You still have 4 days to join my vip group with 50% discount. Dm me on my fb page to join!
"Nakakainis ka." Inis na sabi ko kay Sojiro ng masiguro ko na nasa loob na talaga ng banyo si Tatay, nagsabi ito na maliligo sandali matapos makapag-pahinga sa hapunan. Paano nakakainis naman kasi talaga siya, hindi lang sa sinabi niya na mag-asawa kami dahil hindi niya binawi ang sinabi niyang 'yon kay Tatay. Kung hindi nag-order din siya ng sang-katerbang pagkain with matching litson pa na hindi na nga namin kanina alam kung saan pa namin ilalagay dahil 'yong pinaka-malaki din ang inorder niya. Kaya pala may tinawagan siya kanina at tingin ko ay tauhan niya 'yon na inutusan niya.
"Why? Ano na naman Grace." Nagtataka na tanong ni Sojiro, parang bumuwelo pa ito dahil sa lakas ng hampas sa kanya. Kanina niya pa din kasi ito nakikitang nagtitimpi, hindi lang ito makapalag kanina dahil nandito ang magulang nito. Pero ngayong sila lang dalawa ay parang ilalabas nito ang galit at inis sa kanya.
"Anong why? Ano bang pinaggagawa mo ha? Diba nag-usap na tayo kanina bago tayo pumunta dito? Bakit sinabi mo sa Tatay ko na kasal tayo? At talagang proud ka pa na sinabing asawa mo ako." Buti na lang naiisip ko na boss ko din siya kaya nagtitimpi pa ako nito na huwag siyang batukan. Nakakainis, nakakainis talaga dahil siguradong may continuation ang sermon ni Tatay mamaya kasi sabi niya huwag daw kaming aalis dito sa sala. Si Mama naman ay nandoon sa kusina at inaayos ang mga pagkain na natira namin, ewan ko nga kung paano 'yon magkakasya sa ref namin eh. At 'yong litson sure na akong hindi magkakasya 'yon dahil hindi naman marami ang nabawas namin. 'Yong mga kapatid ko naman ay pinapasok na ni Tatay sa kuwarto kaya mukhang lagot pa din talaga kami nito mamaya.
"I'm, really proud of you, I'm proud being your husband and you should feel the same way too." Ani ni Sojiro, he thought her father will punch him or shoot him. Pero hindi naman nangyari, still he knew he's mad. At naiintindihan niya 'yon, hindi naman kasi naiiba ang kultura ng isang Japanese na katulad niya sa mga Filipino. At hindi talaga maganda ang ginawa nilang pag-lilihim tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa ni Grace. Pero sana naman ay hindi siya saktan o mabaril nito mamaya.
Inirapan ko nga, talagang nakuha pang bumanat eh. "Ewan ko sa 'yo, nakakainis ka pa din." Sabi ko ulit, pati nga 'yong dalawang kapatid ko ay lagot sa akin mamaya. Hindi lang ako maka-alma kanina kasi nga dahil kay Tatay pero mamaya lang din talaga sila. Alam ko kasi 'yong mga tinginan nila eh, 'yong tingin na nang-aasar.
Hinawakan naman ni Sojiro ang kamay ni Grace at pinag-salikop niya ang mga 'yon. She's pissed at him. Pero para sa kanya ay tama lang ang ginawa niya na sabihin sa ama at ina nito ang tungkol sa ano mang relasyon nilang dalawa. Na hindi lang siya simpleng boss nito kung hindi asawa din. He's thinking about her getting pregnant, dahil oras na mabuntis niya na ito ay 'yon ang mas lalong hindi nila matatago. At hindi niya pinagsisisihan ang ginawa kahit pa kinabahan din siya matapos tutukan ng baril ng ama nito. He now understand Grace is a family oriented, kahit pa sabihin na panganay naman ito at nakakatulong sa pamilya ay hindi ibig sabihin no'n na okay lang na mag-desisyon ito mag-isa. Dahil hindi gano'n ang pamilya nito lalong-lalo na ang ama nito. "I will not say sorry Grace, for me this is the right thing to do after meeting your family."
Hinila ko naman agad ang kamay ko ng makarinig ako ng bumukas na pinto. At hindi nga ako nagkamali dahil hindi 'yon kapatid ko kung hindi ang Tatay ko na kalalabas lang galing sa banyo. "Mamaya ka lang sa akin, dito ka matulog sa sahig ha." Sabi ko pa sa kanya bago umusog palayo.
"Wag ka ng sumilip-silip pa diyan Grace at baka makita ka pa ng Tatay mo." Sabi ng ina ni Grace na si Juliana, pumasok siya sa kuwarto ng kanyang anak para kausapin din sana ito. Pero heto nga at naabutan niya itong pasilip-silip sa pintuan at parang nakikinig sa nag-uusap sa sala nila.
"Bakit ba kasi kailangang wala pa ako doon Ma? Baka kasi anong gawin ni Tatay kay Sojiro." Nag-aalala kong sabi, oo na naiinis pa din ako. Pero siyempre ngayon lang nakilala ni Tatay si Sojiro at masama man isipin pero baka kasi may gawin siya sa boss ko.
"Kakausapin nga lang daw sabi ng Tatay mo diba?" At saka hinila ni Juliana ang anak. Pinaupo niya ito sa kama at saka siya tumayo sa harapan nito. "Mag-usap nga tayong bata ka, talaga bang asawa mo ang lalaki na 'yon ha? At siya ba talaga ang boss mo?"
Napakagat labi ako, nakaiwas-iwas nga sa sermon ng Tatay ko pero nandito pala si Mama na papalit sa kanya. At hindi na ako makakapag-sinungaling pa dahil sa lintek na Sensei ko na 'yon. "O-Opo Ma, totoo ang sinabi kanina ni Sojiro. H-Hindi ko lang talaga siya basta boss kung hindi k-kasal din kaming dalawa." At gaya ng inaasahan ko ay nakatikim nga talaga ako ng kurot mula sa kanya. Pino pa naman si Mama mangurot at talagang sa hita ko pa!
"E bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol dito ha? Kailan pa kayo kasal ng lalaking 'yon? Aba hindi 'yon Pilipino kahit pa marunong mag-tagalog hindi ba."
"Hindi niyo din naman din kasi ako papayagan kahit sabihin ko sa inyo ni Tatay eh." Sagot ko, sino ba namang matinong magulang ang papayag kung ang anak nila ay magpapakasal sa boss nito dahil pinakiusapan lang? Siyempre wala! At hindi gagawin ng magulang ko 'yon na oohan ang gusto ng boss ko.
Muli namang kinurot ni Juliana ang anak, siguradong anong oras na sila makakatulog nito na mag-asawa mamaya dahil mag-uusap pa sila tungkol sa anak nilang ito. "Pero hindi biro ang kasal Grace, narinig mo ang sinabi ng Tatay mo kanina hindi ba? Pero bakit mo ginawa? Saka mabuting tao ba 'yang lalaking 'yan? May pamilya ba 'yan? Kapatid? Baka naman kriminal 'yan at tinakot ka lang kaya pumayag ka." Sunod-sunod na litanya niya, hindi kasi talaga nila inaasahan ang sasabihin ng nagpakilalang asawa daw ng anak nila. Pero hindi naman ito mukhang nagbibiro at lalong hindi naman na din nito binawi ang sinabi. Kaya parang sigurado na din sila na mag-asawa kanina na baka totoo ngang asawa ng anak nila 'yon.
"Nay naman mukha bang kriminal 'yong pogi na 'yon? Hindi po kriminal si Sojiro at lalong hindi niya po ako tinakot kung 'yon ang iniisip niyo." Aba hindi naman talaga kriminal si Sensei no, kahit marami siyang tattoo hindi naman ibig sabihin no'n na masama siya.
"Talagang sumasagot ka pang bata ka eh, hala sige at malalagot ka pa din sa Tatay mo mamaya." Masungit na sabi ni Juliana, hindi man niya ito makausap ng maayos ngayon ay siguradong hindi pa din tapos ang asawa niya na kausapin ito mamaya.
