CHAPTER 40

9.4K 241 8
                                    



It's been 3 days since Sojiro told me what is happening to me. And honestly, until now I can't figure out why all of this is happening. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya, pero totoo talaga. Totoong may sakit siya at 'yon siguro ang hindi ko pa ma-process. Kasi ang dami namang ibang masasamang tao na puwedeng dapuan ng sakit na 'yon kung tutuusin, pero siya pa ang nagkaroon. Alport syndrome is a rare inherited disorder that damages the tiny blood vessels in the kidney. At kung hindi man ang magulang niya ang mero'n nito ay baka ang ibang kamag-anak niya naman ang mero'n.






Pero maliban doon ay inamin na din sa akin ni Sojiro ang totoo, na hindi talaga ang ama niya ang may gusto na magkaroon na siya ng anak kung hindi siya mismo. And it made me feel bad actually, dahil panibagong pagsisinunangaling ang ginawa niyang 'yon sa akin. But what more important now is Sojiro to be okay, sabi ko sa nga sa kanya ay isasantabi ko muna ang lahat ng inis, pagka-pikon at galit ko sa kanya ngayon. At saka ko na lang siya aawayin kapag magaling na siya. 







But Grace didn't know how to react when she reached his home; she was going home to Tagaytay because her boss/husband was here in the Philippines.





"Hey, hey what you're doing? Ano 'to? Anong ginagawa mo?" Agad ko siyang nilapitan dahil naglalakad siya sa loob ng bahay niya na may nakatakip na tela sa mata niya. 





"Nandiyan ka na pala, don't mind me. I'm just practicing." Sabi naman ni Sojiro na paunti-unting naglalakad habang naka-piring ang mata. Sinasanay niya ang sarili na gumalaw at kumilos ng naka-ganito. Hindi niya kasi mapipigilan na mabulag siya kung sakali dahil sa sakit niya. Kaya kailangan niyang maging handa.




Napamaang na lang ako, ito ba ang ginagawa niya kapag wala pa ako? Tiningnan ko ang tatlong tauhan niyang nandito din at sinabihan ang mga 'yon na lumabas muna. 





"Hey bakit mo sila pinalabas? I need them to watch me Grace." Ani ni Sojiro ng tanggalin niya ang piring sa kanyang mata. But he was frozen by the way she was staring at him now. 'Yong tingin na alam niyang galit ito at hindi ito natutuwa.





"I can't understand you anymore Sensei, oo hindi tayo nag-uusap na dalawa simula no'ng sabihin mo sa akin ang tungkol sa sakit mo but it doesn't mean okay lang sa akin 'yon at wala akong pakialam do'n." Sabi ko sa kanya, hindi talaga kami nag-uusap kahit pa sabihing sa kuwarto niya ako natutulog pag gabi. Ayoko kasing may hindi magandang salita ang lumabas sa bibig ko, ayokong sumbatan siya kasi alam ko at nararamdaman ko na kahit hindi niya sabihin sa akin ay nahihirapan din siya. 





"And what your trying to say to me Grace? I told you I'm practicing to walk."





Pagak akong natawa sa sinabi niya, ang sarap niyang awayin sa totoo lang. "Nagpa-practice ng nakatakip ang mata mo gano'n ba? Bakit tanggap mo na ba na mabubulag ka? Na wala kang gagawin kasi anytime puwedeng mangyari 'yon? Pwes ako na ang nagsasabi na hindi ako natutuwa sa ginagawa mo."








"I'm just preparing myself, Grace, and if you're not happy seeing me like this, the door is open for you to leave." Seryosong sabi ni Sojiro na hindi inalis ang tingin sa kaharap.





The door is open for me to leave? Wow talaga naman oo! Inilang hakbang ko nga ang pagitan namin at walang sabi-sabi na sinampal ko siya. "Ano 'yon gano'n-gano'n na lang ha? Aba let me remind you Sojiro you dragged me on this kind of situation. Kaya hindi puwedeng kapag ayaw mo na ay bigla mo na lang ako paaalisin sa buhay mo." 





Hindi naman ininda ni Sojiro ang pagkaka-sampal sa kanya ni Grace. Dahil tama ito, he brought her into this situation. Pero hindi naman din niya alam na magkakaganito, diba? He just wants a child so he knows someone can get his inheritance if ever he passes away. "I don't want to burden you anymore, and I'm saying sorry again for bringing you into this situation, Grace. I know and I understand that you are mad at me. And you have the right to feel that, but I don't want to burden you. Ayokong maging pabigat sa 'yo."





So pinapaalis niya ba talaga ako sa buhay niya gano'n ba? "And what if I am pregnant now? So paano ang magiging anak natin kung buntis na ako? Ano 'yon ako lang ang magpapalaki sa kanya gano'n ba?" I still don't know if I'm pregnant or what, pero kasi sa dalas naming mag-sex baka nga may laman na ang tiyan ko. At natural hindi puwedeng pabayaan niya ako ng gano'n na lang. My parents will get furious, at siguradong hahanapin siya lalo ng tatay ko. 





"I still support you if that's happens. Isa pa hindi naman ako sisira sa pinag-usapan natin. I will still give you the money we talk." Turan ni Sojiro. 





Doon na hindi na hindi napigilan ni Grace ang mapaiyak, dahil akala yata ni Sojiro ay 'yong tungkol pa din sa pera na pinag-usapan nila ang iniisip niya. Pero hindi, hindi na tungkol doon pa. 



"W-Why you want me to leave you? G-Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Na iiwan ka na lang basta at feeling mo 'yong pera pa din ang iniisip ko? I mean. I thought the wedding we had would be normal like others after we had sex multiple times. "Akala ko totoohanin na natin ang kasal at 'yong pagiging mag-asawa natin, pero bakit sa pagkakaintindi ko sa mga salitang sinasabi mo ay hindi pala gano'n?"





"Because that's the right thing to do, Grace, I don't want you to pity me. I don't want to burden you, because honestly, I'm starting to hate myself. But I'm trying; I-I'm trying my best to be okay b-because of you. Because you were right, we don't know if you're already pregnant or not. And if that happens, I'll be the happiest person because I want to have my own child, Grace. That's why I'm having stem cell therapy because I want to be okay; I want to be back in shape. And I want to be on your side if I ever get you pregnant. Pero hindi ko mapipigilan kung sakaling mawala ang paningin ko o ako mismo. Kaya ginagawa ko 'to." Itinaas pa ni Sojiro ang telang ginamit niya pantakip sa mata niya kanina. "You think I'm happy doing this? Well, I'm not; hindi ako masaya na ginagawa 'to, but I want to be ready. Because if I ever lose my vision, at least I can still survive by myself."




At doon ko naramdaman na may parte din pala na mahina siya, he's still trying to act strong even if he feels helpless too. And I know he doesn't want me to feel upset and worried about him. Pero paano ko magagawa 'yon kung pati ako mismo ay nasasaktan sa nakikita kong ginagawa niya? I wiped my tears and looked at him, hindi ako sigurado kung nagpipigil ba siya ng luha pero alam kong gusto niya ring umiyak katulad ko.




"You don't need to fight this alone, Sojiro. If you lose your sight, I'll be your eyes. Ako ang magiging mata mo kung sakaling mabulag ka. Kasi hindi naman kita iiwan eh, hindi mo na lang ako basta sekretarya dahil asawa mo din ako, kaya sana wag mong kalimutan ang tungkol doon."




He wiped her tears; he's getting emotional too. Pero ayaw niyang ipakita kay Grace na mahina siya. He's doing this because after his consultation with the ophthalmologist in Singapore, the doctor said there's a 100% chance that he might really lose his sight. Puwedeng mawala ang paningin niya, at puwede 'yong maging pansamantala o pang-matagalan dahil na rin sa sakit niya. At natural, ayaw niyang maging pabigat kaya pinapa-practice niya ang sarili niya na kumilos na naka-piring ang mata at isipin na wala na nga siyang nakikita kung hindi dilim. If Grace doesn't care about him, she can surely make him feel unwanted, and she might leave him after hearing about his disease. But she's really the right person; dahil kung ibang tao siguro ito, ay malamang na layasan na siya. There will be a moment when life turns itself completely upside down and nothing makes sense anymore, especially in your life. But there will be one person who will lift you up, and that's her—his Grace.
"So, are you saying to me that you're not going to leave me even if I lied to you and I'm sick?" he asked her.






"We both don't know what tomorrow will bring us, and the only thing we have is right now. Your clock is still ticking, so don't lose hope. Because I will not leave you; hindi kita iiwan, Sensei, kahit paalisin mo pa ako."


My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon