Last update for this week, happy weekend! Mag-join na kayo sa vip stories ko, naka 50% off siya! Pm niyo ko sa fb page ko!
Gaya ng sabi ni Sojiro kay Grace ay hindi na talaga siya umalis ng bahay. Marami pa naman siyang gagawin dapat sa opisina lalo na at araw nga ng Lunes pero dahil hindi lang niya basta asawa si Sojiro kung hindi boss din niya ay sinunod na lang din niya ito. Iniisip niya na lang na deserve niyang mag-off ngayong araw dahil masakit din ang katawan niya sa pinaggagawa nila kagabi na dalawa.
Pero kahit gano'n ay hindi din naman nagawang magpahinga ni Grace dahil matapos niyang magpalit ng damit ay naglinis naman siya ng kuwarto. Kahit naman kasi sabihin na may kasambahay si Sojiro dito ay siya pa din ang naglilinis ng kuwarto niya at kuwarto nito. Para kasi sa kanya ay private space na 'to at hindi dapat ibang tao pa ang gumawa ng simpleng paglilinis. Hindi din kasi siya makakatulog kahit humiga-higa pa siya dahil parang naka-automatic na ang katawan niya sa dapat gawin kapag Lunes hanggang Sabado at 'yon ay ang pagtatrabaho.
" Do you understand what I said? You need all to be aware at all time. Because I know Tsukasi will find his way to find me." May diin na sabi ni Sojiro sa harapan ng mga tauhan niya na galing pang Japan. Tsukasi was the men he looked when he was in Japan, ito 'yong lalaking may kasalanan sa kanyang ama na hinanap niya. Pero nalaman niya na lang na nakatakas pala ito at hindi matunton ng tauhan ng kanyang ama doon. At alam niyang siya ang pakay nito pero hindi din naman siya magpapahuli o lalong hindi niya hahayaan na may gawin itong hindi maganda sa kanya. Mabuti pang unahan niya na ito ng sa gano'n ay makita nito ang totoong siya, kung paano ang galawan ng isang Sojiro Yamazaki. At sisiguraduhin niyang siya ang makakahanap dito, at kapag nangyari 'yon ay papatayin niya 'to.
"Hai Sensei!" Sagot naman ng mga lalaking naroon. Yumuko pa ang mga ito bilang pag-galang.
Kinausap pa ni Sojiro ang mga ito ng ilang sandali, buti na lang talaga at malawak ang property niya na ito dito sa Tagaytay. At aside sa mismong bahay niya ay mero'n din bahay para sa mga tao niya. Saka siya pumasok sa loob ng bahay at hinanap na si Grace, nakapag-almusal naman na silang dalawa kanina pero kaunti lang ang kinain nito. Naabutan niya si Grace na nag-aayos sa kuwarto niya, talagang hindi din ito matigil ng walang ginagawa eh.
"I told you to rest but looked what you're doing now, naglilinis ka pa dito." Ani ni Sojiro na nakapameywang pa talaga. Wala naman siyang sinabi na maglinis ito pero heto talaga ang ginagawa.
Binitiwan ko ang unan na hawak ko, nagpalit lang naman ako ng bedsheet ng kama niya. Para kasing naamoy ko 'yong amoy naming dalawa kaya naman pagkatapos kong mag-ayos sa kuwarto ko ay dito naman ang sinunod ko. "Pinalitan ko lang 'yong bedsheet ng kama mo, kaunti lang naman 'to." Sabi ko.
"Pero ang sabi ko ay magpahinga ka." Ani ni Sojiro na nilapitan na si Grace, seeing her now made him remembered what they did last night. Kung paano niya ito inangkin sa kung saang-saang sulok ng bahay niya at maging dito sa silid niya. And actually he can't get over with her, para itong isang alak na habang tumatagal ay mas sumasarap din talaga.
Naglakad ako papunta sa kabilang side ng kama, geeezz hindi naman ako ganito noon kapag nilalapitan niya pero bakit ngayon parang nagkakarerahan ang puso ko lapitan niya lang ako? Puwede namang mag-usap ng magkalayo diba? May palapit-lapit pa talagang nalalaman eh. "M-Mamaya na ako magpapahinga pagkatapos nating kumain." Sabi ko.
Napakunot noo naman si Sojiro dahil pansin na pansin niya ang ginawa nitong pag-iwas sa kanya. "And why you're avoiding me Grace? Do we have a problem?" Tanong niya dito, it's better to ask her. Hindi naman kasi siya nanghuhula o manghuhula. At mabuti pang magtanong dahil libre lang naman 'yon at wala 'yong bayad. At ganito talaga siya, sinasabi niya agad ang iniisip niya.
Avoid talaga agad? Parang ang lalim kapag English talaga ang salita. "Wala, inaayos ko 'yong kama mo kita mo." Sabi ko na lang kunwari at saka hinila-hila 'yong bedsheet ng kama niya kahit ayos naman na din 'yon. Siya pa naman 'yong lalaking mahilig sa kulay puti pagdating sa bedsheet, basta gusto niya puti pati comforter. At kailangan lagi din malinis dahil ayaw niya kahit may ga-tuldok na dumi ang kama niya.
"Tsk, I know you Grace, so ano nga kasi 'yon? Do we have problem?" Tanong pa ulit ni Sojiro, nagtataka lang siya kung bakit biglang umalis 'to ng lapitan niya. And it feels like she actually avoiding him so..
"Wala nga, wait tapos mo na ba kausapin 'yong mga lalaking naka-itim sa baba?" Pag-iiba ko ng usapan, dapat lang naman siguro ako magpaka-busy kasi sabi niya nga didito muna siya Pilipinas. Kung dati ayos na ayos sa akin 'yon pero kanina ng sabihin niya ang tungkol do'n ay parang kinabahan ako. My God tapos bumanat pa na gusto niya na nga akong mabuntis kaya dito daw muna siya, so siyempre naiisip ko na kawawa naman ang pempem ko at bahay bata.
Blangkong tiningnan ni Sojiro si Grace, she can't lie to him. Kilalang-kilala niya 'to kaya hindi talaga ito makakapag-sinungaling sa kanya. "I don't like it, ayoko ng iniiwasan mo ako Grace."
"Hindi nga sabi, ikaw tamang hinala ka talaga. Actually may sasabihin pala ako."
"About what?" Napakunot noo ulit si Sojiro.
"Puwede bang umuwi muna ako sa bahay namin? Tapos didiretso na lang ako sa kompanya mo bukas ng umaga." Pagpapaalam ko sa kanya, kanina ko pa 'to naiisip. Para naman kahit papaano ay makaiwas-iwas muna ako sa kanya. Hello ang sakit pa kaya ng katawan ko hanggang ngayon dahil sa ginawa namin kagabi.
"Sa bahay niyo?" Tanong ni Sojiro kahit narinig naman niya ang sinabi nito.
"Yes, sa bahay para naman makita ko si Mama, tutal marami ka namang kasama dito eh."
"Nahhh, kung aalis ka at uuwi sa inyo, sasamahan na lang kita."
"What? Hindi puwede Sensei!"
