Chapter 1 -- Meet the Nerd--

4K 91 4
                                    

[EDITED]

-Joana's POV-

Napabangon ako bigla nang biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto ko.

"Ate gising na! Malapit ng magtanghali natutulog ka pa diyan?!  Bumangon ka na nga diyan kung ayaw mong sirain ko itong pintuan ng kwarto mo!" naalimpungatan ako sa sigaw ng kapatid ko sa labas ng pintuan. Naramdaman ko na sinipa niya ito bago ito umalis.

Hayyy! Kapatid ko nga naman oh. Kitang natutulog pa yung tao. Istorbo talaga!

Bumangon na ako tapos naligo at nagbihis. Lumabas lang ako ng kwarto tapos pumasok ulit sa loob tapos lumabas ulit tapos pumasok sa loob. Ganyan talaga ako pag-inaantok pa ako. At alam kong wierd talaga ito. Nang medyo nawala na ang antok ko, lumabas na talaga ako sa kwarto ko. Nakita ko namn ang lil' sis ko na si Jessica.

"Hoy Ate! Ba't ngayon ka lang nagising ha?! Hindi mo ba alam na ako na ang gumawa sa mga gawain mo ha?!"

"Oh, thanks lil' sis.. At pwede ba 'wag ka ngang sumigaw kasi hindi ako bingi"

Kumain muna ako ng breakfast pagkatapos pumunta sa sala para manuod ng T.V. Pero wala namang matinong palabas. Lalabas sana ako ng bahay para makapaggala kaso tinawag ako ni Mama.

"JOANA!!" sigaw ni mama

"Ano po yun?"

"Halika rito."

Pumunta naman ako sa kanya. Eh uto uto ako eh.

"Sabi ng ama mo. Uuwi raw siya ngayong December. Pagbutihan mo raw ang pag-aaral mo dahil pag matatas ang grades mo, they will have a surprise for you" nakangiting sabi sa akin ni mama. Naks naman. Umi-enlish ang peg ni nanay oh!

"Opo naman po. Soon to be valedictorian yata toh." Pagmamayabang ko sa aking sarili.

"O sige. Huwag ka munang gagala ngayon kasi may lakad pa ako at isasama ko ang kapatid mo. Ikaw muna ang magbantay ng bahay"

"Pero may lakad din kasi ako mama eh."

"HINDI PWEDE!!"

Kita mo tong nanay ko. Kanina ang bait bait tapos ngayon, sobrang sungit. Pambihira!

"Bantayan mo ang bahay, Maria Joana!" Sigaw pa nito.

"Ang tanda na ng bahay natin, Ma para bantayan ko pa. Kaya na niyan ang sarili niya." Pabara kong sabi sa kanya.

Padabog akong naglakad papasok ng bahay. Nakita ko ang kutong lupa kong kapatid na nakabihis na.

"Ate pinagalitan ka naman ni mama noh?! Sus! Napakahardheaded mo talaga!"

"Nakasigaw talaga ha?!"

"Oo naman para marinig ng mga kapitbahay natin!!"

"Oh talaga? As if naman may mga kapitbahay tayo rito"

"Ewan ko sayo, Ate. Aalis na kami ni Mama. Maingit ka!!"

"Aba! Aba! Aba! Ako maiinggit sayo? NEVER!"

Tapos pumasok na ako sa kwarto ko. Bwisit talaga yung chanak na yon.

BTW. Hindi pa ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Maria Joana Park. 17 years of age. 4th year na ngayong pasukan. Hindi naman kami mahirap hindi rin kami mayaman. Katamtaman lang. Malakas akong mambara, warfreak pero hindi ako bitch. Nang-aaway lang ako kung kinakailangan at kung dehado na ako. Yun lang. BOW!



Umalis na kaya sila mama? Hay! Boring naman dito. Ano kayang pwedeng gawin?

Hmm...


Dali-dali kong kinuha ang laptop ko tapos nag log-in ako sa facebook, twitter, yahoo, google, tumblr, at instagram tapos sa wattpad at nagbasa ng mga stories.

Natapos na akong magbasa pero wala pa rin sila mama. Ano ba yan?! 11:49 A.M. na at wala pa rin sila. Ano bang ginagawa nila sa lakad nila at inabot sila ng ganitong oras? Di kaya'y nilamon na sila ng lupa? Makaluto na nga.




Nagluto ako ng paborito kung ulam, ang adobo! ^_^ Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto nang biglang bumukas ng padabog ang pinto.

"Narito na kami Ate! Ano ba ang ulam at ako'y gutom na gutom na?!" sigaw ng aking praning na kapatid. Take note, Nakasigaw.

"Ano ka ba naman Jessica! Bakit ba sigaw ka ng sigaw. Hindi ako bingi" Sagot ko sa kanya

"Eh, ano nga kasi ang ulam eh?" pagmamaktol ng kapatid ko. Psh!

"Adobo, at hindi kita pagbibigyan. Manigas ka!"

"Ehh?! Mama, si Ate oh, ang damot!!"

"Aba! Aba! at may gana ka pang magsumbong ha! Tingnan lang natin kung sino ang kakampihan ni Mama. Sigurado ako na ako ang kakampihan 'nun!"

"Ano ba! ang ingay-ingay niyong dalawa!" sigaw sa amin ni mama

"Eh kasi si Ate eh. Ayaw mamigay nang niluluto niya" Sumbong ng kapatid ko

"Shut up!" I said

"Itigil nyo na nga yan. Ikaw Joana, bakit hindi mo bibigyan yang kapatid mo? Ikaw lang ba ang kakain niyan? Hindi diba? Kasi bibigyan mo rin ako. HAHAHA"

O-k baliw na rin ang Nanay ko. Pareho sila ng chanak kong kapatid.

Ano ba namang Pamilyang to? Pamilyang abnormal ba to? Nakakaloka.

________________________________________

Sensya na kayo sa mga typos at sa mga wrong grammar at saka pasensya narin kung medyo sabaw. First time ko kasing gumawa ng story kaya habaan nyo muna ang pasensya niyo. ^__^

Ipo-promote ko po ang bago ko pong story na nasa bagong account ko po MirChanDise.

Read my other stories po. Thank you

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon