Chapter 49 --Dead or Alive --

269 10 0
                                    

JOANA's POV

"Ano, tatakas kayo?" Tanong ni Mitch

"Sa tingin mo ba, makakatakas pa kami?" Tanong ko pabalik.

"Hanga rin ako sayo eh noh. Ang talas ng tabas ng dila mo." -Amber

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Lumapit sa akin si Patricia. Hinawakan ng mga nakaitim na lalaki ang mga kasamahan ko.

*PAK*

"Aw!!!Argh!!!"'sigaw ko matapos niyang hampasin ang duguan kong balikat.

"Woah! Isa pa nga." Pero bago niya ako masaktan.

"Aaaaaaarrrrrgggghhhhh!!!!" Binalian ko na siya ng buto by twisting her left arm.

Susugurin sa ako ni Amber pero pinigilan siya ng isang suntok ni Mitch.

"Kasalanan din yan ng kapatid mo, Amber. Diba usapan natin ako lang ang may kasapatang manakit sa kanya."-Mitch

"Mitch, ano bang kasalanan namin sa'yo? "-Ashley

"Sigurado ba kayong hindi niyo alam? Ikaw Ashley, ikaw ang nagsabi sa Daddy ko na nagnakaw ako ng pera sa kompanya namin, at dahil sa pangingialam mo, itinakwil ako ng mga magulang ko. At ang masaklap, binawi nila ang lahat ng mana ko at binigay ito sa iba pa naming kamag-anak! Darryl, Ivan, at Justin, kayong tatlo ang dahilan kung bakit iniwan ako ng best friend ko, na si Sofie. Alam niyo bang siya na lang ang meron ako? At ikaw, Evance. Napakawala mong kwentang tao. Pinaasa mo ako at pinaghintay mo ako sa wala. Iniwan mo ako sa ere nang dahil lang diyan kay Joana! At ikaw, Joana, INAGAW MO SA AKIN ANG LAHAT!!! MANG-AAGAW KA!!!"

"Wala akong inagaw sayo, Mitch!!" Sigaw ko sa kanya.

"Inagaw mo si Evance sa akin !"

"Hindi ako inagaw ni Joana kasi walang tayo, Mitch!!!WALANG TAYO DAHIL HINDI KITA MAHAL !!!"galit na sigaw ni Evance.

At dahil doon, tinutukan ako ng baril ni Mitch.

"Prepare to die, Joana." Pumikit ako at narinig ko ang pagputok ng baril. Pero hindi ang baril na nakatutok sa akin.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga nakahandusay na tauhan ni Rain.

"What's happening?" Bulong ni Mitch pero narinig ko iyon.

Sinuntok ko si Mitch sa sikmura bago sinipa. Natumba naman at pumunta ako kila Ashley.

Kumuha ako ng baril at binaril ang mga taong humawak sa kanila.

"Let's go" I told them.

Tumango sila sa akin at iniwan namin ang nagbabarilan doon. Pero hinarangan kami nina Amber at Patricia.

"Hindi kayo makakatakas sa amin, Joana." Sabi ni Amber.

"Wala akong kasalanan sa inyong dalawa at ayoko kayong saktan kaya patakasin niyo na kami."

"Wala ka ngang alam." Naiinis na sabi ni Patricia

"Yung company namin. Yung pinaghirapang company ng mga magulang namin. Hindi sana ito na bankrupt kung tinulungan kami ng mga magulang mo. Sila nalang ang pag-asa namin para maisalba ang company namin. Pero ano ang ginawa ng mga magulang mo, wala na raw silang magagawa. Walang magagawa? For all we know, kayo ang top one. May magagawa kayo kung gusto niyo. Pero hindi eh. Hindi nila kami tinulungan!!!" Galit na sigaw ni Amber

Nagulat ako ng bigla kaming makarinig ng dalawang putok ng baril pero mas nagulat ako ng makitang nakahandusay na sa sahig sina Amber at Patricia.

"Ashley." I muttered.

Siya ang bumaril sa dalawa.

"Iba na sila, Joana. Hindi na sila ang mga kaibigan natin."

Napasigh nalang ako. Wala na akong magagawa.

Nagpatuloy nalang kami sa pagtakbo at nakita ko si William. Siya yung tinawagan ko kanina. He might be my enemy pero his my friend for now.

"JOANA!!!" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Mitch na nakatutok ang kanyang baril sa akin.

Bigla niya itong pinutok at naramdaman ko nalang ang katawan ko na bumagsak habang umaagos ang dugo ko mula sa aking katawan. Unti-unting nawawala ang akin paningin hanggang sa wala na akong makita o maramdaman.

____________________________________

soaddicted_13

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon