Chapter 16 --Her Secret Reveal-Part 2

1.5K 52 9
                                        

[EDITED]

--JOANA'S POV--

Simula nung ma ospital ako, naging tahimik na ang buhay ko. Parang bumalik yung dating ako. I mean, Nerd pa rin ako pero yung ugali ko bumalik sa pagiging tahimik, masungit at yung taong walang pakialam sa mundo. Kinakausap ako parati ni Daddy kung hindi ni Mama (fake na ina ni Joana) pero hindi ko sila pinapansin. Dinalaw ako ng lolo ko sa ospital. Akala ko, ku-kumustahin niya ako pero mali pala ang hinala ko. Akala ko lang iyon. Tama nga sila, marami ang nagkakamali sa maling akala.

FLASHBACK ...

Masaya kaming nagkukwentuhan ng Daddy ko tungkol sa nangyari sa kanya sa Korea. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat kami ni Daddy nang makita namin si Lolo.

"What are you doing here Dad?" tanong ng Daddy ko kay lolo.

"Binibisita ang IMPAKTA  kong apo."-Lolo

Napalook down ako sa sagot ng lolo ko. Bakit? Bakit siya ganon? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya?

"Please Dad. Not now. Joana needs a rest."-sabi ng Daddy ko.

"Why? Am I not allowed to visit my STUPID granddaughter?" -Lolo ko

Sh*t ! May namumuo ng luha sa mata ko. Nagiging iyakin talaga ako kung ang pag-uusapan ang lolo ko.

"Hindi naman sa ganoon - - -"-Daddy

"Yun naman pala eh!"—lolo

Hindi pinatapos ni lolo si Daddy.

"Zack pwede mo ba kaming iwan ng apo ko? Mag-uusap lang kami."—lolo

Nagdalawang isip si Daddy pero nagnod nalang siya at lumabas ng kwarto ko. Kinakabahan ako. Takot na takot talaga ako sa Lolo ko.

"Napakaweak mo. Mga schoolmates mo hindi pa kayang labanan? How pathetic you are!"—lolo

Control your temper Joana. Huwag kang iiyak sa harapan niya. Ipakita mo sa kanya na nagbago ka na.

"Ikaw sana ang kumalaban sa kanila. Tingnan natin kung makakaya mo sila ." sagot ko sa kanya.

Good Joana. Hindi ka pumiyok.

"Sana pala hindi nalang  kita binisita." Lolo ko

"Edi sana hindi ka nalang bumisita rito. Hindi kita kailangan sa buhay ko!"-Ako

"Sa tingin mo pumunta ako rito para bisitahin ka? Pwes nagkakamali ka! May kailangan lang ako sa iyo na mahalagang bagay."—lolo ko

"Sa tingin mo inaasahan kitang bumisita rito?" –ako

"Bakit? Hindi nga ba?"—lolo ko

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo, umasa ako na dadalawin niya ako rito.

"See? BAKIT KO NAMAN DADALAWIN ANG ISANG KATULAD MO?! NAPAKAWALA MONG KWENTA! BUTI PA SI ETHAN MAPAPAKINABANGAN! Eh Ikaw? HINDI! KASI WALA KANG KWENTA. NAGSISISI AKO NA NAGING APO KITA! PINADALA KITA RITO SA PILIPINAS PARA TUMINO KA! Pero nagkamali ako dahil MAS LUMALA PA ANG NAPAKAWALANG KWENTA MONG UGALI! SUMASAGOT KA PA NGAYON SA AKIN! NAPAKA WALA MO TALAGANG KWENTA! " sigaw sa akin ng lolo ko

This time, nakayuko ako habang umiiyak. Gusto ko nang tumakbo para hindi marinig ang susunod niyang sasabihin. Gusto ko nang sumabog dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Oh ano? IIYAK KA NALANG BA DIYAN?! NAPAKA WEAK MO! SARILI MO HINDI MO KAYANG IPAGTANGGOL SA MGA SCHOOLMATES MONG WALANG MODONG TULAD MO! WALA KANG KA KWENTA-KWENTA!"-lolo

This time, sumabog na talaga ako.

"ANO BANG GINAWA KO SA INYONG MASAMA HA! BUONG BUHAY KO UMAASA NA SANA....MAGING MABAIT KAYO SA AKIN! PINILIT KONG MAGING MABUTING APO SA INYO KAHIT LABAG SA KALOOBAN KO NA IWAN ANG MGA MAGULANG KO! LAHAT GINAWA KO PARA LANG MAGING MABUTING APO NIYO PERO HINDI PA IYON SAPAT SA INYO! TINIIS KO ANG PANANAKIT NA GINAGAWA NIYO SA AKIN NOON KAHIT MALAPIT AKONG MAMATAY NANG DAHIL SA IYO! PERO ANONG GINAWA KO, PINATAWAD KO AGAD KAYO! PINILIT KONG MAGING PERPEKTONG APO SA INYO! PERO ANO?! BUKAM-BIBIG NIYO LAGI AY YUNG KUYA KO! KAHIT KAILAN HINDI KO NARANASAN NA MAGING APO NIYO! DAHIL LAGI NIYO NALANG AKONG TINUTULAK PALAYO! PARATI AKONG UMAASA NA SANA....SANA BALANG-ARAW MAGIGING MABUTI KAYONG LOLO SA AKIN! ANO BANG GINAWA KO SA INYO! BAKIT ANG INIT NG DUGO NIYO SA AKIN! KASALANAN KO BANG IPINANGANAK AKONG GANITO! SANA PALA PINATAY NIYO NALANG AKO KUNG GANITO LANG DIN NAMAN ANG MAGIGING BUHAY NA MAYROON AKO! ANG SAKIT LANG LOLO! NA YUNG SARILI KONG LOLO TINATABUY AKO! KUNG WALA AKONG KWENTANG APO SA INYO, MAS WALA PA KAYONG KWENTANG LOLO! MARAMI AKONG NASAYANG NA PANAHON PARA IPAKITA SA INYO NA APO NIYO AKO!"

And by that, sinampal ako ng lolo ko

"WALA KANG ALAM!"-lolo

"IPAALAM NIYO SA AKIN LO...NANG HINDI AKO NAGMUMUKHANG TANGA SA HARAPAN NIYO! ARAW-ARAW GUMAGAWA AKO NG PARAAN PARA KUNIN ANG ATENSYON NIYO TAPOS NANG DAHIL DYAN SA WALANG KWENTANG REASON NIYO, GALIT NA KAYO SA AKIN!"-sigaw ko sa kanya.

And again, sinampal niya ako.

"Wag na wag mong sabihin yan! Wala kang alam!" sigaw ni Lolo

"Then tell me Lo! Tell me para maintindihan ko! Kung may nagawa man akong kasalanan sayo, SORRY na po. Ayoko pong nag-aaway tayo!"

Napahagulgol na ako. Grabe napakasakit ....sobrang sakit...

"HINDI MAPAPALITAN NG SORRY MO ANG BUHAY NG ASAWA KO, ANG BUHAY NG LOLA MO! NANG DAHIL SAYO, NAMATAY ANG LOLA MO AT ANG ISA KO PANG ANAK! Siguro naalala mo na ang pangyayaring iyon. Hindi mo lang maalala kasi nagkaroon ka ng brain damage noong bata ka pa. At ngayon, alam mo na, ALAM MO NA RIN KUNG BAKIT KINAKAMUHIAN KITA!"

Nakita ko kung gaano kagalit si lolo. Umiiyak din riya. Ngayon ko lang nakita na umiiyak ng ganito ang lolo ko. Naalala ko na ang aksidente noon. Pero aksidente lang iyon hindi ko naman iyon sinasadya.

"I'm sorry lolo."

Umalis na siya. Patuloy pa rin akong umiiyak. Hindi ko ginusto ang nangyari sa kanila noon kaya patawarin mo sana ako lo.

 _____________________________________________________________

Sensya na kung ngayon lang ang UD... ^_____^V


*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon