Literal na God is good🙏
Finally nakuha ko na yung result ng treadmill stress echo ko kanina and nakapunta na din ako sa cardiologist ko sa FEU. All cleared! Parang gusto ko kanina magtatalon sa saya dahil cleared ang result at wala akong sakit sa puso🫡 Since Wednesday last week after kong magpa-treadmill stress grabe na ang pag-ooverthink ko to the point na nagpatingin pa ako nong Thursday sa psychologist. Very emotional talaga yung nagdaang linggo na iiyak na lang talaga ako. Mero'n daw akong anxiety saka over thinking sabi ng psychologist na tumingin sa akin pero sino ba naman kasi ang hindi mag oover think kung hindi nawawala ang sakit sa dibdib mo.