Chapter 22 -- I'll Take Care of Her --

1.2K 51 2
                                    

Guys...sorry talaga kung ngayon lang ako nakapag UD. Nasira kasi yung Internet namin at ngayon lang naayos. Sorry po talaga.

Dedicated ito sa classmate kong maganda... Hello sayo....Nakapag UD na din sa wakas. XD

Enjoy!!!

_________________________________________________

-EVANCE POV-

Nung makarating kami sa bahay ko,[oo sa bahay ko siya dinala.] binuhat ko siya at dinala sa guest room namin.

"Manang!!!!!" tawag ko sa katulong namin.

"Ano po iyon sir?" tanong sa akin ni Manang.

"Pakitawag niyo nga po yung family doctor namin. Bilisan niyo po!!!"

"Opo sir."

Tapos umalis na siya.

Kumuha ako ng towel at isang maliit na palanggana na may lamang tubig. Pinabihisan ko si Joana sa isa pa naming katulong. Nung natapos na siyang bihisan, pumasok na ako sa room niya.

Gising na siya!

"Nilalamig ka ba Joana?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya as a sign of YES.

Pinatay ko na lang yung air conditioner sa guest room.

"Ayan! Okey ka na ba?"

"Yeah. Pero malamig pa rin."

"Dito ka muna ha?"

Tapos dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Nakita ko naman yung jacket ko sa drawer ko. Kinuha ko iyon at bumalik sa guest room.

"Suotin mo ito Joana."

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon