tiningnan ko siya, hindi ako galit, tuwang-tuwa nga ako eh. Ang sarap sabihin pero hindi ko na lang siya kikibuin hangga't naiinis pa din ako sa kanya. 







"Grace.." He called her name, nakakainis nga naman siguro siya pero kasi gusto niyang kasama niya ito kung nasaan siya lalo pa at hindi niya alam kung kailan ba siya makakabalik sa Pilipinas. Baka kasi matagalan siya sa Japan at 'yon ang ayaw niyang mangyari. Ang hindi agad ito makasama, he want to impregnate her as soon as possible.







"Ano ba?" Inis na sabi ko matapos niyang alisin ang seat belt ko at hilahin ako patayo, pagkatapos ay siya naman ang umupo sa inuupuan ko at ako na ang pinaupo niya sa kandungan niya. 







"Gomen'nasai, but I just want to be with you so I didn't tell you ahead were going in Japan." Hingi ni Sojiro ng paumanhin kay Grace at paliwanag na din kung bakit hindi niya sinabi agad dito na sa Japan talaga ang punta nila. "Alam ko kasing hindi ka sasama kaya hindi ko na lang sinabi sa 'yo."





Bumuntong hininga ako ng malalim, heto na nga yata talaga ang tunay na pakiramdam ng may asawa. Hindi sa lahat ng oras ay kilig kung hindi may oras din na maiinis ka. At heto na ang oras na 'yon! "But you should tell me about this, anong susuutin ko pagdating natin do'n ha? Cellphone lang ang dala ko tapos kinuha mo lang din ang passport ko." Sabi ko sa kanya, as in wala talaga akong dala na kahit ano maliban sa hawak ko kaninang cellphone dahil buong akala ko nga ay kakain lang kami sa labas. Kaya mas lalo akong naiinis sa kanya, and I know malamig ngayon sa Japan kaya siguradong kakailanganin ko ng coat na magagamit doon pero wala naman akong dala na gamit nga. 







"Don't think about it na, I invade your room earlier so I packed some of your clothes and put it on my luggage." Nakangiting sabi pa ni Sojiro, kaso hindi niya alam kung ayos lang ba kay Grace ang mga pinagkukuha niyang damit nito kanina. Kung 'yon ba ay sinusuot talaga nito o hindi na. "But if you don't like what I brought for you, you can buy your clothes once we arrive in Japan." Marami namang clothing store sa airport na bukas bente kuwatro oras kaya puwede itong mamili doon ng damit. Or puwede din naman bukas na ng umaga, puwede naman niyang pahiramin ito ng damit niya or puwede din namang wala itong damit dahil sila naman ang magkasama. 





Sinamaan ko siya ng tingin at sa inis ko nga ay hinampas ko na siya sa braso niya. Pangiti-ngiti pa talaga ang loko eh. "Kahit na, hindi pa din nakakatuwa 'tong ginawa mo." Sabi ko sa kanya, alam ko na ang gagawin ng poging hapon na 'to eh, susuhulan ako nito panigurado para hindi ako magalit. 







Inayos naman ni Sojiro ang buhok ng asawa sa likod nito, ang buhok na kung saan ay hawak-hawak niya noong nakaraan habang binabayo ito mula sa likuran. "I have an urgent meeting in Japan, and I don't know when I can go back in the Philippines. So sinama na lang kita kaya huwag ka ng magalit sa akin Grace." 





Ayan na naman ang pagta-tagalog niya na paling-paling, and yes noong una I find it cute. Pero hindi, naiinis pa din ako sa kanya no! "At paano naman ang trabaho ko? Puwede mo naman akong hindi isama pero sinama mo pa din talaga." Siguradong matatambak kasi ang trabaho ko sa opisina niya, at sa kanya okay lang 'yon siyempre kasi siya ang boss pero hindi sa akin. 





"Isasama talaga kita kasi ikaw ang asawa ko, at isa pa baka ilang araw lang naman tayo sa Japan kaya huwag ka ng mainis. And don't worry I will help you on your work pagbalik natin ng Pilipinas." Ani ni Sojiro, ewan niya at simula ng maangkin niya ito ay parang ayaw niya din malayo pa dito. He want to be her side all the time, o dahil alam niyang bibigyan siya nito ng anak kaya ganito siya?





"Tsk, marunong ka na talagang mangbola no?" Sabi ko at akmang tatayo na sana, hindi ako convince sa sinabi niyang tutulungan niya ako kasi nasabi niya na 'yon dati sa akin pero ang ending ako na lang ang gumawa mag-isa kasi ginugulo niya lang ang trabaho ko. "Titingnan ko lang 'yong maleta mo para malaman ko kung anu-ano ba 'yong dala mong damit ko." 







Pero mas hinigpitan lang ni Sojiro ang hawak sa beywang ni Grace para hindi ito makaalis sa kandungan niya. "Later but now I want to take you here inside of my plane."







At nanglaki na ang mata ko sa sinabi niya, dahil naiintindihan ko kung ano ba ang gusto niyang mangyari at sinabi niya sa akin!

My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon