Chapter 2 --Meet the Bitch--

2.9K 64 5
                                    

[EDITED]

-Mitch Fernandez POV- 

9:30 A.M

[Kring! "AHH!!!"]

Napabangon ako bigla sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko. Ang tunog kasi nito ay 'yung sigaw ni Emily Rose sa the Exorcism. Nung ginawa na ng pari ang pagtaboy ng mga kaluluwa sa katawan ni Emily.

And take note, naka full volume yung cellphone ko kaya napabangon ako ng wala sa oras. Pero okay na rin kasi may lakad pa ako. Naligo na ako at nagbihis, kumain ng breakfast at saka pumunta sa mall. But before that, let me introduce my self.

My name is Mitch Fernandez. 17 years of age. 4th year na ngayong pasukan. And we're very rich. Mayroon kaming 6 hotels and 8 hospitals all over the world. At ipinagmamalaki ko iyon kasi nga diba, we're very rich. Isa akong BITCH na tao, warfreak, bobo minsan at saka maganda. And finding catfights is my hobby.

Back to business. Ayon papunta na ako sa mall.

*MALL*

Nandito ako ngayon sa isang restaurant dito sa mall. May hinihintay kasi ako eh. Hate ko talaga ang maghintay. Pagnaghintay talaga ako rito ng 15 minutes, I swear sasakalin ko talaga yung mokong na iyon.

1, 2, 3, 4 ...

Tapos may dumating na isang lalaki.

"You're 4 seconds late. Alam mo naman diba na hate ko talaga ang maghintay sa isang taong kagaya mo!" bungad ko sa kanya.

"But still hinintay mo pa rin ako. So, let's go" yaya sa akin ni Robert.

"Ayaw ko ng sumama sa iyo. Nawalan na ako ng gana." sabay talikod ko sa kanya.

"Teka! Wait!"Pinigilan niya ako

"Please naman oh. Samahan mo ako. Nag effort pa naman ako na magpagwapo para lang mapansin mo ako" pagmamakaawa nya sa akin.

I look him from head to toe.

"Iyan na ba ang sinasabi mong gwapo? Para ka ngang hampaslupa sa itsura mo eh! At saka, sinabi ko bang mag effort ka sa pagpunta mo rito? Hindi diba? At kung nag effort ka man, sorry ka kasi hindi kapansin-pansin. Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumangit kasi nga di bagay sayo ang effort mo. So, aalis na ako sa harapan mo para bumili ng mga magagandang dresses, jewelries at new shoes ko kaya babush!" sabay hawi ng bangs, flip ng hair at saka ako umalis.

Nakakaloka, pinapahigh blood ako ng chaka na iyon. Kung nagtataka kayo kung sino si Robert, siya lang naman ang dakila kong stalker na pinagbigyan ko na samahan niya ako sa pagsho-shopping kasi naaawa lang ako sa kanya.

Aba! minsan lang yata maawa ang bitch na katulad ko sa isang tao na kagaya ni Robert.

Habang naglalakad ako, may nakabangga sakin. Malas niya kasi siya ang natumba at nahiga sa sahig. Ang tanga niya kasi eh. Hindi ko siya tinulungan pero sinabihan ng:

"Iyan, 'yan ang dapat sayo. Napakatanga mo! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! 'Yan tuloy binangga mo pa ang magandang nilalang na katulad ko"

Buti naman at may gana pa siyang tumayo. Akala ko kasi forever na niyang hahalikan ang sahig. At nakita ko na ang kanyang pangit na mukha. Isa lang naman siyang NERD na namamasyal sa isang mamahaling mall na pag-aari ng rich kong BITCHfriend.

"Wow ha! Nahiya naman ako sayo. Sino kayang titingin sa mga nakadisplay na damit at hindi tumitingin sa dinadaanan? Dapat kasi kung titingin ka sa mga nakadisplay, huminto ka nang matignan mo ng mabuti. Hindi 'yung lakad ka ng lakad, tingin ng tingin sa mga nakadisplay pero hindi nakatingin sa dinadaanan!" sarcastic na sabi ni Nerd.

"Anong sabi mo!?" sigaw ko sa kanya.

"Siguro bobo ka noh?! Kasi hindi mo magets yung sinabi ko. Slow mo kasi eh. O sadyang bingi ka lang talaga kaya di mo narinig 'yung sinabi ko. Sorry, Bawal ulitin. Maganda ka sana pero bobo at bingi ka naman. Sayang ang ganda mo teh." Sabi ni nerd.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya tsaka ko siya sinabunutan at gumanti pa siya ha!? tingnan natin kong sinong buhok ang unang malalagas.

---------------------------------------------------------------------------------------------

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon