CHAPTER 28

11.7K 242 2
                                    




Wala ng nagawa pa si Grace ng samahan talaga siya ni Sojiro umuwi sa kanilang bahay sa Pasig. At talagang habang nasa biyahe sila ay kinausap niya ito ng mabuti, hindi kasi alam ng pamilya niya ang tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa. At oras na malaman 'yon ng magulang niya ay tiyak na magugulat ang mga ito, baka nga makurot pa siya sa singit ng Mama niya. Kaya talagang ilang beses niyang inulit-ulit kay Sojiro ang mga dapat lang nitong isagot kapag tinatanong ito mamaya. 






"Did you understand me Sensei? Naku sinasabi ko lang sa 'yo ha, baka ipahamak mo ako." Pinasungit ko pa talaga ang itsura ko para alam niyang seryoso ako. Sabi ko naman sa kanya kanina ay hindi niya na ako kailangang samahan pa dahil magkikita din naman kami bukas sa opisina niya. Pero ang pogi hindi din talaga nagpaawat at talagang sinamahan ako.




"I know and I understood what you said Grace, you repeat it already countless times since we leave my house." Ani ni Sojiro, sasakyan nito ang sinakyan nila. It's a Toyota Vios, very girly at kayang-kaya talaga imaneho ni Grace ang sasakyan na binigay niya dito. 'Yon nga lang dahil matangkad siya ay hindi naiwasang mauntog-untog siya kanina dahil hindi naman pang-matangkad ang sasakyan na 'to. Still he's happy because finally he will meet her family today. 




Tiningnan ko siya, siguro mga limang bahay na lang ay bahay na namin. Alas kuwatro na ng hapon at nagsabi naman ako sa Mama ko na uuwi nga ako. Pero hindi ko sinabi siyempre na may kasama ako. At sigurado ako na magtataka din talaga sila mamaya, para ngang nagdadalawang-isip din ako na umuwi eh. Kung bumalik na lang kaya kami sa Tagaytay? "Kung umuwi ka na lang kaya? Ito na lang kotse ko ang gamitin mo pauwi." Suggestion ko sa kanya, baka kasi magulat ang mga magulang ko kapag nakita siya. Tapos malaman pa na boss ko siya, lalo na ang Tatay ko na isang retired na sundalo! Old school pa naman 'yon at mahirap mag-sinungaling sa kanya. 




"No I will not go home, beside wala naman akong gagawin sa bahay kaya nga sumama ako sa 'yo." Sagot ni Sojiro, gusto niya nga sumama dito para naman makarating siya sa bahay nito. At siyempre para na din makilala ang pamilya ni Grace, she's been working to him for how many years but he never meet anyone from her family. So maybe this is the right time. 




Napakamot na lang ako ng ulo, shemayyy mukhang hindi nga din talaga siya uuwi kahit ilang beses kong ipakiusap sa kanya. "Fine, pero 'yong mga bilin ko ha? Sinasabi ko lang sa 'yo Sojiro." I didn't called him Sensei because I want him to know that I'm serious. Ito lang din kasi ang unang beses na makakarating siya sa bahay namin at kailangan niya talagang umayos para maging goods kami sa tatay ko. 






"I know, I know, so come on let's go on your house." 






At muli ko lang pinaandar ang sasakyan, sana lang talaga ay walang mangyari na hindi maganda habang kasama ko siya at lalong habang nasa bahay siya. 






   "At saan naman matutulog 'yang boss mo Grace? Bakit pa kasi sumama-sama sa 'yo 'yan." Masungit na sabi ng ama ni Grace na si Marcelo, kaharap niya ang anak at pati na ang kasama nito na pinakilala nga sa kanilang mag-asawa na boss nga daw ng anak nila. Nakakapagtaka lang na sa tinagal-tagal ng anak niya na nagtatrabaho dito ay ngayon lang ito nagka-interes na pumunta sa kanila. 






