CHAPTER 38

9.1K 203 4
                                    




Five days, it's been five days already since Grace and Sojiro are here in Japan. Talagang sinikreto ni Sojiro ang mga lakad niya ng sumunod na mga araw mula sa kanyang asawa dahil ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa sakit niya. Agad siyang nagpa-schedule para sa stem cell therapy, dapat sana ay sa Singapore pero dahil nandito din naman na siya sa Japan ay dito na lang din niya pinagawa. Pero buti na lang at ang kaibigan niyang si Kasuki ay nagpunta dito, nasa Pilipinas kasi ito pero ng sabihin niya ang tungkol sa sakit niya ay nag-book din talaga ito ng flight papunta dito sa Japan para damayan siya. Even if he want to be tough right now he can't do that because he need someone to lean on.




"You've been away for 2 days, and you didn't answered her call too." Sabi ni Kasuki ng makita niyang hindi sagutin ng kaibigan ang tawag ni Grace dito. Parang simula kanina ay pang apat na beses na itong tinawagan ng sekretarya/asawa nito pero hindi naman nito sinasagot 'yon.




"I'm sure Grace will ask me where I am right now and why I didn't go home for two days. Anong gusto mong sabihin ko sa kanya? Nasa ospital ako dahil nag-start na akong magpa-stem cell theraphy kahapon dahil may sakit ako? I can't do that, she might skin me alive." Sabi ni Sojiro, he's guilty too. Ilang beses na siyang tinawagan ni Grace simula kahapon, at hindi niya 'yon sinasagot. At kapag hindi niya sinasagot ang tawag nito sa kanya ay mag-tetext naman ito sa kanya at tatanungin kung nasaan ba siya at kung bakit hindi siya umuuwi. At hindi din niya ito nirreplayan.






He got his first stem cell therapy yesterday and it came from on someone bone marrow then injected to him. He paid huge amount for this, but if this is the only way for him to feel better he is willing to do this too. He was injected on his spinal disk to treat his back pain and also the pain he feel on his tummy. Stem cell can be also inject everywhere in the body pero doon kasi siya ininject ng sa gano'n ay mas malaman kung mawawala ang pasumpong-sumpong na sakit na nararamdaman niya. And hopefully it will works to repair his damaged because of his Alport syndrome. Nakapagpa-check up na din siya sa ophthalmologist kahapon bago siya sumailalim sa therapy at kaya nga daw daw sumasakit ang mata niya kung minsan ay dahil din sa sakit niya.






"And you don't want to tell her about this? She need to know about your disease Sojiro." Sabi pa ni Kasuki, alam niya ang tungkol sa kasal ng dalawa. At lalong alam niya na nakipag-kasundo ang kaibigan niyang ito sa sekretarya nito para magkaanak. At lalong mas alam niya na nag-sinungaling ito, dahil ang pagkakaalam ni Grace ay ang ama ni Sojiro ang may gusto na magkaroon na ng anak at hindi siya mismo. At dahil madalas niyang makasama si Grae at maka-kuwentuhan ay alam niyang magagalit talaga ito kapag nalaman nito ang totoo.






Sojiro shook his head, akala niya pagkatapos niyang sumalang sa unang stem cell therapy niya kahapon ay makakauwi na siya. 'Yon pala ay hindi at kinailangan niyang dumito muna sa ospital para ma-monitor ng mga doktor. His nephrologist already visited him early this morning, and he was hopeful that he will be okay after his first treatment. Pero sinabihan naman siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga kahit dalawa o tatlong araw. Still he need to avoid strenuous activities like heavy exercise or lifting. He's been also applying ice pack on the part of his body that got injected. Pero ang pinaka-kailangan niya ay maging pasensyoso lalo pa at hindi naman daw agad makikita ang epekto ng pagpapa-stem cell theraphy niya. Sometimes it take 3 months up to a year to see improvement, pero 'yong sa kanya ay huwag naman sanang gano'n katagal dahil gusto niya din umuwi muna sila ni Grace sa Pilipinas. "Magagalit lang siya sa akin panigurado, saka ayokong isipin niya na nag-sinungaling ako sa kanya." Sabi niya sa kaibigan. 




Napailing naman si Kasuki. "And you think Grace will not get mad at you. You already lying to her Sojiro. And I think your being selfish." Sabi ni Kasuki, oo magkaibigan silang dalawa pero hindi biro itong pinasok ng kaibigan niya. At kapag hindi pa nito inayos ang tungkol dito ay siguradong mas malaking problema 'yon pag nagkataon. It surprised him knowing he's sick, pero hindi na sana nito dagdagan pa ng problema ang isang problema.






"Lalabas naman na ako ng ospital bukas at plano kong umuwi muna sa Pilipinas. My next therapy will be at the end of the month so.." Turan naman ni Sojiro, baka kasi sinasakal na siya ni Grace sa isip nito. At baka nga hindi lang sakal, kailangan niyang iuwi ito sa Pilipinas dahil hindi din siya nito titigilan sa kakareklamo. Hindi nito dapat mahalata kung ano bang nangyayari sa kanya. 




"It' up to you, but for me you better tell her immediately or else I'll be the one who will tell this to her." Ani ni Kasuki, hindi niya ito tinatakot pero kaya niyang gawin talaga ang sinabi. He can tell to Grace what happening to his friend so that she maybe can help him too.

My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon