Happy new year sa inyong lahat!
May available po akong copy ng M.V series 01 to 04 and book set ng M.A series. Dm me on my fb page sa gustong mag avail!"I'm on the side of her father Sojiro, Grace father will really got mad after knowing his daughter got married without their permission." Kasuki told his friend while their drinking on a bar here in Tagaytay. Siya kasi ang mas naka-base dito sa Pilipinas kaya ng sabihin nito na didito nga muna ay talagang natuwa siya at pinuntahan niya din ito kaagad.
"I know, that's why I understand him too. Naintindihan ko na nagalit siya sa akin, but luckily hindi naman niya ako binaril o kaya naman sinuntok." Kuwento ni Sojiro, kahapon sila bumalik sa bahay niya dito sa Tagaytay at si Grace naman ay bumalik na ulit sa trabaho kanina. Yes she got mad at him of course but at least her family knew about their marriage already. Pero kanina ay hindi siya kinikibo nito, well kahapon pa talaga pagdating nila sa bahay niya. It was like a silent treatment because of what he did. Pero mamaya pag-uwi niya ay kakausapin na niya ito.
"And what's your plan now? Are you really marrying you're secretary?" Tanong ulit ni Kasuki.
Sojiro nodded, 'yon ang gusto ng ama ni Grace na gawin nila. Hinanapan pa nga siya nito ng katunayan na kasal talaga sila ng anak nito. At buti na lang mero'n siyang kopya ng kasal nilang dalawa noon sa Japan kahit kuha lang ng marriage contract nila sa cellphone niya. And her father was convince that his daughter is really married to him after he showed that to him. "Yes of course, papakasalan ko talaga siya, you know me. I am a man of my word at kapag may sinabi ako ay ginagawa ko talaga."
"Alam ko, but remember Philippines have no divorce Sojiro, at ang tanging mero'n lang dito ay annulment. So paano 'yon sisige ka talaga na pakasalan siya ulit dito kahit kasal naman na kayo sa Japan na dalawa?"
Ininom muna ni Sojiro ang hawak niyang alak bago siya nagsalita. Alam niya siyempre ang tungkol doon. Philippines and Vatican is the only country in the world without a divorce. At wala siyang pakialam pa doon dahil kahit anong mangyari ay pakakasalan niya pa din talaga si Grace dito sa Pilipinas gaya ng gusto ng ama nito. Nandoon na siya sa matapang kung matapang ang ama ni Grace pero kung ilalagay din niya ang sarili sa sitwasyon nito ay tiyak din naman talagang magagalit siya sa ginawa niya. Iba ang kultura dito sa Pilipinas sa kulturang kinalakihan niya sa Japan at pakiramdam niya ay mas matatag ang samahan ng pamilya dito kung tutuusin kaya dapat niyang irespeto ang tungkol doon. Beside Grace will bear his child, at sino siya para hindi ito pakasalan diba? "I will still marry her, hindi pa kami nakakapag-usap tungkol doon ni Grace pero sisiguraduhin kong mangyayari 'yon sa madaling panahon."
Gaya ng dati ay sa Tagaytay umuwi ng araw na 'yon si Grace. Pagod siya sa trabaho dahil natambak nga ang mga gagawin niya sa opisina sa ilang araw na hindi pagpasok simula no'ng weekend. Pero hindi siya nag-overtime at talagang alas singko pa lang ng hapon ay umalis na din siya sa kompanya ng magaling na si Sojiro Yamazaki. Hindi niya pa nga ito nadatnan sa bahay nito pero ang kalahati ng mga tauhan nito ay nandoon naman kaya sabi niya sa sarili ay makakapag-pahinga siya ngayong gabi ng maayos dahil hindi niya alam kung uuwi ba ito o hindi.
Napatili ako ng may anino akong nakita pagdilat ko ng mata ko, pero nawala din ang kaba na nararamdaman ko ng makilala ko kung sino itong taong ito. My God, buti na lang talaga at bata pa ako at walang sakit sa puso.
"Papatayin mo pa yata ako sa takot eh, ano 'yon?" Inaantok na tanong ko kay Sensei matapos kong umupo sa kama. Nagising ako kasi may kumakalabit sa akin, at napatili ako kasi naalimpungatan ako at nakita ko nga siya.
"Why you're here on your room? Doon tayo sa kuwarto ko Grace." At talagang inabot pa ni Sojiro ang kaliwa niyang kamay dito. Pasado alas dose na ng gabi at oo naparami ang inom niya kasama ang kaibigan niyang si Kasuki. But at least nakauwi pa din siya dito sa bahay niya ng buo.
Lasing ang loko, naghalo na 'yong amoy alak niya at mismong pabango niya. Akala ko pa naman bukas pa siya uuwi pero umuwi pa din naman kaso lasing nga. "Dito na lang ako sa kuwarto ko matutulog, kumain ka na ba? O gusto mong pag-hainan pa kita?"
"Hindi ako gutom, pero do'n na tayo sa kuwarto ko Grace." Sabi pa ulit ni Sojiro, doon na nga siya kanina dumiretso pag-akyat niya dito sa second floor ng bahay pero ng hindi niya naman ito makita ay pinuntahan niya ito sa katabing silid at tama nga siya. Dito ito natulog at hindi do'n sa kabila.
"Ayoko, nandito na ako eh. Kung hindi ka naman pala kakain do'n ka na sa kuwarto mo dahil inaantok pa ako." Sabi ko naman, saka NO SEX muna kami no. Naiinis pa din ako sa kanya no, tumawag pa nga kanina si Mama sa akin no'ng nasa trabaho ako para tanungin ulit ng mga naitanong naman na nila sa akin. At tungkol sa pagkakaalam ng pamilya ko sa kasal naming dalawa ni Sensei ay hindi pa namin napapag-usapan na dalawa kung anong gagawin namin lalo pa at nagde-demand ng kasal si Tatay sa kanya. Saka na siguro kapag hindi na ako naiinis sa kanya.
"Fine kung ayaw mo doon sa kuwarto ko dito na lang ako matutulog sa kuwarto mo." At dahil wala naman ng suot na sapatos si Sojiro ay 'yong damit na lang niyang pang-itaas ang hinubad niya bago sumampa sa kama nito.
"H-Hoy teka, anong dito ka matutulog? Hindi tayo kakasya sa kama ko!"