Last update for this week, di pa magaling si author🥲 50% din lahat ng story ko sa vip kaya sana mag join kayo!
"He can kill for someone Grace, believe me, you still don't know what Sojiro os capable of.."
Paulit-ulit kong naiisip ang sinabi na 'yon ni Kasuki sa akin ng magpunta siya kanina sa office. At ewan ko pero parang ang seryoso naman masyado ng sinabi niya sa akin tungkol kay Sojiro, pero tama naman siya. Hindi ko pa nga talaga gano'n kakilala si Sojiro, basta ang alam ko tungkol sa mga baril ang negosyo niya pero legal 'yon. Legal lahat ng mga negosyo niya dito sa Pilipinas dahil kung minsan ako ang nag-aasikaso no'n lalo na sa mga government agencies. Pero bakit kaya sinabi 'yon ni Kasuki sa akin kanina? Ibig bang sabihin may ginagawang ilegal sa Japan si Sojiro? Pero kasi hindi naman niya siguro magagawa 'yon diba? Hindi naman siguro magagawa ni Sensei ang mga ilegal na bagay. Kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan pero kagaya kanina ay naka-off pa din ang cellphone niya. Tuloy mas lalo kong naiisip na may hindi siya magandang ginawa, pero huwag naman sana!
Samantalang pasado alas onse na nakarating si Sojiro sa bahay niya sa Tagaytay. Halos isa't-kalahating oras lang ang biniyahe niya mula airport papunta dito na kadalasan ay inaabot ng dalawang oras. Himala nga at hindi gano'n ka-traffic kanina. Sabi ng tauhan niya ay narito nga daw si Grace ngayong gabi, at isa din 'yon sa binilin niya sa asawa, na sa bahay niya sa Tagaytay ito uuwi. At sana gising pa ito pero kung hindi man ay sa ibang kuwarto na lang muna siya matutulog ngayong gabi tutal marami namang kuwarto ang bahay niya na ito. Ayaw niya din kasi itong istorbohin lalo pa at siguradong pagod ito sa trabaho.
"Sojiro!" Nagulat ako ng makita kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok siya. "N-Nakauwi ka na? Bakit hindi mo sinabing uuwi ka pala?" Akala ko may nang-loob ng pogi eh, pero siya lang pala.
"Why you're still awake? Hindi ba dapat natutulog ka na ng ganitong oras?" Kaswal na sabi ni Sojiro at saka niluwagan ang suot niyang neck tie. He thought she's already sleeping, but she's not. Maaga kasi ito natutulog at ang pinaka late ay alas nwebe ng gabi.
"Wala namang pasok bukas kaya gising pa ako at okay lang kung mamaya pa ako matulog." Sagot ko, off ko bukas dahil Linggo at kapag ganitong Saturday night ay nagmi-me time talaga ako. Pero sa true lang iniisip ko talaga ang sinabi ng kaibigan niyang si Kasuki kanina. "Teka, are you hungry Sensei? May ulam pa akong tinira sa ref, baka gusto mong kumain." Hindi ko talaga alam na ngayong gabi ang dating niya, dahil kung alam ko lang ay hindi siguro ako uuwi ngayong gabi dito at baka do'n muna ako sa bahay namin dumiretso. Hinahatid sundo kasi ako ng driver niya nitong mga nakaraang araw kaya naman dito din talaga ako umuuwi gaya ng utos niya. Baka kasi mamaya mag-demand siya na gawin na namin 'yong ano..
"Yes I'm really hungry, can you prepare a food for me?" Ani ni Sojiro na nilapitan na ang asawa, hindi niya na ito tatawaging sekretarya dahil simula ng manggaling sila sa Finland ay hindi niya na iniisip na secretary niya ito kung hindi totoong asawa na talaga dahil 'yon din naman sila. But hopefully mangyari na talaga ang kung anong plano nila.
Ngumiti ako, naks heto na nga talaga ang tinatawag na wife duty! At sino ba naman ako para tanggihan ang poging hapon na 'to. Kahit hindi ko tanungin sigurado akong pagod talaga siya sa biyahe. "Oo naman, tara do'n na tayo sa kusina at iinitin ko lang 'yong ulam sa ref."
Pero hinila naman ni Sojiro si Grace at saka niyakap, he should not be like this to her because all he wanted from her is to get her pregnant. Pero kasi kaya nga siya umuwi dito agad sa Pilipinas ay dahil gusto niya itong makita. Isa pa wala naman sigurong masama na ganituhin niya ito dito diba?
"S-Sensei.." Tinulak ko siya ng kaunti at napatingala na lang ako para tingnan siya. "A-Ano ba 'yon?" Diyos ko may pagyakap pa kasi talagang nalalaman eh, tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Samantalang hindi naman ako ganito dati, pero no'ng galing na kami sa Finland ay parang magkadikit lang ang daliri namin ay sasabog na din ang puso ko sa bilis ng tibok.
"How' s your week? Don't you miss me Grace?" He asked her naturally, namumula na ang pisngi ng asawa niya pero hindi niya pa din ito binitiwan. Kung bakit kasi last week lang nila ginawa ang dapat gawin ng mag-asawa? They should consume they marriage before, hindi 'yong kung kailan lang siya kinausap ng kanyang ama at sinabihang gusto nitong magka-apo ay saka niya lang naisip na may asawa nga pala siya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, my God may side palang ganito ang Sojiro na 'to, 'yong side na kayang pahinain ang tuhod ko! Pero hindi naman ako dapat kabahan diba? Isa pa mag-asawa naman kami! Pero kasi..
"I will not let you go until your not answering my question, so don't you miss me ha?" Muling tanong ni Sojiro kay Grace na hindi na makatingin sa kanya ngayon.
"Hindi kita na-miss no, at bakit naman kita mamimiss sige nga?" Kunwaring pagtataray ko pero sa totoo lang ay nanghihina na talaga ang tuhod ko. Baka nga kapag hindi niya ako hawak ay bigla na lang akong matumba dito eh.
"Really? Kasi ako na-miss kita." Sabi ni Sojiro na dahan-dahan pang itinaas ang baba ni Grace para magtama ang tingin nila. At ng mangyari na nga 'yon ay saka niya ito hinalikan sa labi.