Last update for this week, happy weekend!
Nagising na lamang si Grace sa higaan na wala si Sojiro sa tabi niya, at ng tingnan niya ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan para malaman kung anong oras na ba ay nakita niyang mag-aalas sais pa lang ng umaga. Pero ng marinig niya na may tao sa loob ng banyo ay doon na siya tumayo para tingnan kung si Sojiro ba 'yon. At hindi nga siya nagkamali dahil nandoon nga ito pero kinabahan na siya ng makita ang lagay nito na parang may iniinda na kung ano.
"S-Sensei? Anong nangyayari sa 'yo? Are you okay?" Agad ko siyang nilapitan dahil nakatayo siya sa harapan ng lababo at nakayuko doon. Hinawakan ko pa nga ang hubad niyang likod, wala naman akong nakita na suka sa lababo pero wala akong idea kung ano ang nangyari sa kanya.
Binuksan naman ni Sojiro ang gripo at saka nag-hilamos, nagising siya na masakit ang tiyan at alam niyang hindi dahil 'yon sa pag-inom niya kagabi kasama ang kaibigan na si Kasuki. Hindi lang tiyan niya kung hindi pati na ang bandang ibabang likod niya at tagiliran. "I'm good, watashiwawa daijobudesu." Sabi niya na nginitian pa si Grace. He woke up with this unbearable pain on middle of his back. At pigil-pigil niyang huwag mapasigaw kanina dahil katabi niya nga natutulog si Grace. Hindi na nga din siya nakalabas pa ng kuwarto nito para sana lumipat sa kuwarto niya at sa halip ay sa banyo na lamang nito siya nagpunta. It took almost 20 minutes to subside the pain he felt. Pero may masakit-sakit pa din naman hanggang ngayon pero hindi na katulad kanina, at least bearable na niya ngayon kahit papaano.
Nag-aalala ko siyang sinundan palabas ng banyo ko, naupo siya sa kama pagkatapos. He's topless pero okay lang at hindi naman na ako naiilang kasi nakita ko na 'to ng ilang beses. Beside mag-asawa kami diba? At may project baby kami kaya hindi ako dapat mailang. "Ano bang nangyari sa 'yo? Anong masakit sa 'yo ha? You didn't wake me up, ginising mo sana ako." Sabi ko sa kanya, buti nga at talagang natulog lang kaming dalawa kagabi. Walang naganap na sex pero magkayakap kaming natulog sa pagkakatanda ko.
Hinawakan naman ni Sojiro ang kamay ni Grace at saka tiningala ito, nakatayo kasi ito sa harapan niya. "Sumama lang ang pakiramdam ko, but I'm good. Okay lang ako Grace." Sabi niya dito, he will rest today. Hindi muna siya aalis at didito na lang muna siya sa bahay niya. Or tatawagan niya ang doktor na tumingin sa kanya noon para makapagpa-check up siya kahit via video call. Nasa Japan kasi ito naka-base at isang doktor na hapon ang tumingin nga sa kanya doon.
"Are you sure? Pero maputla ka. Ilan ba kasi ininom mong alak kagabi? At sino bang kasama mo?" Sa sobra kong antok kagabi ay hindi ko na natanong sa kanya kung sino ba ang kasama niya, pero I guess si Kasuki ang kasama niya kasi sila lang naman ang talagang magka-buddy na dalawa.
"Si Kasuki ang kasama ko kagabi, and you were right. Baka napadami nga talaga ang inom namin kagabi kaya sumama ang pakiramdam ko."
"Tsk, may gamot ako diyan, inumin mo pagkatapos nating mag-breakfast mamaya." Sabi ko, sabi na nga ba eh. Alak pa! "Magluluto lang ako ng almusal natin, then tatawagan kita para sabay na tayo kumain. Papasok ako ha, hindi puwedeng hindi." Dagdag ko pa, baka kasi sabihin niya sa akin na huwag akong umalis ngayong araw eh. Aba hindi puwede no! Baka mamaya ako ang pagka-abalahan niya dito, hindi pa naman ako tatanggi.
"Sure, I want some boiled eggs Grace, or if may tofu I want that also." Ani ni Sojiro, he should follow his doctor. Kung ano ang mga binilin sa kanya nito noong huling pa-check up niya. Pero kasi matigas din ang ulo niya at talagang kung ano ang gusto niyang kainin ay 'yon din ang kinakain niya kaya siguro nakaramdam na naman siya ng sakit kanina pagkalipas ng ilang buwan.
"Sige itse-check ko sa baba kung mero'n, tawagin kita pag okay na at nakaluto na ako." At kinurot ko pa siya sa pisngi bago ako lumabas ng kuwarto.
Bago mag-alas otso ng umaga ay nakaalis na si Grace ng Tagaytay, medyo sakripisyo talaga siya sa biyahe kapag nandito sa Pilipinas ang Sensei niya. Sa Tagaytay kasi siya nito pinapauwi, pero okay lang naman kasi aside sa may sasakyan siya ay puwede naman siyang magpahatid o magpasundo sa driver nito. Kagaya ngayong umaga, imbes na i-drive niya ang sarili niyang sasakyan ay pinahatid siya ni Sojiro sa driver nito kaya kahit papaano ay makakaidlip pa siya habang nasa biyahe.
Samantalang si Sojiro naman ay nakapagpa-reserve ng online check up sa doktor niya na nasa Japan. After lunch ang check up niya, ala una dito sa Pilipinas at alas dos naman sa Japan. It's been 6months since the last time he felt the pain he felt early this morning. Kaya baka hindi na maganda ang lagay niya ngayon, that's why he need to talk to his doctor. Buti na lang talaga nadadaan sa pera ang bagay-bagay, dahil naisingit siya sa check up niya ng sekretarya ng doktor niya.
"Koreha watashi wa anata ni iimasu Misuta Yamazaki, your disease is getting worst and I'm telling you now that I need to see you personally so that I can diagnose you right." Sabi ng doktor na si Doctor Kobayashi, he's one of the best nephrologist in Japan. Hindi puwedeng sa video call lang sila mag-usap ni Sojiro dahil may mga test siyang ipapagawa dito. And that is urgent.
"Shikashi itami wa kiemasu." Turan naman ni Sojiro habang nakaharap sa kanyang laptop at kausap na nga ang doktor niya, sinabi niya sa doktor na kausap na wala naman na ang sakit na nararamdaman niya katulad kanina. Pero kanina pa din nito sinabi sa kanya na kailangan nga daw siyang makita nito ng personal para na din sa ilang lab test na ipapagawa nito sa kanya.
"Still the symptom of your alport syndrome might be worsen if you will not have a proper medication. Or worst is you just fell in the ground and you die that easily. I know you don't want that to happen right?"
Doon naman napa-isip si Sojiro dahil iniiisip niya na hindi naman puwedeng basta na lang siya bumalik sa Japan, nasabi niya na kay Grace na didito muna siya sa Pilipinas dahil kailangan nga niya itong mabuntis kagaya ng usapan nilang dalawa. Pero naiisip din niya na baka lumala ang lagay niya at malaman pa ni Grace ang tungkol dito na ayaw niyang mangyari. So he took a deep breathe because he already have a decision. "Daijobu, I will come in Japan Doc, I will see you tomorrow morning." Pinal na sabi niya, isasama niya na lang si Grace sa Japan at doon bahala na siya isekreto ang totoo tungkol sa tinatago niyang sakit dito.