"D-Dito po sa sala, dito po siya matutulog Papa." Mabilis pa sa alas kuwatro kong sagot, heto na nga ang sinasabi ko eh. Parang ayaw ni Papa na may kasama ako, o dahil feeling niya bad boy si Sensei dahil sa mga tattoo niya? Pero hindi naman salbahe si Sojiro, well sa kama siguro oo. 






Tiningnan muli ni Marcelo ang lalaking kaharap niya, simple lang ang suot nito pero malalaman mo talaga na may lahi dahil sa itsura. Singkit ang mata at matangos ang ilong, hindi man ito gano'n kaputi pero bagay naman sa kanya ang kulay nito. Matangkad din ito at maayos naman ang pananamit, nakasuot lang ito ng simpleng pantalon at t-shirt pero kita niya ang marami nitong tattoo sa braso na halos takpan na nga 'yon. "Hindi 'yan mukhang matutulog dito sa sala Grace, bakit mo pa kasi siya sinama? May relasyon ba kayong dalawa?"






"What he said?" Tanong ni Sojiro sa katabi, base sa itsura ng ama ni Grace ay alam niya na kung bakit takot ang asawa niya sa ama nito. Well talaga nga namang nakakatakot dahil sa itsura nito, malaki ang pangangatawan kahit pa sabihing may edad na. At sabi din sa kanya ni Grace ay retired nga daw itong sundalo kaya siguro ganito ito na parang napaka-seryoso sa buhay. Still wala naman siyang ginagawang masama kaya bakit parang hindi siya welcome sa bahay ng mga ito?




"Wala, tinatanong lang ni Papa kung kumain na ba tayo." Pag-sisinungaling ko, mamaya sabihin ko sa kanya kung ano talaga ang sinabi ni Papa tapos sagutin niya naman eh. Aba mahirap na ang gano'n no!




Tiningnan naman ni Sojiro ang asawa dahil parang hindi siya kumbinsido sa sagot nito sa kanya. Feeling niya ay hindi 'yon ang sinabi ng ama nito. Kaya naman tiningnan niya ang tatay ni Grace na wala pa din kabago-bago ang reaksyon ngayon. "Good afternoon po, again I am Sojiro Yamazaki and I'm also the boss of your daughter. I am a Japanese but I also have Filipino blood because of my mother who are half Spanish and half Filipino. I just went here with Grace because I want to meet her family." Magalang niyang sagot, he need to be nice because this is Grace family. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong ipakita ang totoong ikaw, may pagkakataon talaga na dapat nilulugar ang kilos mo. At ito ang oras na 'yon.






"Boss mo siya? Pero bakit kailangan niyang sumama pa dito Grace? At makikitulog pa talaga kamo." Sabi pa ni Marcelo, sa tanda niyang 'to ay marami na siyang alam sa buhay at alam niyang nagsisinungaling ang anak niya na hindi lang nito boss ang kasama nitong lalaki. 




"Galing nga po kasi siya sa Japan Tay tapos ng magpaalam ako sa kanya na uuwi nga muna ako dito sa bahay ay nagsabi siya sa akin kung puwede ba daw siyang sumama. At nagsabi ako ng oo kasi boss ko naman siya. Saka wala naman pong sigurong masama na isama ko siya dito dahil gusto lang naman niya kayo makilala." Paliwanag ko, Diyos ko ito po ang tinatawag na white lies ha. 




Tiningnan ulit ni Marcelo si Sojiro. "Totoo ba ang sinasabi ng anak ko? o baka may relasyon kayong dalawa ni Grace?" 




Sojiro understand it, he looked Grace that he knew is nervous now. Should he lie to her father or he should tell to this old man what really the score between them. He took a deep breathe before he hold the hand of Grace resting on her thighs. "Actually po, kasal na po kami ni Grace. she is already my wife and I'm already her husband."




Bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay ni Sojiro sa akin, lagot! Lord kunin niyo na po ako, now na! Dahil wala kaming narinig na kahit anong salita mula kay Papa kung hindi nakita na lang namin siyang binunot ang baril na nakalagay sa tagiliran niya. 

Merry Christmas na! Tumatanggap po ako ng pang-meryenda😆 thank you!
Gcash #: 09291421118


My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon