LAST CHAPTER

34.6K 407 36
                                        





Bern, Switzerland..

It's been 6 months since we arrived here in Switzerland. And were staying here for almost 6 months too, at kung kailan kami makakabalik sa Pilipinas ang hindi pa namin alam hanggang ngayon. The sheep placenta therapy of Sojiro is doing good, para pa ngang mas sumigla ang katawan niya dito kaysa noong nagpapa-stem therapy siya sa Japan.







At 'yong huling pagpapatingin namin sa nephrologist dito ay all goods naman na daw ang kidney niya at maski nga ito ay hindi makapaniwala na okay na ang kidney ni Sojiro base sa mga laboratories na ginawa. Kung may importante naman na dapat asikasuhin ay ako na lang ang gumagawa no'n, halimbawa may kailangan talagang ayusin sa Pilipinas o kaya sa Japan tungkol sa negosyo niya ay ako na lang ang umaayos at hindi na sumasama pa si Sojiro.







Living here in Switzerland is more expensive compared in Japan especially in Philippines, hindi makabili si Sojiro ng property dito katulad ng bahay kaya naman nagrerenta muna kami. And that cost hundred thousands of pesos! Pero sabi sa amin ng mga nakilala naming Pinoy dito ay posible naman daw magkaroon si Sojiro ng properties dito at 'yon nga ang inaayos namin. Pero hindi na siguro dito sa Bern kung hindi sa ibang city. Hindi talaga biro ang presyo dito sa Switzerland at talagang masasabi kong labanan ng pera, maski nga mineral water ay napakamahal. Kaya buti na lang talaga may pera si Sojiro na magpagamot dito, siyempre siya dahil hindi ko naman inaangkin 'yong pera niya kahit pa kasal kaming dalawa.







"I never thought we could have a lunch together like this.." Hindi maiwasang matuwa ni Sojiro habang nakatingin sa mga kasama niya ngayon dito sa dining area. Pero mas alam niya si Grace talaga ang masayang-masaya ngayon dahil nandito ang magulang nito kasama nila. Hindi lang 'yon dahil maski ang kanyang ama na si Futoshi ay nandito din, sabay-sabay ang mga ito dumating kagabi dito sa Swtizerland. Actually pinilit niya lang talaga magpunta ang ama dito, busy nga daw kasi ito sa grupo nito sa Japan but at least he really came here,







"Pero hindi pa tayo ayos na bata ka ha, kapag umayos na 'yong kalusugan mo pakakasalan mo pa din ang anak ko sa Pilipinas." Sabi naman ni Marcelo. Natawa na lang tuloy ang asawa niya at maging ang anak niyang si Grace. Alam niya na ang tungkol sa sakit nito at kung bakit nandito nga ang mga ito sa ibang bansa. Ayaw niya talaga sumama dito dahil unang-una ang layo-layo at ano bang malay niya kung anong gagawin nila ditong mag-asawa. But his daughter was so persistent, hindi talaga siya nito tinantanan para lang makapunta nga sila dito sa Switzerland. Kaya ano pa bang magagawa niya kung hindi sumama na lang din lalo na at kinuhaan na siya nito ng passport at saka plane ticket.







"Her father was right Sojiro, you need to marry his daughter again in the Philippines." Komento naman ng ama ni Sojiro na si Futoshi. Natural babae ang sa kanila at naiintindihan niya na ganito ang magulang ng manugang niya. Kahit siya naman ang nasa posisyon ng mga ito na hindi alam na nagpakasal ang anak ay talagang hihingi ng ganito. So he understand them, actually he's happy meeting Grace. Dahil dati ay sa kuwento niya lang naririnig ang tungkol dito pero ngayon ay nandito na siya at makakasama niya pa ang anak. He got worried also after knowing he's sick, kasi siya ay wala namang sakit katulad nito. Kaya ng ayain siya ng anak na si Sojiro na mag-bakasyon ng ilang araw dito sa Switzerland ay nag-oo siya agad.





Ngumiti ako, masarap nga sa pakiramdam ang ganito. Napapunta ko ang Mama at Papa ko dito sa Switzerland, and honestly this is their first trip abroad. This is Sojiro's idea, ito talaga ang nagsabi na papuntahin namin ang mga magulang namin dito kasi nga hindi pa namin alam kung kailan kami makakabalik sa Pilipinas. May last treatment pa kasi siya sa this weekend at 'yon talaga ang hinihintay namin. But looking at him now, I know mas okay na siya at mas makakasama ko talaga siya ng matagal. Mas maganda talaga ang sheep placenta injection, well siyempre hindi lang dahil 'yon doon. Talaga din kasing nakapag-pahinga si Sojiro habang nandito kami at kinausap ko talaga siya tungkol doon. Sabi ko kung didito muna kami ay dapat hindi lang 'yong doktor ang sundin niya kung hindi ang bilin ko na hindi muna niya iisipin ang tungkol sa mga negosyo niya habang nandito kami. At ang tanging iisipin niya lang ay ang pagpapagaling, buti nga din hindi na siya ulit nagkaroon ng temporary blindness. Hindi na naulit 'yong nangyari sa kanya sa Japan na talagang kinatakot ko.







My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon