-JOANA'S POV-
Sabado ngayon at napakaboring sa bahay. Si Jessica at si Mama kasi iniwan na naman ako rito para bantayan ang bahay. Eh wala ngang buhay itong bahay eh. Haist! Tumunog naman ang cellphone ko.
["Hello? Sino to?] - ako]
["Si Ashley toh."]
["Oh? Napatawag ka?"]- ako
["Pwede mo ba akong samahan dito sa mall? Wala kasi akong kasama magshopping eh. Please Joana"]- siya
["Mukhang hindi kita masasamahan Ash kasi pinagbilinan kasi ako ni Mama na bantayan ko muna ang bahay habang hindi pa sila dumadating"] - ako
["Ahh. Ganon ba? Kung ako nalang kaya ang pupunta diyan sa inyo. Tapos kung dadating na ang Mama mo, ipagpapaalam nalang kita sa kanya. Ok ba yun?"]- siya
["OK"]
Tapos binigay ko na sa kanya ang address ko.
Maya-maya pa ay may nagdoorbell. Dali-dali akong lumabas ng bahay at binuksan yung gate.
"Hi Ash!" bati ko sa kanya.
"Hello!" -Ashley
"Tuloy ka. Pasensya ka na kung maliit lang ang bahay namin ha"
Eh nakakahiya naman kasi. Sanay yung tao sa malalaking bahay tapos itong sa amin maliit pa sa maliit.
"Okey lang naman tong bahay niyo ah!" sabi ni Ashley
Pinaupo ko siya sa sofa.
"Hey Ash. Gusto mo bang kumain muna ?" yaya ko sa kanya
"Hindi na." maikli niyang sabi
"Okay"
"If you don't mind, pwede bang magtanong tungkol sa personal life mo?" tanong niya sa akin.
"Hmmmmm... - - - " hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang dumating si Jessica.
"NANDITO NA KAMI ATE!" sigaw ni Jessica. Gosh! Nakakahiya kay Ashley.
"Pwede ba na huwag kang sumigaw. Mayroon akong bisita. Mahiya ka naman Jessica " sabi ko kay Jessica.
"Sino siya ate?" tanong ni Jessica sa akin.
"Kasasabi ko lang kanina diba? B-I-S-I-T-A ko" - ako
"Kapatid mo yan Joana?" tanong ni Ashley
"Ah oo. Kaso baliw eh kaya pagpasensyahan mo na." sagot ko
"Ano ka ba Joana pasalamat ka nga at ganyan yang kapatid mo. Kakambal ko nga sobrang sungit. " sabi ni Ashley.
"May kakambal ka pala?"
"Ah oo. By the way, asan nga pala ang nanay mo Joana?"- Ashley
"Im here! Bakit mo ako hinahanap iha?" epal ni Mama. Kung maka epal feeling bagets si nanay.
"Gusto ko kasing isama si Joana sa mall kong okay lang po sa inyo."- Ashley
"Sige payag ako basta't maaga kayong uuwi." - mama
"Pangako po. Aagahan ko pong ibabalik sa inyo si Joana."- Ashley.
Di kaya'y tomboy tong si Ashley ? Kung makahingi ng permiso sa mama ko parang lalaki eh.
"Magbibihis lang muna ako Ashley. Hintayin mo muna ako." Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba na ako at nagpaalam kay mama.
-Mark Evance's POV-
BINABASA MO ANG
*Campus Nerd vs. Campus Bitch*
Novela JuvenilJust read and find out about the story of nerd and the bitch. Follow this account @MirChanDise. You can read my other stories there. Thank you!!!
