Chapter 39 -- Her Brother --

418 19 8
                                    

-JOANA's POV-

"Kuya?"

My Gooodddnnneesss!!!! Bakit nandito ang kuya ko? Bakit nandito si Ethan Louie Park?

"Ang laki mo na baby MJ" -kuya Ethan sabay hug sa akin

"Don't call me 'baby' big bro. I'm not a baby anymore >3<" -ako at saka nagpout

Parang kanina lang nagdadrama pero ngayon, sumigla na. Parang shunga lang.

"I will call you baby forever. Kahit na makaasawa ka pa o may mga apo na, I'll still call you baby because you're my baby sister na iyakin." Hinampas ko siya. Okey na sana eh pero sinali pa talaga yung pagiging iyakin ko.

"Teka lang. Ano namang drama mo kanina ha? May pa iyak-iyak at pa sigaw-sigaw ka pang nalalaman?" Bigla akong napahinto sa paghampas sa kanya. Hay...nalala ko na naman.

"Ha? Wala lang yun." at nag-iwas ako ng tingin sa kanya

"I know you Baby MJ. Remember, you're not a good liar."

"Eh sa wala naman talaga eh."

"O siya sige. Napaka defensive mo eh."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"*sigh* Kung ayaw mong sabihin yang problema mo, edi wag. Pero tandaan mo Baby MJ, nandito lang ang napakapogi mong big bro sa tabi mo. Okey?" tumango na lang ako. Masunuring bata eh.

"Sige na. Tumayo ka na diyan. Lilibutin pa natin ang buong Pilipinas. Namiss ko na kasi ang bansang ito."

"Sure ka bang buong Pilipinas ang lilibutin natin?" tanong ko sa kanya. Impossible naman kasing malibot namin ang buong Pilipinas.

"Hindi naman lahat. Pero kung gusto mo, sige."

"Ayoko nga." bigla niyang ginulo ang buhok ko.

"Tss,,,, wag mo ngang guluhin ang buhok ko Kuya!!!" naiirita kong sabi sa kanya. Tapos inayos ko ulit ang buhok ko.

"Mature ka na talaga baby MJ. Hindi ka na bata."

"Kuya naman eh!! Wag ka ngang ganyan."

"Oh bakit? Totoo naman ah. Lumaki ka na at iba na ang baby MJ ko ngayon kaysa noon."

"Kuya ang drama mo. Ako pa rin kaya ito. Nagbago lang ang physical appearance ko pero hindi ang ugali ko." nagpout pa ako.

"Oh sige nalang"

"Napilitan ka lang eh."

"Parang ganun na nga. Hahaha..."

"Ewan ko sayo kuyan. Matanda kana kasi." sabi ko.

"Sinong matanda, ako?"

"Hindi hindi!! Yung halaman kuya." pilosopong sabi ko sa kanya.

"Aba namimilosopo ka na ah." tapos kiniliti niya ako sa tagiliran.

"Kuya tama na... hahaha... k-kuya hahaha...k-kuya" nang makawala ako sa kanya, tumakbo ako

"Gusto mo pala ng habulan ha?!!! Sige pagbibigyan kita/ "tapos hinabol niya ako. Magpapahabol ba ako? Syempre hindi kaya tumakbo ako.

Naghahabulan kami ngayon dito sa garden ng Park. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami. Lagi kaming naghahabulan noon. hhahaha

Di nagtagal, nahabol din niya ako.

"Huli ka baby MJ. Ang bilis mong tumakbo pero mas mabilis pa akong tumakbo kaysa sayo. Bleh :P" ang isip bata talaga nitong matandang toh.

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon