Chapter 44 -- Still Him --

337 14 7
                                    

-NICHO-

Hinanap ko ngayon si Joana sa kung saan-saan pero hindi ko siya mahanap.

"Oh pre. Nagmamadali ka yata?" tanong sa akin ni Marvin.

"Ah oo. Pre, nakita mo ba si Joana?"

"Mukhang nandoon yata sa library kasama yung... James ba yun?"

"Sige salamat." at nakipag-apir ako sa kanya. Nakita ko siyang namumula.

"Pre, ba't namumula ka?" tanong ko sa kanya.

"Ah...w-wala ito. M-mainit kasi eh. Sige una na a-ako." tapos kumaripas na siya ng takbo. Weird din yung taong yun minsan.

Well, nagmamadali akong pumunta sa library at nandoon nga siya kasama si James.

"Joana, pwede ba kitang makausap?" tiningnan niya lamang ako gamit ang malamig niyang mata.

"Dude, ayaw ka atang kausapin ni Ice. Pwede mamaya nalang?"-James

"Sorry, dude. Pero importante kasi itong sasabihin ko."

"Ano Ice, kakausapin mo ba ito?" turo sa akin ni James.

"No."

"Umalis ka na, dude. Sa susunod na araw mo nalang siyang kausapin."-James

"Ayoko nga sabi eh!!!" sigaw ko.

"Shh...huwag kang sumigaw hijo. Baka nakakalimutan mong nandito ka sa library." sita sa akin ng librarian.

"Sorry po."

Tumingin ako kay James.

"Hoy lalaking may makapal na eyeliner, gusto ko lang makausap si Joana kaya huwag ka munang umepal okay?"

"Hoy ka rin, lalaking hindi ko kilala. Hindi ka ba nakakaintindi na ayaw ni Ice na makipag-usap sa'yo?"

"Pwede bang iwan mo muna kani Joana?"

"Hindi ko pwedeng iwan si Ice dito. At ako istorbo? Baka ikaw?"

"Argh...Gusto mo ba ng away ha?!!!" sigaw ko habang nakatayo.

"LUMABAS KA NGA HIJO!!!! ANG INGAY INGAY MO!!! HUWAG KANG MAGHAHAMON NG AWAY DITO DAHIL UNA SA LAHAT, LIBRARY ITO AT HINDI ITO BOXING RING!!! GET OUT!!! NAKAKAPERWISYO TONG BATANG TOH?!!! ALAM MO BANG ISTORBO KA SA MGA NAG-AARAL DITO HA!!!! LUMAYAS KA!!!" -librarian

"I told you. Ikaw ang istorbo." Bulong ni James sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Joana, magkita tayo sa labas ng school mamayang uwian. Huwag mong isama itong lalaking may makapal na eyeliner. Maghihintay ako sa'yo."

Tapos lumabas na ako ng library. Kainis...Tss...bakit ba ang daming epal sa mundo?


-JOANA-

Pupunta ba ako o hindi? Pero gusto kung pumunta. Pero may nagpwepwersa sa akin na hindi dapat ako pumunta.

"Ano pupunta ka ba, Ice?" tanong sa akin ni James.

"Saan naman siya pupunta?"-Jun

"Sa likod ng school mamayang uwian." -James

"Bakit naman siya pupunta dun?"-Kurt

"Eh kasi Kurt, pinapunta siya doon ni...ano ...ano ngang pangalan nun, Ice?"

"Nicho."

"Oo, Nicho pala. Yung walangyang lalaking yun. Sabihan ba naman akong lalaking may makapal na eyeliner. Sarap sapakin."

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon