Chapter 41 -- Change --

519 21 30
                                    

(A/N:Binago ko ang pangalan ng banda nila Evance. Instead of Boy Band, Zero degree band na yung pangalan ng banda nila. Huwag po kayong maguluhan. Thanks)

2 years later. . . . .

Evance POV

"Kyaaahhh !!! Ang Zero Degree Band !!!!" -tilian ng mga babae.

"My gosh !!!! Ba't ba ang po-pogi nila !!!"

"Kyaaahhh !!! Papa Justin marry me please !!!"

"Ang hot mo papa Darryl... akin ka na lang !!!"

"Taken na yan gaga!!" Narinig kong sigaw ni Ashley doon sa babae.

"Akin si Evance. Gwapo na, HOT pa."

It's been two long years since Joana left. Akala namin na one month lang siya doon pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Siguro kinamumuhian na niya ako.

Bumalik LAHAT ang ala-ala ko. At galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalong - lalo na kay Mommy at Mitch. Hindi ko alam kung bakit nila nilihim sa akin ang tungkol kay Joana noong nagka-amnesia ako. Kung sinabi lang sana nila sa akin, baka nagawan ko na ng paraan na hindi siya umalis.

Kamusta na kaya ngayon si Joana? Babalik pa kaya siya? Hindi na siya nakikipagcommunicate kay Ashley after nang pag-alis niya.

7:10 AM na pero 8:00 AM pa magsisimula ang mga klase namin kaya nandito kami sa cafeteria.

Kung itatanong niyo kung saan si Mitch, tatlong salita lang masasabi ko. HINDI KO ALAM.

Bumalik na rin kami sa FHA including my bandmates. Freedom High has also a college department. Ang kinuha kong course ay photography. Kay Ashley ay Fashion Designing. Business Ad kay Darryl, computer science kay Ivan at mechanical engineering kay Justin. At second year na kami ngayon.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang may magsigawan na naman.

"Kyaaaaahhhhh ! Transferees ba sila?!!!"

"Ang gwa-gwapo nila at ang astig ni girl"

"Ang cool ni girl"

"Ang swerte naman niya"

"Pre, ganda nung babae oh" narinig kong sabi nitong isang lalaki rito sa cafeteria.

"Oo nga pre. Ang astig. Sarap tuloy ligawan"

Nagkatinginan kaming magkakabarkada at hindi nalang ito pinansin. Natahimik kami ng ilang segundo pero agad din kaming nagsitayuan at naglakad patungo sa mga bagong estudyante. This oh so called curiosity kills the hell out of me.

Nang makarating kami sa nagkukumpulang mga tao, nakita namin ang isang grupo na may limang lalaki at nag-iisang babae. Pero parang familiar sa akin ang mukha nang babae.

"Ice, ito pa ang school mo noon?" Sabi nang chinitong maputing lalaki

"Yeah"

T-that voice. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon.

"Nice school. By the way, do you have some friends here?" Tanong nang lalaking naka hood.

"I have one but she's not my friend anymore. And besides, I forget her name even her face."

Tiningnan ko si Ashley. Parang maluluha na siya. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Joana.

Yes, she's back. Pero naguguluhan ako sa mga nangyayari. How can she say those words na parang wala silang pinagsamahan ni Ashley gayong alam ko naman na ako lang ang kinamumuhian niya?

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon