Maria Isabel Tuazon is now completed in Patreon and vip group. And yes, finally tapos na ang Tuazon trilogy after 2 years. Dm me on my fb page how to join!
Akala ko aabutin pa kami ng lagpas isang Linggo sa Japan pero anim na araw lang ang tinagal namin doon at bumalik na din kami sa Pilipinas. Pero hindi ko alam kung bakit pagbalik namin dito ay parang nag-iba si Sojiro, lagi siyang umaalis at hindi naman niya sinasabi kung saan ba siya nagpupunta. Kahit tinatanong ko siya ay hindi niya din sinasabi kaya naman feeling ko may sinesekreto siya sa akin pero sana lang wag babae 'yon. Dahil kung hindi talagang ako mismo ang babalik sa Japan para ipa-divorce ang kasal naming dalawa. Aba subukan niya lang talaga at lagot siya akin!
"Sinasabi ko lang sa 'yo ha, baka may secret kayo ng friendship mo. Tell me na Kasuki." Sabi ko sa kanya ng puntahan niya ako dito sa office ng kaibigan niya. Pero heto nga at wala dito si Sensei, two days na talaga actually at kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong lumabas ang poging hapon na 'yon ng bansa. Pero kung saang bansa ba siya nagpunta ang hindi ko naman alam.
"We don't have secret Grace, beside were friend too. So I will tell you if ever my friend doing something bad okay, I will not tolerate him so.." Pagsisiguro ni Kasuki, he need to lie for his friend. Actually kunwari lang na hindi niya alam na wala dito ang kaibigan. Pero sa totoo lang ay inutusan siya ni Sojiro na pumunta nga dito sa kompanya nito para tingnan ang sekretarya/asawa nito.
"Peksman? Mamatay man? Sure 'yan? Naku pag nag-sisinungaling pa naman kinukuha ni Lord ang mga ganyan." Malay mo umamin siya tapos mag-kuwento siya sa akin kung saan ba nagsususuot ang kaibigan niya. Sila lang naman kasi ang laging magkasama kaya sa kanya lang din ako dapat magtanong diba. So dapat medyo sindak-sindakin natin ang Kasuki na 'to dahil baka umamin.
"Tsk, I swear." At talagang itinaas pa ni Sojiro ang kaliwang kamay na parang nanunumpa. Pero ng makita niyang mag-isang kilay si Grace ay doon niya lang na-realize na dapat pala kanan ang itaas niya kaya dali-dali niyang tinama 'yon.
"O siya hindi mo na alam kung hindi mo alam. Pero kapag nag-sinungaling ka lang talaga sa akin hindi na tayo friends na dalawa. At lalong hindi na kita tuturuan mag-tagalog kahit kailanman." Ito ang panlaban ko sa kanya, kasi sa akin siya nagpapaturo mag-tagalog diba.
Hinawak naman ni Kasuki ang kamay sa ulo ni Grace at ginulo 'yon. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito oras na malaman nito na may sakit si Sojiro. Na kaya ito laging wala ay hindi dahil sa negosyo nito kung hindi dahil sa pagpapagamot nito. His friend went to Singapore, doon naman nito pinatingnan ang mata sa isang ophthalmologist kahit pa natingnan naman na ito sa Japan. Naghahalo na nga lang ang inis at awa niya tuloy dito, pero siyempre hindi niya puwedeng ipakita sa kaibigan na naaawa siya dahil hindi nito 'yon magugustuhan. "I'll go ahead, kainin mo 'yang binili ko ha. Madami 'yan kasi alam kong matakaw ka." At saka siya tumayo, he bought food for her. At utos pa din 'yon ng kaibigan niya.
Hindi muna umuwi ng Tagaytay si Grace pagkatapos ng kanyang trabaho, at sa halip ay sa mismong bahay niya siya umuwi. Bahay na napundar niya dahil kay Sojiro, at bunga din siyempre ng kasipagan niya sa trabaho. Pero hindi niya inaasahan na bandang hatinggabi ay makakarinig na lang siya ng walang tigil na pag-dorbell mula sa gate niya at ng silipin niya 'yon ay wala 'yong iba kung hindi ang Sensei niya mismo.
"Good morning.." Nakangiting bati ni Sojiro sabay tingin sa suot niyang rilo sa kanyang braso. Tama naman dahil 12:30 na din ng umaga kaya talagang morning na din.
"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong sabi sa kanya, aba ni hindi niya nga magawang replayan 'yong mga text ko sa kanya simula pa kaninang umaga tapos bigla na lang siyang susulpot dito sa bahay ko ng ganitong oras? Ang swerte naman niya kung iwe-welcome ko siya ng buong puso.
"I know you're mad at me but can we please go inside of your house before you nags me?" Pagod na sabi ni Sojiro, pagod talaga siya dahil pinilit niyang makauwi talaga ngayon mula sa Singapore. He didn't used his plane and booked a business class flight instead. Alam niyang naiinis na sa kanya si Grace kaya talagang ginusto niyang makauwi para makapag-usap na din silang dalawa.
Pinagbuksan ko siya ng gate at nagpatiuna na akong pumasok sa loob ng bahay ko. Dapat pala sa bahay ko namin ako umuwi eh. Siguradong hindi pupunta ang poging hapon na 'to doon dahil takot niya lang kay Tatay. Pero hindi, walang pogi-pogi sa akin ngayon dahil naiinis pa din ako sa kanya!
Sojiro locked the door, tauhan niya ang nagsabi na hindi nga umuwi ang asawa niya sa bahay niya sa Tagaytay at dito nga daw ito tumuloy. Kaya kahit alam niyang alanganing oras na ay talagang pinuntahan niya pa din ito.
Nakapameywang ko siyang tinayuan dahil umupo siya sa sofa. "May problema ba tayong dalawa? Akala ko ba mag-asawa tayo? Pero bakit hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa 'yo. I don't know but I can feel it, your hiding something from me, at gusto kong malaman 'yon Sensei."
Sojiro know this time will come, at ito na nga yata siguro ang oras na 'yon. "Daijobu, I will tell you the truth now Grace. I-I'm sick, and I'm also visiting different doctors about my disease these past few days. I have this rare condition called Alport disease, and honestly I don't know how long my life will be."
Para namang na-blangko ang utak ni Grace sa narinig, but she was sure that was not a joke. But how come? How come she didn't knew about this?