CHAPTER 06

9.5K 232 4
                                    

  



Lapland Finland..



There's no word could describe how beautiful Lapland is, nakatulog naman ako ng maayos buong gabi sa tren pero ewan ko lang kung gano'n din si Sojiro na gising na pagka-gising ko kanina. Lagpas alas sais ng umaga kami nakarating dito at parang kahit kabababa pa lang namin sa tren ay mapu-full na ang memory card ng camera ko dahil sige ako sa pag-picture sa paligid. It's looks so magical, really a winter wilderness everywhere. And now I realize kung bakit naging pangarap ko mapuntahan ang lugar na 'to at 'yon ay dahil napakaganda pala talaga sa personal. Madalas ko kasi itong nakikita sa mga social media platform pero heto ako ngayon at nandito na talaga. This place is really underpopulated area with stunningly beautiful sights you won't find anywhere else. Nakapunta na ako sa Japan dahil kay Sensei at maging sa America at Spain dahil din sa kanya pero akala maganda na ang tatlong bansa na 'yon na napuntahan ko pero hindi pala dahil mas maganda pala talaga dito sa Finland. At kung patitirahin talaga ako dito ay talagang titira ako kahit nanginginig na ako sa lamig. 




"You look so mesmerize, mero'n din namang snow no'ng nagpunta tayo sa Japan ah." Komento ni Sojiro habang nakatingin kay Grace, kulang na lang kasi ay mapanganga ito sa ganda ng lugar na pinuntahan nila. And yes this is his first time too to be here, and all he can say is the place is so unbelievable. At kung bata siya siguro ay mapapaniwala din siya na dito talaga nakatira si Santa Clause dahil may mga reindeer silang nakita kanina habang papunta dito sa cabin nila.





"Kulang ang salitang mesmerize para i-explain ang nararamdaman ko ngayon Sensei, dahil parang hindi pa din ako makapaniwala na nandito na talaga tayo." Sabi ko pa, November pa lang pero feeling ko ay pasko na dito dahil kahit saan ka tumingin ay puro snow ang makikita mo. Saka ito talaga 'yong totoong Christmas feels na gusto ko ma-experience. Ang aesthetic ng lugar at iisipin mo din na baka greenscreen lang dahil parang hindi totoo ang paligid. 





"But this is real, nandito na talaga tayo sa gusto mong puntahan Grace." Sabi ni Sijiro na kinurot pa ang namumulang pisngi nito. Mas balot na balot ito kaysa sa kanya, dahil sa Japan siya lumaki ay sanay siya sa malamig na klima at lalong sanay siya kapag ganitong may snow. Still it's more colder here compare to his birth country. At kung nakakaramdam siya sa lagay na 'to ng lamig ay paano na lang si Grace na hindi sanay sa ganitong panahon.





Hinawakan ko ang pisngi ko na kinurot niya at saka siya sinamaan ng tingin. Nasa loob na ng cabin ang mga gamit namin. At dahil may kasama nga kami na tauhan niya ay magkaiba siyempre kami ng tutuluyan at 'yong katapat na cabin ang sa kanila na buti nga ay na-book din nila. Hindi ko pa naaayos ang mga gamit namin dahil lumabas agad ako ng cabin para tumingin-tingin dito sa labas. "Pati 'yong cabin natin ang ganda-ganda." Napalabi ako na sabi sa kanya, ang ganda naman kasi talaga kasi gawa siya sa kahoy at bricks. Kumpleto din pala ng gamit at naka heather ang buong bahay kaya pala ang mahal kada gabi dito. Tapos ang dami pang ganito na cabin dito kasi nga Christmas village nga ang theme at hindi lang kami ang turista kung hindi mero'n din iba kaming nakikita na naglalakad sa labas. 





"But this is real Grace, nandito na talaga tayo kahit napakalayo ng lugar na 'to." Hirit pa ni Sojiro na pumuwesto sa may bandang likuran ni Grace. Nakita niya kasi na nangininginig ang kamay nito habang yakap-yakap ang sarili at kahit pa mero'n naman itong gloves na suot. She's not used on this kind of weather dahil nga tropical country naman ang Pilipinas. 





"S-Sojiro.." Nilingon ko siya pero parang wala siyang pakialam at talagang niyakap pa ang kamay sa akin. "U-Uy ano ba?" Sabi ko habang inaalis ang kamay niya sa may beywang ko pero mas lalo niya lang din akong niyakap. 





"Stay sill I know you feel cold so I'm here to make you feel warm." He whispered it to her ear, kung noong una ay hindi niya malaman kung bakit nito gusto magpunta dito dahil unang-una ay malayo talaga ang biyahe. But seeing her looks so happy and mesmerize on the place he fully understood now. Dahil parang isang bata na Grace ang nakikita niya habang pinagmamasdan niya ito kanina na dinala mo sa magandang lugar. And he can't wait to see her if they see the Northern lights dahil siguradong mas mapapatulala ito kapag 'yon na ang nakita nito. 





Bigla akong nailang dahil kapag humihinga si Sensei ay ramdam ko 'yon sa may batok ko kahit pa fully cover na ako at may takip din ang batok ko. Pero dapat na yata ako na masanay na magkadikit kami kasi hindi lang naman ganito ang magiging puwesto namin diba. 







"I know this place looks good but don't forget why were here Grace." Sabi pa ni Sojiro na para bang pinapaalala dito kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila nandito sa lugar na 'to. 





Mas lalo lamang akong kinabahan sa kanya pero siyempre gaya ng sabi ko hindi niya dapat malaman na kinakabahan ako. "H-Hindi ko naman nakakalimutan ang tungkol do'n no." Napatingin ako sa kamay niya na nasa may tiyan ko, never niya 'tong ginawa at subukan niya lang din talaga kung hindi lagot siya sa akin. Pero ngayon heto ako at parang hindi makapalag sa pagyakap niya sa akin. Wala siyang suot na gloves at para ngang ako lang ang lamigin sa aming dalawa eh. 





"Totemoyoi, because were in perfect place now to have our honeymoon." Sojiro said again. His mind is now thinking of taking her. Kung paano niya ito aangkinin dahil sisiguraduhin niya na mamayang gabi ay may mangyayari na sa kanilang dalawa. 

My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon