Chapter 7 --The Game Begins--

1.9K 56 7
                                    

MITCH'S POV

Habang naglalakad ako, nag-iisip muna ako ng magandang plano para mapatalsik si Nerd.

ISIP ... ISIP ... ISIP ... ISIP ...

BOGSH !!!!!!!!!

"What the!" mapasigaw ako bigla.

Langyang tao yun ah. Binangga ako tapos ako pa yung napahiga.

Tinulungan akong tumayo ni Sofie at napatingin ako sa babaeng bumangga sa akin.

"Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?!" sigaw ko sa babaeng bumangga sa akin.

"FYI, tumingin yata ako sa dinadaanan ko. Kaya nga ginawa ang mata diba para makakita? Harang ka kasi sa dinadaanan ko kaya, sapol! Nabangga mo ako!" sagot sa akin ng babaeng bumangga sa akin.

"Correction! Ikaw ang bumangga sa akin." sabi ko sa kanya.

"Kung nabangga man kita, hindi ako magsosorry sayo! Sino ka para magsorry ako sayo?" sabi niya sa akin.

"Sino ka para pagsabihan mo ako ng ganyan ha?!" sigaw ko sa kanya.

Ang lakas ng loob ng babaeng to na kalabanin ako. Tss.

"Kailan pa naging sagot ang tanong? Tinatanong mo ako kung sino ako? Well, ako ay isang tao. Ako lang naman ang anak ng may-ari ng school na ito." sagot naman niya sa akin.

Sumasagot kapa ha? Tingnan natin kung may buhok kapa after this.

Sasabunutan ko na sana yung babaeng bumangga sa akin kaso humarang si Nerd slah Joana.

"Ano ka ba naman Mitch! Pwede namang idaan ito sa matinong usapan ah. Bakit aabot pa sa sabunutan?!" sabi ni Nerd

"Bakita ka ba nangingialam ha! Mind your own business! Pabidaka masyado!" tapos sinabunutan ko na yung babae.

Pilit na pinaghihiwalay kami ni Joana kaya si Joana ang sinabunutan ko at sumali na sa sabunutan si Sofie. Alangan naman kung tumunganga lang siya diba? Ako ang nanabunot kay Joana at si Sofie naman dun sa babae.

Madami nang nanunuod sa amin pero wala akong pakialam. Hanggang sa mga teachers na ang gumawa ng paraan para mapahiwalay kami.

"GO TO THE PRINCIPAL'S OFFICE NOW!" sigaw sa amin ng isa sa mga teachers.

OA naman nila. Principal's office agad? Hindi ba pwedeng Guidance muna?

Wala na kaming magawa kundi ang sumunod sa inuutos nila.

JOANA'S POV

Nakaupo kami ngayon sa upuan. Katabi ko yung nakabangga kay Mitch. At sa kabilang side naman ay sina Mitch at Sofie. Habang yung principal naman ay ang sama ng tingin sa amin.

"Wag mo nga kaming titingnan ng ganyan Mom!" sabi ng katabi ko.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Pumikit?" sabi naman ng principal.

Nice! updated si Madam Principal sa mga uso ngayon ... ang mamilosopo -_____-

"Why am I wasting my time here madam? Kung wala na kayong sasabihin, aalis na ako ." bored na sabi ni Mitch.

"Who are you to talk when no one is giving you the opportunity to talk. Don't talk when no one is asking you to talk. Nakakairita kasi eh at ang bastos mo pa sa harap ng Mom ko slash Principal natin." sabay cross arms ng katabi ko at nag roll eyes pa. Taray nya noh? warfreak rin yata tong katabi ko kahit anak pa ng principal.

"What do you want? You're so mayabang." sagot naman ni Mitch.

"I want war. Do you want to die now?!" urggghh! Hindi talaga magpapatalo tong katabi ko.

"Stop that!" sigaw ng principal.

Napatahimik naman yung dalawa.

"Ano ba naman kayo! Nag-away na kayo kanina tapos mag-aaway pa kayo rito? Ikaw Ashley hindi kita tinuruan ng ganyang attitude. At ikaw naman Mitch, first day of class pa lamang, may record kana agad. Last year, more than 15 times kanang napunta rito. My god Mitch. Magmature ka na nga. Para kang bata." sabi ni Madam principal.

"I will not promise na hindi ako magkarecord ulit kasi magiging boring ang life ko kung walang catfights." sagot naman ni Mitch.

"Kayo naman Sofie at Joana! Bakit kayo napasama sa gulong ito?!" tanong sa amin ng principal.

"Duh! Tinulungan ko lang kaya si Mitch kasi friend ko siya. Unfair naman yata kong 1 vs. 2" maarteng sagot ni Sofie.

"Pilit ko naman silang pinaghihiwalay, Madam kaso sinabunutan ako bigla ni Mitch kaya ayun!" sabi ko kay madam principal.

"Pakialamera ka kasi " sabat naman ni Mitch.

"At least may ginawa siyang tama. Eh ikaw, puro mali at walang patutunguhan." sabi naman ng katabi ko.

"Anong walang patutunguhan? Lahat ng away ay may patutunguhan ... patungong PRINCIPAL'S OFFICE!" pilosopong sagot ni Mitch.

"Tama na nga yan. I'll give you a chance. Hindi ko muna kayo ipapasuspend" sabi ng principal.

"Thank you Madam!" sabi ko sa principal.

"But kailangan niyong linisin ang buong ground sa school na ito. Maliwanag ?" sabi ng principal

"Pero ------" pinutol ng principal ang sasabihin ni Mitch at yung katabi ko.

"NO BUTS! Understood?" sabi ng principal

"Okay " sabay naming sabi.

At lumabas na kami sa principal's office.

"Suspension is better than this." narinig kong sabi ni Mitch.

Mga mayayaman talaga! Hindi sanay sa mga ganitong gawain. Haisst!

____________________________

PLEASE.....

VOTE

AND

COMMENT

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon