CHAPTER 05

9.3K 192 2
                                    







Hindi ko alam na maliban sa amin ni Sojiro ay pinauna niya na pala sa Finland ang tatlo niyang tauhan. At kung paano nangyari 'yon ay kanina niya lang kinuwento sa akin pag-lapag ng eroplano sa airport dahil nandoon na 'yong tatlo na tatlong oras din nauna sa amin. It took almost 22 hours flight just to be here from Philippines dahil nagkaroon pa kami ng lay-over. At shemayyy nangawit na talaga ang puwet ko sa pag-upo. Pero dahil ako ang pasimuno ng trip naming 'to ay hindi ko pinahalata kay Sojiro 'yon. Sa Helsinki airport kami bumaba at siyempre dahil handa ako sa lakad naming 'to ay medyo hindi ko agad ininda ang lamig dahil nga winter season dito ngayon at talagang naka-winter din akong damit. At mula sa airport ay hindi pa nagtatapos ang biyahe namin dahil mula doon hanggang sa Santa Clause village kung saan ako nag-book ay lagpas siyam na oras pa ang layo! Yes nakapag-book na din ako ng train online kaya naman sumakay na lang din kami agad dito kanina. At grabe wala akong masabi sa tren nila dito kaysa sa atin sa Pilipinas, sa kalinisan pa lang talong-talo na tayo. 









The train here is not a simple train or 'yong kagaya ng MRT at LRT sa atin kung hindi bullet train kaya mabilis ang andar. Saka very spacious at talagang pang-turista nga yata kasi halatado naman kanina na iba-ibang lahi ang nakasabay namin pagsakay dito.



"I can't say anything Grace, ikaw ang may pasimuno nitong lakad na 'to kaya wag kang magrereklamo." Ani ni Sojiro na napapailing na lang sa itsura ng kuwarto nila dito sa loob ng tren. Grace booked a first class room on this Santa train, and yes it's not spacious like what expected. O siya lang ang naliliitan sa kuwarto na 'to? Ganito din kasi ang mga bullet train sa Japan at natural na madalas siyang makasakay noon sa ganito lalo pa no'ng estudyante siya. 







Napa-labi ako, paano double deck itong first class na room na nakuha ko at lahat naman daw ng kuwarto dito ay ganito. Ako na ang nagkusang pumuwesto dito sa itaas at doon naman siya sa baba. Pero feeling ko hindi siya kasya sa higaan dahil nga matangkad siyang tao. Pero keri na din 'yon no, bumaluktot muna siya kung matutulog at bumawi na lang siya bukas pagdating doon sa cabin na pag-iistayhan namin. Still I'm looking forward to this journey, this is my dream place and dream country, ang Lapland Finland kung saan mo makikita ang Northern lights. Saka ilang oras lang din naman kami dito sa tren kaya wag na sana magreklamo ang Sensei ko. I want to experience the Finnish nature awaits on us, beside I'm already feel comfortable in my bed, naka-connect na din ako sa WIFI, tapos madami pa siyang sockets sa mga gilid-gilid kung saan puwede ka mag-charge ng cellphone mo. And ang pinaka-dahilan ko talaga kung bakit ito ang kinuha ko ay 'yong may sarili kaming shower at toilet! Kasi naman hindi niyo natatanong masyadong malinis si Sensei Sojiro at talagang ligo is a life sa kanya. 









"Wag kang maiinis ha? Sinasabi ko sa 'yo Sensei iiwan talaga kita dito sige ka." Panakot ko sa kanya. Kung sa akin kasi ay okay na ako sa ganito baka kasi sa kanya ay hindi naman okay, alam niyo na iba ang ugali ng mga mayayaman kaysa ating mga nakikilibre lang.







Natawa lang si Sojiro sa sinabi sa kanya ng sekretarya, pumayag siya sa gusto nito na pumunta sila dito dahil si Grace ang magiging susi para makuha niya ang pera sa kanyang ama. Isa pa iniisip niya na lang na vacation trip ito. "Are you hungry? I will go out to see my men." Sabi niya dito, kung sila ay may sariling kuwarto at private space ni Joanna ang tatlong tauhan niya naman ay 'yong normal lang na upuan ang nabiling ticket. 







Umiling ako. "Busog pa ako, saka kakakain lang natin sa airport diba? Tapos ikaw gutom ka na naman?" Aba saan niya dinadala 'yong mga pagkain na kinakain niya? Samantalang kumain muna kami kanina sa restaurant do'n sa airport. Malakas kasi siya kumain pero hindi naman siya tumataba, at ewan ko kung hindi lang ba siya tabain kaya ganito. 





"I'm still full, iniisip ko 'yong mga kasama natin kaya lalabas muna ako sandali." Paliwanag ni Sojiro, pinag-book niya din ang tatlo sa mga tauhan niya para may kasama sila ni Grace pagpunta dito. And he do this for safety purposes, pero alam naman ng mga ito na kailangan pa din nilang dumistansiya sa kanila ni Grace.







"Ah gano'n ba? Sige tingnan mo na lang muna sila, basta ko matutulog muna ako. And please wag kang maghihilik kapag matutulog ka." Pagbabanta ko sa kanya, hindi ko pa naman kasi siya nakakatabi sa pagtulog kaya hindi ko alam kung naghihilik nga ba siya o ano. Pero mabuti na 'yong unahan ko siya diba?





"Don't worry I'm not snoring if I'm sleeping Grace, pero nang-gagapang ako ng katabi." 







"H-Hoy!" Hahampasin ko sana siya kaso hindi ko siya naabot at baka malaglag lang din ako dito sa taas ng double deck. "Tumigil ka nga, pinapakaba mo ako lalo eh." Sikmat ko sa kanya.





He shook his head, naglakad din siya palapit dito. Grace is still sitting on the top of the bed. Alas nwebe pa lang ng gabi dito at bukas pa ng umaga ang dating nila sa kanilang talagang destinasyon kaya dapat lang na magpahinga muna ito. "Matulog ka ng maayos dahil bukas pa naman ang dating natin do'n, and of course you should have more energy specially it's cold here in Lapland. Alam mo na, mas malamig mas masarap mag---"







Hinampas ko nga siya ng nag-iisang unan na mero'n dito sa kama. Siraulo 'to akala yata hindi ko alam ang sasabihin niya. "Tumigil ka na at baka ibaon kita bukas sa nyebe." 







"Nahh you can't do that Grace, pero siguradong ako ang babaon sa 'yo bukas." Pang-aasar pa ni Sojiro lalo pa at alam niyang kinakabahan talaga si Grace sa trip nilang ito. Pero wala ng atrasan pa, at gagawin talaga nila ang kung ano mang pinag-usapan nilang dalawa. 

Dm me on my fb page to join!

My XL BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon