Chapter 17 --Apology Accepted--

1.5K 50 1
                                    

--JOANA'S POV—

Maraming tumitingin sa akin dito sa school. Pero wala akong pakialam sa kanila. Diretso lang akong naglalakad patungo sa classroom ko. Nang makarating na ako, tahimik lang akong umupo sa assigned seat ko. Tumingin ako sa bintana para makapag isip-isip ako kung ano ang gagawin ko ngayong araw. 6:37 A.M. pa naman kaya makikinig muna ako ng music sa phone ko. Unti-unti nang pumasok ang mga kaklase ko. Matutulog muna ako kasi malayo pa ang time. . . .



Nagising ako nung nag bell na. Tumingin ako sa paligid ko. Walang ka tao tao. Ako lang ang naiwan sa classroom namin. Nakita kong pumasok si Ashley.

"Ash, bakit wala ang mga kaklase natin? Diba time na? Ba't wala pa sila?" tanong ko sa kanya.

"Relax Joana. Pwede isa-isa lang? Nakita ko sila sa labas siguro may pinagtripan na naman sila sa labas."—Ashley

"Ah ganoon?"

Pumasok na 'yung adviser namin kasama ang principal pero wala pa rin ang mga kaklase ko.

"Good morning Joana and Ashley. May mga taong manghihingi sa iyo ng malaking favor Joana. It's up to you kung ibibigay mo sa kanila ang hinihingi nila." -Mrs. Reyes

Maya-maya pay, pumasok ang mga kaklase ko at iba ko pang schoolmates na nang-away sa akin at may dala silang isang one whole illustration board na may nakasulat na "WE'RE SO SORRY JOANA. WE HOPE THAT YOU WILL FORGIVE US" tapos lumuhod silang lahat pati na rin ang lahat ng teachers and principal.

"Sorry din, Joana. Hindi namin napigilan ang mga estudyante sa pambu-bully sayo. Pasensya na talaga." Sabi ng mga teachers.

"Yeah. Sorry, Joana" sabi nilang lahat.

Hmmm. Kahit hindi sila humingi ng tawad sa akin, mapapatawad ko pa rin sila.

"Matagal ko na kayong pinatawad kaya. APOLOGY ACCEPTED" sabi ko sa kanila with my cold voice.

Tumayo silang lahat at nagpasalamat sa akin na pinatawad ko sila. Sincere ang mga teachers sa paghingi ng apology pero yung mga studyante, hindi. Ang pa-plastik nila. Pakitang tao lang kumbaga.

Pagkatapos nun, regular class na ang nangyari.

Turo doon...

Turo Dito....

Quiz doon...

Quiz dito...

Nakakapagod! Buti nalang at break time na namin. Sabay kaming naglalakad ni Ashley papunta sa cafeteria. Nakita ko naman ang Zero Degree Band. And guess what? Humingi rin sila ng tawad sa akin.

"Sorry talaga, Joana. Hayaan mo sana kami na gawin yung dapat naming gawin."- sabi ni Ivan with matching puppy eyes pa.

Huh! So gay. As expected, napakachildish. Lahat ng lalaking nakilala ko, siya lang ang isip-bata. And take note. He's a Cassanova.

"Yeah Whatever!" sabi ko sa kanya with my bored tone.

Umupo na ako sa table nila Ivan. Wala na kasing vacant table at yung table lang nila ang may vacant. Palibhasa, sampung katao ang magkakasya doon.

"Ako na ang mag-oorder  para sa iyo Joana."- nakangiting sabi ni Ivan.

"Ako nalang. Ayoko kasi nang may nag-oorder sa akin."—sabi ko kay Ivan at tumayo na ako para umorder ng makakain ko.

Nang makabalik na ako, tahimik na kaming kumakain. Mas mabuti na itong tahimik kasi nakakapagod magsalita. Nasa gitna na kami ng pagkain ng may nagbuhos ng juice sa akin. Akala ko ba hindi na sila gagawa ng mga trip laban sa akin?

*Campus Nerd vs. Campus Bitch*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon