Chapter 31 -- The Decision --

684 20 0
                                        

IVAN's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nag-usap kami ni Nicho. At dalawang araw na rin ang nakalipas simula nung pag-amin ni Evance sa nararamdaman niya para kay Joana.

At nakapagdesisyon na rin ako. Mag papakaselfish muna ako ngayon. Minsan lang ako naging ganito. To think na sa babae pa. Gusto ko munang sumaya kahit alam ko kung sino ang pipiliin niya. Hindi ko naman hihilingin na magustuhan niya ako. Pero sana hayaan niya akong ipadama sa kanya na gusto ko siya.

Nandito ako ngayon sa FHA at nakita ko naman si Joana. Gusto ko siyang puntahan pero hindi muna ngayon.

"Oh pre!!! Nakita mo ba yung kambal?" tanong sa akin ni Darryl.

Tss... Halata namang si Ashley ang hinahanap nito.

"Hindi." sagot ko.

"Ikaw Justin?" tanong ni Darryl kay Justin.

"Hindi rin eh." sagot nito.

Nakakapanibago yata yung kambal. Parati kasi silang early bird tapos ngayon malapit ng magtime pero wala pa rin sila.

Maya-maya pay nandito na ang kambal.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Eh kasi itong si Evance ang tagal kumilos daig pa ang babae. Sa tingin ko nga may pinopormahan na to eh." sabi ni Ashley.

Pinopormahan? WTF!!!! Akala ko ba kay Joana lang siya.

"Pinopormahan? Eh, paano na si Joana?" tanong ni Justin

"..........." Evance

Tapos umupo siya sa kanyang upuan. Which is sa tabi ni Joana.

Pinagmasdan ko silang dalawa. Tumitingin si Joana kay Evance tapos pagmaramdaman ni Joana na titingin si Evance sa kanya, imiiwas siya ng tingin. Ganon din si Evance kay Joana. *sigh* Mukhang wala na talaga akong pag-asa nito.

-JOANA's POV-

Hayys...!!!! Ang hirap naman nito.

"Good morning class!!!" bati sa amin ni Mrs. Lopez, Filipino teacher namin.

"Good morning Mrs. Lopez." bati namin pabalik sa kanya.

"Today, you have to compose a song about sa relationship niyo nang partner niyo. At ang partner niyo ay ang katabi niyo. Bawal magpalit ng partner. Kung sino na yung katabi niyo sa right side, siya na yung katabi niyo."

Katabi ko yung pader so, ang pader ang kapartner ko.

"Ma'am, wala po akong katabi!!!!" sabi ko

Tinaasan niya ako ng kilay. Waahhh....Taray much.

"Then si Mr. Rodriguez yung kapartner mo." sabi sa akin ni Mrs. Lopez.

Tadhana nga naman. Pero okey na rin. Nakapagdesisyon na kasi ako. Gusto kong bigyan ng chance si Evance na ...... na ..... mahalin niya ako hanggang sa matutunan ko rin siyang mahalin. Hayyss!!! Kung wala lang sana akong past edi sana.. hindi ako takot ngayon na magmahal.

Nagsimula ng magplano ang mga kaklase ko pero kami ni Evance, tahimik lang. Ang awkward nga ng atmosphere eh.

"A-ahm...E-Evance?" I broke the silence.

"Ano?!!!" naiinis niyang tanong

"A-ahm...paano natin gagawin yung pagcocompose?" tanong ko sa kanya.

"Tss..Ano pa ba? Edi isulat. Matalino ka diba? Edi ikaw ang gumawa. Tss..."

Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Kasalan ko naman kasi kung bakit ang cold ng pakikitungo niya sa akin.

"Sorry." yun lang ang nasabi ko.

"Don't be. Kasalanan ko naman diba kung bakit parati na lang akong nangingialam sa buhay mo? Sa buhay ng KAIBIGAN ko?"

"Sorry Evance. Sorry sa mga sinabi ko noon. Please kalimutan mo nalang yun."

"Kalimutan? Tss...Hindi ko kanyang kalaimutan yun Joana kasi kung kakalimutan ko iyo, makakalimutan rin kita" -Evance

"Evance - - - -" pnutol niya yung sasabihin ko

"Pwede ba Joana!!! Itigil na natin toh!!! Ito naman ang gusto mo diba? Na wala akong pakialam sayo? Lumayo na ako sayo Joana pero lapit ka pa rin ng lapit!!! Naiirita na ako!!! Kung kailan ayaw ko na, ngayon ka pa lalapit!! Tss..Magpapalit na lang kami ni Ivan." aalis na sana siya pero.

"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo sinasaktan ang mahal mo ng ganito?" mahinang sabi ko sa kanya.

"Hindi kita sinasaktan. Ginagawa ko lang kung ano ang gusto mo. Kagustohan mo naman ito diba? Bakit nagrereklamo ka? Tss.." tapos umalis na siya.

Tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko naman ito gusto dahil....nasasaktan ako. Paksh*t...

Maya-maya pay, may yumakap sa akin.

"Iiyak mo lang yan Joana. Nandito lang ako." Ang boses na iyon.

Humarap ako sa kanya.

"I-Ivan."

Yumakap rin ako sa kanya. Gusto ko talagang may karamay ako pag ako'y nasasaktan.

"B-Bakit ganon Ivan? *sobs* Bakit ganon? *sobs*"

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

"Ganyan talaga ang buhay Joana. Hindi sa lahat ng pagkakataon, parati ka nalang masaya. Minsan kasi ang buhay, nakapaunfair. Akala mo yun na pero babawiin din pala."

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa gumaan ang loob ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Thank you Ivan. Kahit hindi tayo medyo close."-ako

"Your welcome. Kapalit ng pagcomfort ko sayo, ngumiti ka."

Ngumiti naman daw si ako. Hahaha... Uto-uto ako eh...

"Aya!!! Gusto kong parati kang nakangiti. ^__^"

"Eh? Mapagkamalan pa akong baliw nito? Tss... Mag-isip ka nga Ivan." -ako

"Oh..Edi bumalik ka rin sa sarili mo. Yung walang common-sense, masungit, at pilosopong Joana. Yung mahilig mambara at warfreak." -Ivan

Sinapak ko siya.

"Hoy may common-sense kaya ako.*pout*"

"Joke lang ... hehe.."

I hug him.

"Thank you talaga Evance!!" tapos bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano ka ba. Wala yun. Magcompose na nga tayo. Sinasayang mo yung oras eh." -Ivan

"Ako pa ngayon ang nagsasayang ha?!!!!"

"Oo ikaw talaga!!! Ang hilig mong mag-emo eh."

"Che..!!!!"

Nagtatawanan lang kami habang nagcocompose. Thanks to him. I feel better now.

-EVANCE POV-

Tinitingnan ko ngayon sina Evance at Joana.

"Selos much?" mapang-asar na tanong ni Mitch.

Oo si Mitch yung partner ni Ivan. Pero dahil nga nagpalit kami ni Ivan, si Mitch na yung partner ko.

"Paki mo?!" naiinis kong tanong sa kanya.

"Relax Evance. Ano kaya ang mangyayari kung may gusto si Ivan kay Joana?" -Mitch.

Napatingin agad ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Just find out by yourself Mark." tapos umalis na siya at iniwan ako rito na naguguluhan.

Ano bang ibig sabihin niya? May gusto kaya si Ivan kay Joana?

__________________________________________________________

Soaddicted_13

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon