HI! sa mga nag-order ng book ng M.A series hinihintay ko pa din po kasi hindi pa tapos at hindi pa daw tuyo yung pinaka gilid ng book. Mahirap po kasi kapag pinadala sa akin yon ng hindi maayos ang pagkakadikit, matatanggal po kasi ang cover.
Yon lang happy long weekend!
"Kutabere! You think I'm a fool to believe on your reasoning?" Galit na sabi ni Sojiro sa kanyang tauhan na isang hapon din. Ayaw pa naman niya ay 'yong nagtitiwala siya pagkatapos ay sasayangin lang ito. He trusted his men, but here what happened. May mga armas itong pinag-bili na hindi niya alam at hindi sinabi sa kanya. At milyon ang pina-uusapan dito at hindi basta pera lang kaya galit na galit siya.
"Gomen'nasai Sensei, gomen'nasai!" Turan ng lalaki na nakaluhod ngayon sa harapan ng kanyang boss na si Sojiro. Buong akala niya ay hindi nito mapapansin ang ginawa niya pero do'n siya nagkamali dahil may nagsumbong dito ng ginawa niya na isa din nitong tauhan. At nalaman tuloy nito na tinakbo niya ang pera na pinag-bentahan ng mga armas na kinuha niya kaya heto galit na galit ito sa kanya kaya naman kanina pa siya takot na takot.
Umiling si Sojiro, itong tauhan niya na 'to ay talagang nakapag-painit ng ulo niya. Buti sana kung may maganda-ganda itong dahilan para nakawan siya. Kung ginamit siguro nito sa magandang bagay ay baka pinatawad niya pa o kaya pinalampas niya. Kaso hindi, nalaman niya na lamang na pinang-bili pala nito ang pera ng drugs at doon siya lalong mas nagalit. Yes he do sometimes illegal but not drugs. Hindi niya kailangang mandamay ng buhay ng ibang tao na sisirain niya dahil hindi 'yon tama at lalong labag 'yon sa prinsipyo niya. Kaya nga mga baril lang ang binbenta niya, oo legal 'yon sa kung legal dahil lahat ay may mga papeles. Pero ang tintukoy niyang ilegal ay 'yong mga high-end na baril at iba pang armas na binebenta din niya. Those are not allowed to sell specially in the market dahil malalakas talaga ang mga armas na 'yon na puwedeng gamitin sa gyera.
"Shinee, anata ni wa ikiru kachi ga nai raibu." At saka hinila ni Sojiro ang espada na nasa ibabaw ng lamesa niya nakapatong at walang salita na bigla niya na lamang itong isinaksak sa nakaluhod niyang tauhan. Wala siyang sinasanto dahil oras na hayaan niya na lang ito sa ginawa nito o kaya ay patawarin na lang ay malamang sa malamang ay umulit pa ito. Or worse is gayahin ito ng iba niyang tauhan at natural ayaw niya 'yong mangyari. He value his work dahil literal na dugo at pawis niya ang naging puhunan sa kung anong mero'n siya ngayon. At ayaw niya siyempreng masayang lang 'yon dahil sa mga walang kwentang tao na nakapaligid sa kanya.
Tiningnan niya ang limang tauhan na naroon din sa silid, lahat ng mga ito ay pawang hapon at kasa-kasama niya saan man siya magpunta. "Kono konran o kaisho suru." Sabi niya at hinagis pa ang hawak na espada na puro dugo sa sahig, he speak to his men in Japanese because they can more understand it compare in English. At ang sinabi niya sa mga ito ay linisin ng mga ito ang kalat. At ang kalat na 'yon ay ang pinatay niyang tauhan.
Sinunod naman agad ng mga tauhan ni Sojiro ang pinag-utos niya, sa haba ng espada na ginamit nito ay talagang patay ka oras na masaksak ka no'n kahit isang beses lang. Sojiro is really good on using sword, hindi lang din ito ang unang beses na nakita nilang may pinatay ito. Pero ginagawa lang ni Sojiro 'yon sa mga taong hindi na nararapat pang mabuhay.
Sa bahay niya sa Tagaytay dumiretso si Sojiro pagkatapos niyang magpunta sa warehouse niya sa Laguna. Hindi lamang dito sa Pilipinas siya may warehouse ng mga armas na binebenta niya kung hindi mero'n din sa Espanya at Japan. Pero madalas ay dito siya nagpupunta dahil malapit lang ito sa Japan kung saan doon talaga siya naka-base.
"Saan ka galing? Akala ko ako na lang magdi-dinner mag-isa eh." Nakangiti kong sabi ng makita ko si Sojiro. Oo nandito din ako sa bahay niya pero nandito lang ako kapag nandito din siya sa Pilipinas. Mero'n akong bahay kung saan nandoon ang mga magulang ko at dalawang kapatid.
"Why? Did you missed me Grace?" Tanong ni Sojiro na naupo na sa upuan, malakas talaga makaiba ng mood itong asawa/secretary niya. At para ngang wala siyang hindi magandang ginawa kanina dahil iba na naman ang mood niya ngayon. He's happy seeing her wearing an apron, para itong isang mabuting may-bahay.
Sumimangot ako, okay na sana eh. Kaso bumanat pa talaga ng gano'n. "Hindi kita namiss no ang akin lang sayang naman 'tong niluto ko kung hindi mo matitikman." Ako kasi ang nagluluto ng pagkain niya lalo na kung nandito siya sa bahay niya sa Tagaytay. HIndi lang yata ako basta secretary niya sa opisina niya o kaya naman asawa niya sa papel kung hindi kusinera at yaya pa ng poging hapon na 'to. Pero willing akong magpa-alila sa kanya lalo pa at malaki ang sinasahod ko sa kanya.
Natakam naman si Sojiro sa nakitang pagkain na nakahain sa lamesa, he saw beef with broccoli and fried tofu plus the black rice he prefer to eat every time he's having his meal. At parang nagutom siya lalo pa at alam niyang masarap magluto si Grace. "This looks yummy, arigato Grace." Pasasalamat niya dito.
Hindi ko na siya pinag-sandok pa dahil alam kong kaya naman niya na 'yon. Simpleng thank you lang okay na ako eh, kaya naupo na din ako sa tabi niya at nag-sandok ng para sa akin. "Saan ka nga galing? Wala ka namang ginawang masama no?"
He smirked and shook his head. Inayos din ni Sojiro ang pagkakatupi ng manggas ng suot niyang long sleeve. Masyadong malakas ang radar nitong si Grace at ewan niya kapag nanghuhula ito ay tumatama din talaga palagi. "Why? Galing lang ako sa warehouse ko sa Laguna." Sagot naman niya at nag-umpisa na din kumain. He was right, masarap nga talaga ang niluto nitong beef brocolli kaya ganado siyang kumain nito.
"At anong ginawa mo do'n? Baka mamaya kung ano na 'yan ha. Sinasabi ko lang talaga sa 'yo."
"Matanda na ko para magpaalam pa kung anong gagawin ko. Ang isipin mo ay 'yong pagpunta natin sa Finland ngayong Miyerkules." Ani ni Sojiro, Grace already booked a flight going to Finland. At pagkagaling na lang nila do'n ay saka siya tutuloy sa Japan.
"Nakapag-impake na ko ng gamit ko Sensei." Oo kinakabahan ako dahil kahit normal kaming mag-usap na dalawa katulad ngayon ay naiisip ko pa din kung ano ba ang gagawin namin sa Finland. At 'yon ang mas nakakakaba! "Ang tanong ikaw ba ay handa na? Baka mamaya mahina na ang tuhod mo ha." Kunwaring pang-aasar ko sa kanya.Ipinatong sandali ni Sojiro ang chopstick sa plato niya at saka tiningnan si Grace. Sa pagkakasabi nito no'n ay para bang hinahamon siya at siyempre hindi siya magpapatalo dito. "I am always ready Grace, ang tanong ay kung kakayanin mo ba ako? My size is xl and I know it will tear you apart for sure."
At talaga nga naman oo. "Shut up! Kumain na nga tayo!" Sabi ko na lang dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niyang xl at 'yon ang ano niya!
