[EDITED]
-Mitch POV-
Ay! Langyang Nerd na iyon oh. Ginulo pa ang shining shimmering kong buhok. Di bale, bukas magpaparebond ako para mawala ang germs sa buhok ko na nanggaling kay nerd. Like ew! So kadiri kaya.
Nagtataka siguro kayo kung bakit may buhok pa ang nerd ngayon. Simple lang.
FLASHBACK ...
Nagsasabunutan kami ngayon ni nerd nang may umawat sa amin na guard.
"Maam, itigil niyo na 'yan." Pag-awat sa amin ng guard.
Pero dahil nga galit na galit ako at ayoko talaga ng istorbo. Sinabunutan ko rin ang guard.
Sa kaliwang kamay ko si guard sa kanan naman ay si nerd. Masakit na talaga ang ulo ko dahil ang lakas makasabunot ni nerd. At dahil strong ako, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsabunot ko sa kanya —este sa kanila pala.
Huminto na rin ako nang may mga lalaking nakaitim ang umawat sa amin at doon ko rin nalaman na BG pala yun ng rich kong BITCHfriend.
"Hi Friend!!" bati sa akin ni sofie sabay beso sa akin. May gana pang bumeso ang bruha.
"Hello dear!" bati ko rin sa kanya.
"Ang bilis mo namang makahanap ng away ngayong araw na ito. Sana tinawagan mo ako para wala na talagang buhok itong kaaway mo. Ano, lagasin na natin ang buhok?" tanong niya sa akin.
Syempre katulad ko, bitch din yang si Sofie. Pareho rin kami ng hobby. Kaya ko nga siya naging BITCHfriend diba?
"Thanks but no thanks. Sa susunod na lang pagnakita pa natin itong nerd na ito." Sabay turo ko sa Nerd.
"Pasalamat ka Nerd at may umawat sa atin dahil kung hindi, magkakaroon ang Pilipinas ng taglagas na klima. At sisiguraduhin ko na 'yang buhok mo ang unang malalagas" pagbabanta ko sa kanya.
"Grabe, natakot ako! Sige paghahandaan ko sa susunod na magkita tayo, hinding-hindi kita uurungan" sagot sa akin ni nerd.
At ayon umalis na siya ng mall.
END OF FLASHBACK ...
Grabe talagang Nerd na iyon. Ang lakas ng loob na kalabanin ang magandang nilalang na si AKO.
^______^
-Joana's POV-
*SA BAHAY*
"Oh Ate, Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang bruha diyan sa buhok mo. Sana naman sinuklay mo muna yang buhok mo gamit ang kamay mo para di ka gaanong bruha sa paningin ng ibang tao sa iyo. Kulang nalang ay magdala ka ng walis ting-ting, magsuot ka ng itim na sumbrero at itim na dress. Oh diba, witch na ang dating mo ate. Pwede ka na sa halloween party. Kaso malayo pa eh kaya maghintay ka nalang huwag kang excited!" Sabi ng chaka kong kapatid.
Langyang Jessica oh, ginawa pa talaga akong witch sa imahinasyon niya. Paano ba naman kasi, namamasyal lang ako sa mall nang may bumangga sa akin tapos sinabunutan ako bigla. Nagmukha tuloy akong bruha dahil sa buhok ko.
"Ano ka ba naman Jessica, ang haba-haba ng pinagsasalita mo wala namang patutunguhan. At pwede ba, bawas-bawasan mo ang pagsisigaw mo kasi nakakarindi sa tenga." Saway ko sa aking Kapatid.
Nakita ko naman ang kapatid ko na naka headset. Bwiset na bubwit tong kapatid ko oh. Naglelecture pa ako sa kanya tapos heto siya at hindi nakikinig.
"Sinong kausap mo ate?" inosenteng tanong ng bwiset kong kapatid sabay tanggal ng headset..
"YUNG PADER !!!" sarcastic kong sabi sa kanya.
"Talaga?" Manghang sabi sa akin ni Jessica. Hindi ba siya nakakaintindi ng word na sarcasm.
"Ay hindi, hindi, hindi. Kasasabi ko lang diba?" Mapagtripan nga, "Jessica?"
"Yes Ate?" nag puppy eyes pa ang duwende. Hmp ! di naman bagay.
"Pwede ka bang pumunta sa hospital bukas?"
"Anong gagawin ko 'dun ate?"
"Try mo kayang bumili ng dress sa hospital?" sarcastic kong sagot sa kanya.
Nakakalokang kapatid to oh. Ang slow masyado.
"Ano nga ang gagawin ko dun eh?!" inis na tanong niya.
"Pa check-up mo yang tenga mong bingi at 'yang slow mong utak !!!" Sigaw ko sa kanya sabay akyat papuntang heaven— I mean sa kwarto ko pala para matulog dahil napagod ako sa kakasabunot sa babaeng may sungay kanina sa mall. Samahan pa ng slow kong kapatid. Naku! Mababaliw ako nito.
tok...tok...tok...
NAMAN EH!!!
"PASOK!!!"
at bumungad sa akin si Mama
"Oh, mama, ba't nandito ka?"
"Tumawag kasi ang daddy mo kanina" simula niya
"Oh, ano daw ang sabi ?" Tanong ko sa kanya
"Sabi ng daddy mo, ililipat ka daw niya sa ibang school."
"Bakit naman po ?"
"I dont know. Basta ang sabi niya sa akin ay ililipat ka daw niya ng school"
"Saan naman na school iyon ?"
"Sa FREEDOM HIGH ACADEMY" -mama
"WHAT!!!! Bakit dyan pa? marami namang ibang school ah."
"Ano bang meron sa school na iyan at ayaw mo diyan pumasok?"
"That school is a school for all elites. I'm sure maraming mga brats dun at jerks at sure ako na ako rin ang pagtritripan nila kasi sila mayaman ako hindi.."
"Ano ka ba, think possitive nga. Saka, alam mo at alam ko na hindi ka mahirap." at umalis na si mama sa kwarto ko
Hayyyy!!! Mayaman lang naman ako sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Mayroon kasi kaming malaking sikreto ni mama at saka ni Jessica. Alam din ito ni papa. Kaso hindi namin pinagsasabi sa iba kasi magkakagulo lang ang lahat.
_________________________________________
HALA !!!!
Ano kaya ang sikreto nila ?
--------
hindi ko muna i-re-reveal yung sikreto nila kasi.......BASTA.....
TONGUE TWISTER:
Mitch the rich bitch
BINABASA MO ANG
*Campus Nerd vs. Campus Bitch*
Teen FictionJust read and find out about the story of nerd and the bitch. Follow this account @MirChanDise. You can read my other stories there. Thank you!!!
