Chapter 50 -- Goodbye --

381 12 3
                                    

3rd Person's POV

Umiiyak si Ashley dahil sa pagkamatay ng kanyang kaibigan. Halos hindi na siya makausap ng matino nila Darryl. Makikita mo ang lungkot sa kanilang mga mukha.

Nandito sila sa bahay ng mga Rodriguez. Kalalabas lang nila galing sa hospital at halos wala silang tulog dahil sa kakaisip sa mga nangyari sa kanila. Bakit nga ba ito humantong sa ganitong sitwasyon?

Bukas ililibing ang kanilang kaibigan. At mamaya, babalik ulit sila sa hospital upang dalawin ang kapatid ni Ashley. Bukas pa siya pwedeng lumabas ng hospital. Mas malala kasi ang natamo nitong sugat kasya sa kanila.

- - -

Nandito sila sa hospital. Dadalawin nila si Evance. Pagkarating nila sa Room 365, nakita agad nila si Evance. Tulala ito at halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Di maipagkakaila na nasaktan siya sa mga nangyari. Yung taong sinasaktan sila ng paulit-ulit at pinapagalitan ay patay na.

"Evance?" Tawag ni Ashley sa kanya.

Pero tulala pa rin ito at tila walang narinig.

"Bro, magpahinga ka muna para makadalo ka sa libing bukas." Sabi ni Darryl sa kanya.

Pero tulala pa rin ito. Para bang nasa ibang planeta ang atensyon niya.

Napasigh nalang sila. Alam nilang hindi pa nakakamove-on si Evance. Sino ba naman ang makakamove-on agad? Naging parte na ng buhay nila yung tao tapos bigla-bigla nalang itong mawawala sa kanila? Kahit sino naman siguro ay mahihirapang makalimot sa mga nangyari sa kanila.

Bumukas bigla yung pintuan at iniluwa nito ang mga magulang ni Mitch. Nagulat sila sa biglaang pagluhod ng mga ito sa kanila.

"Sorry sa lahat. Kasalanan namin ito. Kung hindi lang sana namin siya itinakwil, Hindi sana magkakaganito." Sabi ng Daddy ni Mitch.

"Patawarin niyo sana kami. Pati na rin ang anak namin." Mommy naman ngayon ni Mitch ang nagsalita.

Doon nila nakuha ang atensyon ni Evance.

"Patawad? Tangina niyo!!! Kung hindi niyo sana pinabayaan si Mitch, hindi sana nagkakaganito!!! Buhay pa sana siya ngayon !!! Pero hindi lang si Mitch ang may kasalanan nito!!! Dahil pati kayo!!! Nagkulang kayo sa kanya !!! Pinagkait niyo sa kanya ang pagmamahal na kailangan niya!!! Mahal niyo ba talaga ang anak niyo?!! Pinabayaan niyo siya at napunta sa maling landas!!! Anong klase kayong mga magulang?!! Napakawala niyong kwenta!!!" Galit na sigaw ni Evance sa mga ito. Puno ito ng galit, lungkot, pangungulila, at pagkasuklam.

Pinakalma siya nina Justin at Ivan.

Biglang nagsalita si Ashley.

"Galit ako sa inyo, hindi ko maitatanggi iyon. Pero sana naman malaman niyo na nangangailangan ng pagmamahal mula sa inyo si Mitch. Maraming kayong pagkukulang sa kanya. Hindi niyo siya pinalaki ng maayos dahil ang laman ng utak niyo ay puro kayamanan at puro negosyo. Pero alam niyo naman siguro na may anak kayong iniwan sa bahay niyo. May anak kayo na naghihintay sa pagdating niyo. Pero ni minsan ba ay dumating kayo? May panahon at oras naman po kayo para sa mga negosyo niyo. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit wala kayong oras para sa anak niyo? Mas mahalaga pa ba ang negosyo niyo kasya sa anak niyo? May anak kayo, at si Mitch iyon pinapalala ko lang ka sa inyo baka kasi nakalimutan niyo. Anak niyo siya kaya pahalagahan niyo, mahalin niyo. Sa tingin niyo ba masaya siya sa buhay niya? Kulang siya ng atensyon at pagmamahal kaya naghanap siya ng taong magmamahal sa kanya."

Napayuko ang mga magulang ni Mitch.

"Siguro po mapapatawad namin kayo. Pero hindi ngayon." Mariing sabi ni Darryl.

Tumango ang mga magulang ni Mitch at tumayo sa pagkakaluhod bago umalis.

"Magpapahinga muna ako." At humiga na siya.
- - -

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon