"What? Hindi mo ba ako kakausapin Grace?" Tanong ni Sojiro sa asawa na nakaupo sa harapan niya. She really prepared a late dinner for him, and he like this. Gustong-gusto niya ang pagiging maasikaso nito kahit sa labas ng opisina niya o labas pa ng trabaho. Natural ang pagiging maalaga nito sa kanya kaya nga siguro hanggang ngayon ay sekretarya niya pa din ito. At siguro nga kung tototohanin lang nila ang kung ano mang relasyon mero'n sila ay magiging maganda 'yon dahil sa ugali nito.
Hindi ako umimik, paano akong iimik kung naalala ko lang na hinalikan niya ako kanina? Magnanakaw! Tama, isang magnanakaw ang Sojiro Yamazaki na 'to, magnanakaw ng halik! At hindi man lang din talaga ako kanina nakapalag. At talagang tinugon ko pa! Diyos ko baka kung anu-ano na naman ang iniisip niya tungkol sa akin, baka isipin niya pa na nag-aabang ako sa pag-uwi niya. Pwes, hindi 'yon gano'n no, hindi ko siya hinihintay.
"Is this about the kissed? What's wrong on kissing you? You're my wife so wala naman sigurong masama kung halikan ko ang asawa ko."
At talagang sinabi pa nga! Oo na, asawa na kung asawa pero kasi hindi naman kami ganito dati kaya natural lang na mailang ako at manibago. Mas gusto ko pa nga 'yong nagsusungit siya sa akin kaysa ganito na bigla ka na lang niyang hahaklitin at hahalikan. Siguro sa iba nakakakilig 'yon pero sa akin kasi nakakakilig at nakakakaba! Feeling ko nga tuloy magkakaroon ako ng sakit sa puso in the long run dahil sa kanya eh. Saka talagang bago ang lahat ng 'to sa akin, dahil hindi naman ganito ang samahan namin dati.
Nginuya muna ni Sojiro ang pagkain na nasa bibig niya bago siya nagsalita. Masarap talaga magluto si Grace, kahit simpleng adobo na may itlog ay talaga nga namang malinamnam. At oo may pagka-mapili din siya sa pagkain pero pag si Grace na ang naghain ay parang kahit ano kakainin niya. "Kailangan mo ng masanay Grace, you don't need to be nervous if I am around." Sabi niya dito, totoo naman ang sinabi niya. Hindi nito kailangang kabahan kapag nasa paligid siya nito. At lalong kailangang masanay ito na ang turingan nila ay mag-asawa at hindi na lang basta boss secretary. Dahil magkakaanak sila, magkakaroon sila ng anak kaya dapat maging komportable ito sa kanya sa lahat ng pagkakataon.
Humikab ako kunwari, anong oras na din naman kaya maniniwala naman siguro ang poging hapon na 'to na inaantok na ako. "I'm sleepy Sensei, matutulog na ako. Do'n ka na lang sa kuwarto mo ha, malinis naman 'yon at kakapalit lang din ng bedsheet no'n no'ng nakaraan." Sabi ko sa kanya, sana hindi niya mapansin na nagdadahilan lang ako at gusto ko lang talaga umiwas sa kanya. Kasi baka humaba pa ang usapan at kung ano pa ang sabihin niya sa akin.
Ipinatong na ni Sojiro ang ginamit na chopstick sa plato niya at saka tiningnan si Grace. "You're lying, alam kong hindi ka pa matutulog at lalong hindi ka pa inaantok. Gusto mo lang ako iwasan." Hindi 'yon panghuhula kung hindi sigurado siya sa sinabing 'yon.
Tinaasan ko siya ng kilay, papalakpak na ba ako? Ang galing talaga ng poging hapon na 'to eh. Talagang alam kung ano ang iniisip ko. Pero dapat panindigan ko ang kung anong pinapakita ko sa kanya. "Inaantok na talaga ako promise." Sabi ko pa ulit at naghikab ulit para kunwari talagang inaantok na.
"Nahhh, I knew you Grace, umayos ka nga." Ani ni Sojiro at tumayo na mula sa kinakaupuan. Inilagay niya ang pinagkainan na plato sa automatic dishwasher na siya lang naman ang gumagamit dito sa bahay niya. Mas gusto ni Grace na hand wash kapag maghuhugas ito ng plato kahit sabi niya ay itong automatic dishwasher ang gamitin nito dahil ganito ang ginagamit nila sa Japan at galing din itong Japan. Pagkatapos ay saka niya na ito binalingan dahil sigurado siyang iniiwasan lang siya nito. "So were going to sleep on the same room tonight, do'n ka sa kuwarto ko matutulog ngayon and you can't say no to me." Sabi niya agad, paano kasi sila nito makakabuo kung iiwasan siya nito at magkaibang kuwarto ang tutulugan nila?
Ako naman ang napatayo, heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi puwede no! Ano ko bale? Baka mamaya may gawin siya sa akin tapos hindi ako makapalag, aba mahirap na. "Your tired and of course you need to rest, 'yong rest na maayos. So goodnight na and matulog ka ng mahimbing Sensei." Nginitian ko pa siya at naglakad na, pero ng lalagpasan ko na siya ay bigla na naman niya ako hinawakan. "Sojiro!"
"I like it when you call my name, mas maganda pakinggan kapag pangalan ko ang tawag mo sa akin at hindi Sensei."
"T-Tumigil ka nga, a-alam ko ang naiisip mo okay." Sabi ko agad kasi alam ko naman talaga at hulang-hula ko ang naiisip ng poging hapon na 'to. At 'yon ay ang sex! Tama, 'yon talaga ang nasa isip niya, at oo wala na akong period ngayon pero hindi pa ako prepare sa gusto niyang mangyari. Parang hindi pa ako ready na ma-meet ulit 'yong mahaba at mataba niyang samurai, at parang hindi pa ako ready na ipapasok niya sa akin 'yon, na tatagain niya ako gamit ng samurai niya.
Tinusok naman ni Sojiro ang sentido ni Grace, ang kulit talaga nito. Akala yata may gagawin siyang masama. "At ano naman 'yon aber? Gusto ko lang matulog wala ng iba pa." Sabi niya dito, dahil 'yon din naman ang totoo. He just want to rest tonight because of those sleepless night happened to him when he was in Japan. "Hindi kita aayain na mag-sex tayo kung 'yon ang iniisip mo pero kung gusto mo naman puwede din.' At sinabayan niya pa talaga ng ngiti sa huli.
Hinampas ko nga siya, walang boss boss ngayon dahil wala naman kami sa trabaho, "Siguraduhin mo lang na tulog lang talaga, dahil lagot ka sa akin kapag ginawan mo ako ng hindi maganda." Medyo sinungitan ko na ang boses ko para alam niyang seryoso ako.
"Hai, hai Grace.. Promise we will only sleep because I'm tired too. But if you want you can moan my name while I'm romancing you." Pang-aasar niya pa dito bago ito hinila paakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya.
Hi! All of my vip story is 50% this whole month of December. Grab this chance and read some of my makukulit na story.